CHAPTER 3 | MEET MR. HANDSOME GUY

6 0 0
                                    

FF

Nandito na kami ngayon sa may entrance ng Thace University na papasukan at infairness malaki at maganda yung school i mean university pala.

Mukhang mayayaman ang mga nag-aaral dito.

Don't get me wrong kasi mayaman naman yung mga kaibigan ko ako lang talaga ang hindi pero ayos lang sa akin na ganito yung buhay ko kasi atleast napapalibutan naman ako ng mga taong nagmamahal sa akin kaya feeling ko ang yaman yaman ko na din.

Hindi nga lang mayaman sa pera at mamahaling bagay pero mayaman ako sa pagmamahal ng mga mahal ko sa buhay kaya i considered may self as a lucky rich person.

May biglang dumaan na magandang babae sa harapan namin kaya naman bigla kaming nagkatinginan tatlo.

Pinagmasdan namin ang itsura ng isa't isa at talagang hindi pang-sosyalin ang mga itsura namin in short lalo kaming nag mukhang mahirap.

Pero hindi na namin iyon pinagtuunan pa ng pansin at dumiretso na kami sa pagpasok.

Pagpasok namin sa loob ng university ay lalo akong namangha kasi sobrang ganda pala sa loob at syempre mas madaming nag-gagandahan at nag-gagwapuhang mga estudyante dito.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid ng university ay may nakatagpo yung mata ko.

Isang lalaki na matangkad, maputi, yung buhok niya black na may halong brown shade, matangos ang ilong pero hindi ko masyadong makita yung kulay ng kanyang mga mata basta ang gwapo niya.

Syempre kailangan ko munang malaman kung mabait ba sya o hindi kasi kung hindi sya mabait edi sayang ang kagwapuhan niya at magiging panget na sya sa paningin ko.

May biglang lumapit sa kaniyang mga lalaki kagaya niya mga gwapo din ito. Sa palagay ko ay mga kaibigan niya yun.

Dahil doon ay binawi na niya yung tingin niya sakin at kinausap na niya yung mga kaibigan niya.

Sakto naman at tinawag na ako nila Jahna kaya naman lumapit na ako sa kanila.

" Uyy beh, sino yun ha ? " nakapamewang na tanong niya sa akin.

" Ahmmm sino? " takang tanong ko sa kaniya.

" Ayy beh sino pa nga ba, edi yung gwapong boylet na katitigan mo kanina. Ikaw ha! nalingat lang kami saglit aba kumikerengkeng ka na dyan hahaha. " nangaasar na sabi niya sakin.

" Sira ka talaga hahaha. " tawa kong saad sa kaniya.

" Yung lalaki na katitigan ko kanina is hindi ko din kilala. Nakita ko kasi siya kanina habang nililibot ko yung paningin ko sa loob ng University tapos sakto naman na nakatingin pala siya sa akin edi nakipag-titigan na ako sa kaniya. " kibit-balikat na sagot ko sa kaniyang tanong.

Tinignan pa niya ako ng makahulugan. Yung tingin na nagsasabing marami ka pang dapat ikwento sa akin mamaya.

Pagkatapos ay bigla nalang siyang tumango at inaya na niya kaming hanapin yung Dean's Office para malaman na namin ang schedule at room unit ng bawat isa sa amin.

Naligaw pa nga kami pero buti nalang at may mababait na estudyante ang tinulungan kami para mahanap na namin yung Dean's Office.

Nang narating na namin ang Dean's Office ay huminga muna kami ng malalim bago ipinihit ni Jahna ang door knob ng pintuan ng Dean's Office.

Pagkapasok namin ay bigla akong napakapit kay Jahna dahil may mga estudyante pala dito sa loob.

Akala kasi namin kanina ay walang tao sa loob pero akala lang pala namin yun.

Dahil sa medyo mahiyain ako lalo na pagmay mga tao sa paligid ko ay inilibot ko nalang ang mga mata ko at habang inililibot ko ang paningin ko sa buong silid ng Dean's Office ay tumama ang paningin ko sa isang lalaki at familiar siya sa akin at oo nga siya yung lalaki kanina na nakatitigan ko.

Nakita ko syang nakatingin sa akin at bumaba pa ang tingin niya sa magkahawak na kamay namin ni Jahna.

Lalo naman akong napahigpit ng hawak kay Jahna at alam kong naramdaman niya yun kasi sinulyapan niya ako.

Nawala ang focus ko doon sa lalaki ng bigla akong hatakin ni Jahna. Yun pala ay lalapit na kami sa table ng Dean namin.

Naramdaman ko ang mga titig nilang lahat sa amin pero yumuko lang ako at yung tatlo kong kasama ay diretso lang ang tingin habang seryoso ang mga mukha.

Sa amin kasing magkakaibigan ay ako talaga ang may malaking takot kapag may mga taong nakatingin sa akin.

Buti na ngalang at lagi silang nandyan para alalayan ako lalo na kapag inaatake ako ng anxiety ko.

Pagkalapit namin ay pinaupo na kami ng headmaster sa upuan at idiniscuss niya sa amin ang mga rules and regulations sa loob ng University.

Sinabi niya na kailangan namin itong sundin kung ayaw namin na masuspend o mabigyan ng punishment kung sakaling lalabagin namin ang isa sa mga rules and regulations na nakalagay doon.

Binigyan din niya kami ng Uniform, ID's and Brochure kung saan naglalaman ito ng mga details about university, maps and kung anong section kami. He also gave as a key for our locker.

Pagkatapos ay nagpasalamat at nagpaalam na din kami sa Dean at lumabas na kami.

Bago pa maisara ni Zerah ang pinto ay nakita ko pang nakatingin pa din silang lahat sa amin pero nangingibabaw talaga yung tingin ng gwapong lalaki na iyon sa akin.

Nakita ko pa nga na sumulyap yung babaeng maganda sa kanya at nakita nito na nakatingin yung lalaki sa akin kaya tinitigan niya ako ng masama.

Parang sa pamamagitan nun ay binabalaan niya ako na wag na wag kong aagawin yung lalaki sa kanya dahil sa kanya lang ito.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya para hindi ko na maisip ulit kung gaano kasama niya ako titigan.

Sakto naman at tuluyan ng naisara ni Zehra ang pinto at naglakad na ulit kami.

Habang naglalakad ay chineck namin ang kanya kanyang brochure para tignan kung magkaklase ba kami at buti nalang magkaklase pala kaming apat kaya lalo pa kaming sumaya at sabay na namin hinanap kung saan ba yung room namin.

Sa wakas ay nahanap na namin ang aming designated room.

Kumatok muna kami bago pumasok sa loob, pagkapasok ay nagulat kami dahil may mga estudyante na pala doon sa loob medyo madami-dami na din sila.

Wala pa naman professor kaya namili na kami kung saan kami banda uupo.
















































Ps. Hi my beloved readers! Ito na yung bagong ud ko mahaba na siya kaya hindi nakakabitin hahaha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Please, Choose MeWhere stories live. Discover now