08

139 27 15
                                    

"Anong ginagawa niyo rito ng kapatid mo? Mukha bang may fiesta sa'min?" Gulat kong tanong nang bumungad sa akin si Sevi. May kanin pa sa bibig ko pero nagawa ko na agad mag salita.


"No. I'm sorry kung naaabala pa kayo ni Samuel." Tinignan niya ang kapatid niyang ubod ng ingay na nakikipag-usap sa mga tito ko bago niya muling binalik ang atensyon niya sa akin. "I'm here to return 'yung gifts na naiwan mo sa kotse."


"Ay, oo pala. Hindi na kita minessage kasi baka busy ka and hindi ko na makuha ngayon."


"Sol, patuluyin mo na rin 'yang sinasabi mo sa'ming boyfriend mo." Sigaw ni tito Benj dahilan ng pag-iinit ng mukha ko. "Nak, kain muna rito."


"J-Just don't mind what tito said. Mapagbiro lang talaga siya." Saad ko habang hindi ako mapakali sa harapan niya.


"Y-Yeah. Sure. I don't mind."


"Hindi ako nagbibiro." Giit ni tito Benj at lumapit sa amin para hilahin si Sevi papasok. "Huwag ka na mahiya. Welcome kayo rito. Basta talaga kayang pantayan ang kagwapuhan ko, welcome na welcome sa bahay."


Naiilang akong sumubo ng pagkain ko hanggang sa maubos. Gusto ko pa sana sumandok ng pangalawang plato pero hiyang-hiya na 'ko sa presensya ng magkapatid na nasa harapan ko at kumakain. Tapos na si Sevi at nakaupo na lang. Si Sam naman na naunang dumating, hanggang ngayon lumalamon. Kung titignan silang dalawa, hindi halatang mag kapatid.


"Sam, we should go now. Mahiya ka naman." Dinig kong bulong ni Sevi kay Sam. "You can eat at home."


"Wala akong kasabay doon. Dito kasabay ko sila Solace." Ngumiti ako pabalik nang ngitian niya ako.


"Then I'll eat again if you want. Umuwi na tayo."


"Hindi na. Late ka na. Masaya na 'ko rito."


"Sev, ayos lang. Invited naman kayo for dinner." Lumingon siya sa akin nang kausapin ko siya. "Tsaka kung dito masaya si Sam, huwag na natin pigilan. Mag enjoy lang kayo rito."


"Oo nga, kuya. Buti pa si Sol gets ako."


"Friends naman kasi ata kayo ni papa kaya ayos lang sa'kin." Saad ko.


"Oo, friends kami ng papa mo." Uminom siya ng isang basong tubig at pinunasan ang dumi sa bibig niya bago muling dumaldal. "Alam mo ba kung paano kami naging friends?"


Nagkibit balikat ako at umiling. "Wala akong idea."


"Samuel-"


May sasabihin pa sana si Sevi pero agad na pinutol iyon ng kapatid niya. "Kasi gusto ng papa mo na maging tayo."


Tumaas ang dalawa kong kilay at hindi makapaniwala sa aking narinig. Naka ngiti lang siya at naghihintay ng sagot ko. Si Sevi naman, walang reaksyon at seryoso pa rin ang mukha.


"G-Gano'n ba? Baka nagbibiro lang 'yon si papa. Nasa side talaga niya 'yung mga joker sa pamilya namin."


"Solace, alam ko naman 'yung joke sa hindi. Seryoso 'yung papa mo. Sabi niya mabait daw kasi ako at syempre mabait ka rin. Kaya siguro tayo pinagkasundo." Proud na proud niyang sagot. "Pero hindi naman tayo minamadali ni tito. Marami pa raw oras at agree ako sa kaniya."


"Sev?" Pabulong ko siyang tinawag.


Mabagal siyang umiling habang nag-iisip. "I-I don't know."


"Ayaw mo ba? Bakit? May crush ka siguro sa Manila. Lagot ka niyan kay tito David mo. Alam mo namang pusong bato siya." Pagpapatuloy pa ni Samuel na nagpapapak ng mga natira naming ulam. "Pero para sa'kin, ayos lang. Ayos lang kung may crush ka ro'n sa Manila. Basta huwag lang siyang magpapakita sa'kin kasi para mo na rin akong iniwan no'n. Pakiramdam ko hindi ako makakatulog nang maayos lalo na kung mas gwapo sa'kin 'yung crush mo-"


College Series #1: Sculpting Tomorrow TogetherWhere stories live. Discover now