dare game

0 0 0
                                    

luan's pov



Limang araw na ang nakalipas simula noong nagkita ulit kami ni Clarence.
Kung wala lang akong bayarin this month mag reresign ako sa hotel para lang makaiwas sa kanya.

Para akong tanga kapag nasa hotel ako. Hindi kasi ako mapalagay baka kasi magpang abot kami ni Clarence..

" Napapansin ko lately parang kang balisa?" Tanong sa akin ni nelly. Syempre wala siyang alam. Nelly is my saviour and my best friend for almost 7 years. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Akala ko noon wala ng patutunguhan ang buhay ko noong nagkasakit si mommy. Si mommy na lang na meron ako ngayon. Hindi lahat ng yaman ay matutumbasan ang magulang. nawala man ang mga bagay na meron ako noon, nunka mawala ang mommy ko, kahit hindi na niya ako kilala ngayon.

"Ano ka ba, pakiramadam mo lang yun" alibi ko alam kong maraming naglalarong katanungan sa utak niya. Dahil doon sa nasaksihan niya noong sinabi sa akin ni Clarence na girlfriend. Pero iba si nelly hindi niya ako kinukulit para pag usapan. Dahil alam niyang naiirita ako kapag kinukulit ako.. alam kong naghihintay lang siya nag mag open ako sa kanya.

" Bilisan natin, sa rooftop daw tayo ngayon. May occasion ata si...sir.. Clarence." Alangan na sambit ni nelly sa pangalan ni Clarence..

" Wait, I'm done handwash lang ako."  Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria na nasa gilid ng hotel nag lalunch time.

" Sabay na ako at naiihi na din kasi ako" si nelly. Kumapit pa siya sa siko ko at sabay naming tinungo ang rest room..

°°°°°°°°°°°°°°°

Fast forward

Hindi lang kami ni nelly ang naka assign ngayon dito marami kami. Pinatulungan namin e prepare kung ano man ang kaganapan mamaya.

"Grabe talaga basta anak mayaman, noh.?  Party dito, party doon"  sabi ni sandra na katrabaho ko dito.

" Duh, anong silbi ng pera nila kung hindi ilulustay, di ba?" Maarting tugon naman ni amanda. Bitch! Sa lahat nag ka trabaho ko dito siya lang yung super maarti at pilingira ang lola nyo, hindi naman bagay.

" At gwapo pa ni sir Clarence, kyaahh!" Kilig sa sabat ni Accel na bading. Natatawa na lang ako sa ugali niya..

" Hoy! Bilisan nyo dyan, dito naman kayo!"  Pa sigaw ni Bryant na medyo malayo Siya sa amin. Nakita ko kung paano siya nag wink sa akin. Heheheh!

" Oo, na kanahalan!" Padabong na sabi ni amanda. Alam kong nakita niya yung oag wink ni Bryant sa akin. Kaya selos siya.

" Hahaha, gaga! Nag smile ka talaga kay Bryant, ha?! Baka sabunutan ka niyan bigla" nguso niya kay amanda.

" As if naman kaya niya. Ano ba sila? Wala namang sila, ah. Ang bruha lang ang nag aasume. Best friend lang niya si Bryant kung makaasta boyfriend niya, kalorke!"  Pagmamaktol kong sabi. Hindi ko maiwasan na mairita sa inaasal ni amanda. Oo aaminin ko sa first day ko pa lang dito sa hotel, si Bryant talaga ang una kong nakasundo dito maliban kay nelly.
At hindi ko maiwasan na nagka crush ako sa kanya. Hindi lang sa gwapo at mabait siya sa akin, may sense of humour siya. At isa din siya sa may alam about sa mommy ko.

" Luan!" Narinig kong tawag sa akin ng head namin. Napapalapit na ito sa aking pwesto.

"Miss?, Bakit po"  tanong ko.

" Puntahan mo si sir Clarence sa penthouse niya. May ipapagawa daw siya sayo"

"...Po?"alangan kong tanong bakit ako pa?  Marami naman iba dyan, ah?!

" Bilisan mo, papalitan niya yata sayo ang mga curtains" sabi niya at nilagpasan na niya ako..

"Papalitan? Limang araw pa lang siya dito ng palitan natin, ah?" Pag tatakang tanong ni nelly.

"Iwan, ko"

"Gusto mo ako na lang ang pupunta doon?"  Sabi ni nelly alam kong nababahala siya sa akin.

"Hmm,, no i can manage naman. Bahala na"

"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo na dalawa sa past nyo? Totoo babg girlfriend ka niya?" So, hindi na nakatiis si nelly.

" I'll tell you later pag uwi natin sa apartment, nelly. Hmm, alis na ako" akmang lalakad na ako ay binalingan ko siya. " By the way, i just don't want to put in your head na may something kami ni Clarence. There's nothing between me and him. He's not my type being my boyfriend. Clarence is my dare game back then."  Napansin kong may ngumiti ng maloko ang bruha.

" Girl, nose bleed ata ako, eh.. matagal ko din yang hindi narinig yang spokening English mo, eh. Okay, convince na ako sa reason mo, gora na !"  Sabay tulak niya sa akin pababa ng hagdanan.

Oopsey Daisy Where stories live. Discover now