Iniwan ka nila
Hindi ako nanghusga
Mas inuna kong unawain ka
Ganun ako magpahalaga.Kahinaan mo'y lantad
Dina kelangan ihayag
Proweba'y nakalatag
Bagong silang na hubad.Bakas sa pagkatao mo
Kung paano ka nabigo
Subokan mang itago
Ngunit luha'y tumutulo.Kaya luha'y wag pigilan
Sa balikat ko'y sumandal
Hinding hindi kita iiwanan
Kasi napagdaanan kuna yanAt pwede bang sa susunod
Sa tuwing ika'y nalulunod nasa lungkot
Magsabi ka sa akin at wag matakot
Tumawag ka, asahan mong ako'y sasagot.At itigil mona rin ang pagpapanggap
Gawing pansamantalang unan ang aking mga balikat
Asahan mong bibigyan ka nang mahigpit na yakap
Patuloy na magiging kaagapay mo sa hirap.
![](https://img.wattpad.com/cover/326103344-288-k704799.jpg)
YOU ARE READING
"Sandalan Mo"
PoetryMahirap magpalaya ng taong mahal mo, Ngunit mas mahirap maging masaya kung alam mung napilitan lang siyang piliin ka kasi pinilit mo.