CHAPTER 24

287 10 0
                                    

GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!




(Flashback)

"Anong bang nangyari sayo?" Tanong ni Jai

Tumulo ang luha ko na agad ko namang pinunasan.

"Wala to" sagot ko nalang

"Anong wala ka jan, kung makaiyak ka parang wala nang bukas tapos wala lang yan??" Galit nyang sabi

"Bakit ka sakin nagagalit!!?" Balik kong sigaw. Wala na akong pake kahit marinig kami ng mga customer nya sa labas.

"Ikwento mo nalang kung anong nagyari sayo" huminahon ang boses nya

"Sino ka ba para sabihin ko sayo ha!"

"Baka matulungan kita..."  Napatitig naman ako sa kanya

"Huh matulungan? Wala na atang solusyon tong problem ko"

"Kaya nga mag kwento ka malay mo meron"

I have no choice kakapit nalang ako sa patalim, baka nga meron itong solusyon.

Kinukwento ko sa kanya lahat ng nangyari sakin, magaan ang loob ko kay Jai sa hindi malamang dahilan. Alam ko sa sarili ko na galit at takot ako sa lahi ni Adan pero iba si Jai. Makulit at mabait sya kahit minsan ang sarap nyang sabunutan sa sobrant inis ko.

"That freaking Hajiwaro" bulong nya at di ko narinig

"Ha?"

"Wala wala sabi ko anong gusto mong gawin ko kamo" napalabi naman ako sa sinabi nya

"Ewan ko din" napayuko nalang ako dahil nawawalan na ako ng pag asa

"Gusto mo ba alamin ko kung anak ba talaga ng boss mo yun o hindi?" Suhesyon nya

Naisip ko din naman yan kasi sa laki ng koneksyon ni Kaius malalaman at malalaman nya kung kanya ba talaga ang bata at itataboy si Katherine pero hindi ih.

"Malawak ang koneksyon ng mga Hajiwaro kaya imposibleng hindi nya alam yan"

"Malamay mo may dahilan sya kaya hindi nya tinataboy yung Katherine na yun"

"Ano naman!!?" Napalakas ang sigaw ko sa kanya

"Chill ka lang" sabay angat ng dalawang kamay nya na parang susuko

"Sorry"

"Hayaan mo tutulungan kita malaman yan"

"Pano mo naman gagawin yun ih isa ka lang namang cook ni nanay Mildred" sabay irap ko

"Sus wala kang bilib sakin Naja ih, ako nang bahala" pagmamalaki pa nya

"Ano nang plano mo ngayon?"

"Gusto kong umuwi sa amin, kaso wala akong pamasahe naiwan ko yung wallet ko sa desk ko sa kumpanya ayoko nang bumalik dun"

"Sponsoran kita" aniya at tumayo

"Ha?"

"Ako bibili ng ticket mo pauwi sa inyo, pero mag bihis ka muna ng damit mo dahil ang daming dugo nyan baka maharang ka ng mga guard at di papasukin"

SEDUCE HIMWhere stories live. Discover now