Part 5

14.4K 725 139
                                    


KADARATING ni Amari sa Tipsy Bear at inabutan niya si Pierre sa opisina na kausap ni Isaac. Madalas ba talaga itong magpunta sa club? Pinigil niya ang mapasimangot sa posibilidad na palagi silang magkakaengkwentro nito.

Kaswal siyang bumati sa kanyang boss na parang walang nakitang bisita. Sorry naman, ayaw niya maging rude pero hindi rin niya kayang maging plastic.

"What's that?" sita ni Isaac sa kanyang hawak na rectagular box.

"Oh, mini cakes. 'You want some?"

Gusto sana niyang sabihing ginawa niya talaga ang mga iyon para kay Isaac, bilang pag-thank you dito sa pagpayag na mag-off siya. Pero bigla siyang nahiya dahil kasalukuyang may epal na impakto doon.

Lumapit si Amari sa mesa ni Isaac saka binuksan ang kahon. "Uhm, medyo chaka ang itsura, mahina ako sa cake decorating talaga."

Nakitingin si Pierre. "What are those supposed to be?" kunot-noong tanong nito habang tinitingnan ang anim na pirasong mini cakes.

"Teddy bears," sagot ni Amari.

May nakita kasi siyang maliit na teddy bear sa mesa ni Isaac, bigay daw ng Mama nito noong bata pa ito. She thought that was sweet, that he was still keeping stuff from his childhood, dini-display pa iyon.

"Huh?" Itinuro ni Pierre ang isang piraso ng cake. "Sabagay, mukhang fetus ng teddy bear itong isang 'to. Kung may tiyanak lang ang teddy bear, ganyan siguro ang itsura."

Tumawa si Isaac saka dumampot ng isa. "They look fine, Amari," sabi nito sa kanya.

Ngunit hindi pa tapos si Pierre. "Ito naman, parang nalulusaw na etits," panlalait uli nito sa isa pang piraso.

Hindi na nakapagpigil si Amari, dinagukan niya ang impakto. Kinalimutan na niyang kaibigan ito ng boss niya at regular customer nila. Nagdidilim talaga ang paningin niya sa lalaking ito!

"Biro lang." May itinuro uli ito sa mga cake. "Penge'ng isa, itong teddy bear na may identity crisis, mukhang asong nagkukunwaring oso."

"Ayoko!" Isinara ni Amari ang kahon. "Kapal ng mukha mong humingi pagkatapos mong laitin ang itsura?"

Tinawanan ni Isaac ang kaibigan. "Too bad, pare. Ang sarap ng cake," kantiyaw nito. "Thank you, Amari. You're so sweet," saka nakangiting baling nito sa kanya.

Pero pangit nga siguro ang mga mini cakes niya dahil nang inalok niya si Jensen ng isa ay inakala nitong kulay brown na Yoda iyon, nang sinabi niyang hindi, tanong nito ay gorilla daw ba o paniki?



TATLONG gabi lang sa isang linggo kung magkasama sina Amari at Isaac sa Tipsy Bear. Kadalasan ay off ng lalaki tuwing Miyerkules at Huwebes.

Papasara na noon ang club ngunit naroroon pa rin si Pierre, at kanina pa angat-baba ang kilay ni Amari sa panonood dito habang may babaeng kasayaw sa dancefloor. Maganda ang babae, sexy. Litaw na litaw ang mga hita nito sa taas ng front slit ng suot nitong palda. Sa maharot nitong paggalaw ay nasisilip ang itim nitong panty. The girl didn't seem to mind that. Ganado itong gumigiling habang nasa likod nito si Pierre na sumasabay. Amari had to admit, the pair was delightful to watch. Napakasensuwal ng ginagawang sayaw ng mga ito. Matangkad si Pierre pero hindi ito awkward sa paggalaw. He was graceful, may natural na ritmo ang katawan. The way he swayed and thrust his pelvis was giving her... weird effects. Napatingin tuloy siya sa hawak na kopita ng tequila sunrise. Hindi pa naman siya siguro lasing? Mataas ang alcohol tolerance niya, hindi siya ang tipong madaling maapektuhan ng alak. She couldn't even recall the last time she got really drunk.

Inubos ni Amari ang laman ng baso at sumalumbaba sa ibabaw ng counter. Nahuli niyang tumingin sa kanya si Pierre habang hawak sa beywang ang babaeng kapareha nito. Humaplos paitaas ang isang palad nito sa braso ng babae, tumigil sa leeg nito. Pumikit ang babae, nagbago ang itsura ng mukha. Umawang ang bibig na tila nagpakawala ng ungol.

Ay, grabe na this! Feel na feel lang ang sayaw?

Hindi niya alam ang iisipin sa sarili dahil hindi siya naeeskandalo sa napapanood. She was watching intently, curious and wondering. Sino ang babaeng iyon? Girlfriend kaya iyon ni Pierre kaya parang napakakomportableng makipagsayaw ng ganoon sa lalaki? Kung randomly lang nito nakilala ang babae sa Tipsy Bear ay nakakabilib ito. He seemed to know exactly what the right button to push.

Sunod na humawak si Pierre sa baba ng kapareha, itinaas iyon. Si Amari naman ang sumunod na napanganga sa ginawa ng lalaki. Did he just grin at her before kissing the neck of his dance partner?

Tapos siya naman itong parang ewan na naliligalig. Was she feeling envious of the woman? Was she secretly wanting to dance like that, to have a partner like... him?

Ugh. Que horror!

Inirapan ito ni Amari saka nagpunas na lang siya ng counter. Makaraan ang ilang saglit ay lumapit sa kanya ang magkapareha. Um-order ang babae ng lotus martini, whiskey sour naman si Pierre. The woman said she'd pay this time, Pierre agreed. Ang bartender na si Jensen ang umasikaso sa dalawa.

Nag-aayos ng mga baso sa shelves si Amari nang magsalita si Pierre. Narinig niya kaninang nag-excuse na gagamit ng restroom ang babae.

"Anong oras kayo magsasara?" tanong nito.

"Actually, hinihintay ko na lang kayong umalis ng kasama mo."

Pinilit niyang maging maging magiliw ang tono ng boses. Iyong hindi plastic, iyong nagpapaka-civil at professional lang na tono. Customer pa rin nila si Pierre kahit na nabubuwisit siya dito.

Inilibot nito ang tingin, natawa nang matuklasang wala nang ibang tao roon.

"So, you let girls buy you drinks pala, 'no?" hindi napigil sabihin ni Amari.

"Hey, she offered to pay. Besides, ako naman nagbayad ng mga naunang drinks namin." Sinimangutan siya nito. "Sabi ko na nga ba, napilitan ka lang magbigay ng free drink sa akin. Magkano ba iyon? Bayaran ko na lang, doblehin mo ang presyo plus tip."

"Sinabi ko bang bayaran mo? Para nagsabi lang ako ng observation ko."

"I don't know what the big deal is. So what if I let a woman pay if she asked for it? Nasa makabagong panahon na tayo, you women can do anything you want. Don't let our society dictate you what to do."

Wow, plus pogi point ang impakto. Gusto niya ang mga lalaking progressive mag-isip at hindi kinukonsiderang weaker sex ang mga babae. Bihira lang ang kilala niyang ganoon, o kung mayroon man talaga. Pati ang Kuya nga niya ay tradisyonal pa rin sa maraming bagay.

"Nakipaglaban na mga ninuno natin noon sa mga dayuhan para maging pantay-pantay tayo sa lipunan," sabi pa ni Pierre. "I should know, may lahi kaming Katipunero."

Pagkarinig sa word na 'lahi' ay napasimangot si Amari, erased na agad ang tumutubong paghanga niya sa lalaking ito.

"At may lahi kaming tikbalang," she muttered while rolling her eyes.

"Well..." Itinaas ni Pierre ang baso ng whiskey sour. "Sabi nga ni Isaac, sa lahat ng tikbalang, ikaw itong maganda. And if I may add, tikbalang na may sexy legs."

Iiih. Sexy ba talaga ang legs niya? Pangalawang beses nang pinuri ni Pierre ang mga iyon. Wala pang lalaking nagsabi niyon sa kanya.

"Ubusin mo na iyan. Magsasara na kami."




Hey, everyone! Sa mga gustong mag-avail ng book version ng Seduce Me Now, Marry Me Later, available to order na ang premium paperback size and shipping this month na rin. The regular price is P1059, kasali na po diyan ang shipping fee. Message me if you want to order. Thank you so much! ~ ML

Charmed Too Deep (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang