CHAPTER 2 | THE WAR BETWEEN JAHNA & ZERAH

10 1 0
                                    


" Anastasia gumising ka na dyan. Aba't anong oras na ay tulog ka pa din. Baka nakakalimutan mo may pasok ka na ngayon at first day of class mo pa, kumilos ka na. " abalang sabi ni Tiyang.

" Hay naku naman si Tiyang talaga kahit kailan ang ingay ingay. " inis na saad ko.

" Aba't ibang klase ka talagang bata ka. Ikaw pa ibang klase ka talagang bata ka. Ikaw pa talaga ang galit samantalang ikaw na nga itong mali. Hala sige bahala ka huwag kang kumilos para malate ka sa klase mo. Unahin mo muna iyang katamaran mong bata ka." galit na saad ni Tiyang. 

" Eh Tiyang naman kasi kaaga-aga nanenermon ka na kaagad atsaka hindi naman ako malalate sa pagpasok sa pagpasok. " sabay gulo ko sa aking buhok.

" Oh siya sige na sabi mo eh. Aalis na muna ako. " saad ni Tiyang.

" Tiyang saan ka naman pupunta? Nagsawa ka na ba sa pag-aalaga sa akin kaya iiwan mo nalang ako mag-isa dito? Tiyang naman, bakit ka naman ganyan. Hindi mo ba alam na ilang beses na akong iniwan ng mga past relationships ko tapos pati ba naman ikaw ay iiwan mo din ako. Bakit ano bang wala sa akin at lagi niyo nalang akong iniiwan mag-isa?. " sabay iyak ko ng peke.

Tumingin naman sa akin si Tiyang na nagtataka at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

" Aba Anastasia umayos ka nga dyang bata ka para kang nasisiraan ng bait. Pupunta lang ako sa palengke at mamimili lamang ako para may panluto ako para sa karinderya natin mamaya. Napaka-oa mo naman at sobrang dami na ng sinabi mo. Hay naku kailan ka kaya titino. Yan kasi ang natututunan mo sa pagsama-sama mo sa mga kaibigan mo. Nahahawa ka na tuloy sa kanila. " nakapamewang naman na saad ni Tiyang.

Napakamot naman sa aking ulo at sakto naman na may kumatok at tumawag sa pangalan ko.

" Anastasia beh, gising ka na ba?! " sigaw ni John ay Jahna pala.

" Jahna naman sinabi ko na sayo kanina diba na huwag kang maingay. " rinig kong saad ni Carlaine

" Hala yari ka bakla panigurado masesermunan ka na naman ni Tita hahaha. " saad naman ni Zerah

" Oh come on Zerah shut up! " sabi ni Jahna halata sa tono ng kaniyang boses na nainis siya sa sinabi ni Zerah.

Napabuntong hininga naman si Tiyang at sinabing

" Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Hoy John tumigil ka nga dyan! Huwag kang sumigaw dito kaaga aga pa eh. " yamot na saad ni Tiyang.

" Ayy Tita sorry naman po and correction po sinabi niyo na name ko. It's Jahna not John po ilang beses ko na pong sinasabi yan sa inyo. " kunwaring malungkot na saad ng beki kong friend.

Narinig ko namang tumawa si Zerah at sinabing

" Come on baks hindi naman daw kasi bagay sayo yung maging isang babae hahaha. " sabay tawa din niyo. Narinig ko din ang mahinang pagtawa ni Carlaine.

" Ay tumigil na nga kayo sa pagtawa atsaka Zerah grabe ka sa pagsabing hindi bagay sa akin ang maging isang babae, eh ikaw babae ka nga pero saan banda. Eh mas mukha ka pang lalaki kaysa sa akin." galit na sabi Jahna.

" Anong sabi mo!? " sigaw na tanong ni  Zerah.

" Guys! Guys ano ba! Tumigil na nga kayo! " pikon na sabi ni Carlaine.

Pero ang dalawa ay hindi pa din tumigil sa pag-aaway kaya naman binuksan na ni Tiyang ang pinto at ano pa nga ba edi pinagsabihan niya yung dalawa.

Ang epic nga ng mukha nilang dalawa habang sila ay pinapagalitan ni Tiyang pero sa huli ay nakinig naman sila and nagkabati na silang dalawa.






































Good day readers yan muna ang update ko for today's video. Thank you sa pagbasa.

Please, Choose MeWhere stories live. Discover now