17

114 26 44
                                    

"Sumama ka na. Minsan lang naman." Pagpilit sa akin ni Isla habang nasa jeep kaming dalawa papasok sa klase.


Hindi kasi ako hinatid si Sevi dahil ngayon sila mag-uusap ni tito tungkol sa anumang problema nila. Tinawagan ko na lang si Isla para sumabay sa kaniyang pumasok bago niya pa 'ko maiwan. Mabuti nga at pumayag siya. Gusto niya raw kasi maging independent. Pagbili nga lang ng siomai nakahawak pa sa'kin. 


"Kailan ba? Baka naman may pasok tayo niyan." Nakakunot noo kong tanong. 


Umiling siya bilang sagot. "Baliw. Bakasyon na natin no'n, 'di ba?" 


"Bakasyon na no'n?!" Hindi ko napigilang magulat. Ibig sabihin, malapit na rin ang graduation ni Sevi. "Ang bilis naman ata." 


"Anong mabilis? Mabilis 'yung oras? Simula noong bata pa tayo wala kang hinintay kung 'di mag bakasyon. Tapos ngayon nabibilisan ka? Ano ba talaga?" Gulong-gulo niyang tanong. 


"Para po!" Sigaw ko nang matanaw ko ang university namin sa hindi kalayuan. Bwiset, lumagpas na kami dahil sa kadaldalan ng isang 'to. "Init-init maglalakad tayo." 


"Arte, ah. Sanay na kasi sa hatid-sundo ng boyfriend tapos pag-uwi naka aircon pa sa condo." Pang-aasar niya dahilan ng pagtawa ko. 


"Nainitan lang ako, Isla. Kung ano-ano na naman mga sinasabi mo." Umirap ako sa kaniya. Mas humigpit ang hawak ko sa backpack na dala ko. Marami kasi akong dalang gamit ngayon kaya mabigat. "Oh, kailan na pala 'yung opening ng museum na sinasabi mo?" 


"May 28 daw. Kainitan nga kasi hapon daw mag s-start. Nandoon si governor, 'yung pogi." 


"May anak na 'yon." 


"Wala namang asawa." Maharot niyang sagot. "Single dad. Ready ako maging nanay." 


Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Patuloy na lang akong naglakad habang iniisip kung available ba ako sa sinabi niyang petsa. Pero kung bakasyon na naman namin, malamang wala na 'kong mga lakad sa araw na 'yon. 


"Tanungin ko rin si Sevi kung gusto niya sumama." 


Agad siyang nagulat at nagtaka dahil sa sinabi ko. "Si Sevi? Aayain mo sa isang museum? Wala namang interest 'yon sa arts. Sa environment, meron. Dalhin mo sa maruming park kapag nag date kayo para malibang siya." 


Hinampas ko siya sa braso dahil sa katatawa ko. "Sana nasasabi mo rin 'yan kapag kaharap mo siya." 


"Kung lasing kami, baka masabi ko. Pero kung normal kaming pareho, huwag na lang. Baka mapatigil pa 'ko sa pag-aaral kapag inasar ko siya." Nangasim ang mukha niya nang maisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Sevi sa mga sinasabi niya.  


"Try ko sumama. Gusto ko rin naman talaga kaya sana wala akong lakad that day." 


"Just text me as soon as possible. We'll be going with Lucius." 


"Talaga lang, ha? Si Lucius din madadala sa museum?" Sabay kaming natawa. Pero buti nga at naisipan niyang sumama para makapag bonding din kaming tatlo. 

College Series #1: Sculpting Tomorrow TogetherWhere stories live. Discover now