Lee 14•Traitor

25 4 0
                                    

[Present day]

Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Lee nang umalingangaw ang palakpakan. Katatapos lamang nilang iprisenta ang group project sa Ethics, si Benson at Ivo bilang frontliners sa reporting. Nakatoka sa pacing ng slides mula sa laptop, pumalakpak rin si Nika, isa-isang nag-thumbs up sa mga ka-miyembro, kahit na sa katabi nitong si Lee.

Napakurap-kurap siya, minasdan ang mukha nitong napintahan ng dilaw mula sa "Thank You" slide ng projector. Agad naman napalitan ng pag-aalala nang hindi siya gumanti ng thumbs up.

Ayos ka lang ba? senyas nito.

"I'm fine," sagot niya, isinabay pa ang katumbas na senyas kahit nakakrinig ito. Sa dalawang linggo nilang magkasama sa group project, kahit papaano'y nag-aral siya ng sign language. Dala na rin ng inis kay Rodulf na naging unofficial interpreter ni Nika.

Itinuro nito ang labi niyang hindi napansin ni Lee ay nakasimangot, tsaka ininat nito ang sariling labi, tila ba tinuturuan siyang ngumiti. Pilit na sumunod si Lee, ngunit kahit bumalik na sila sa kani-kanilang upuan at ibang grupo na ang nagprisenta, nanatili ang inat ng kanyang labi. Ganoon rin ang pagsunod ng kanyang mata sa bawat kilos ni Nika. Nagtama ang tingin nila ni Rodulf, ang katabi nito, pagkatapos ay muling ibinalik ang sulyap kay Nika. Itinuon ni Lee ang atensyon sa harap, ngunit muling nagnakaw ng tingin sa dalawang nagsisenyasan.

Bumangon ang inis niya sa gitarista. He knew he was the most knowledgeable of the group, but Rodulf's smarts had been annoying him recently.

"Ano 'yan, ha?" usisa ni Benson sa kanyang tabi, na hindi rin nakatiis.

Nagkatinginan si Rodulf at Nika, sabay iling, sa magkaibang ekspresyon. Ang una ay nakangisi at ang pangalawa ay nahihiya.

"Geh, usap kayo sa sarili niyong mundo," ganti ni Benson at siniko si Lee. "Gawa rin tayo sarili nating lenggwahe, bro. Chuchupaw, chupapaw, chuchupapaw?"

Lee just glared at him while Ivo, the only one seated in front chuckled, interrupting the serious presentation. Agad naman silang nanahimik nang sinaway ng propesor.

Hanggang matapos ang klase, nanatili ang kunot ni Lee pinapanood ang pagsi-senyasan ni Rodulf at Nika. Nakikisingit rin Benson, ginagaya ang dalawa. The view with the five of them walking together in the campus had become a common sight. At ngayon ay tinatahak nila ang cafeteria upang ipagdiwang ang pagtatapos ng dalawang linggong pagod para sa terror professor ng unibersidad.

Gumawa pa ng sariling senyas Benson at itinuro si Lee. Lumaki ang ngiti ni Nika at sumenyas. Thank you.

"Sabi ko libre mo," deklara ng bokalista. Nahila na si Nika ng gitarista at bokalista bago pa siya makatanggi.

"Masyado ka ng obvious, bro," komento ni Ivo sa kanyang tabi, at sa wakas itinaas ang tingin mula sa ka-chat nito. "Naniniwala ka bang hindi siya si Nika mo?"

"Hindi ko na alam," pagtatapat niya. They have the same face, but their characters were on opposite ends. Deep inside him, he knew the truth. Ngunit gusto lang niyang maniwala sa kung anong nakikita. Maybe he was forcing himself to believe that the two were separate people. He wanted to begin with clean slate too.

"Me too," Ivo grinned. "Sa sobrang curious ko, tinanong ko si Irish. She said this Nika is different from your Nika. She thought it's just a coincidence."

Pumasok sila cafeteria, namataan ang tatlong pumipili sa menu. "Wala ako sa lugar para makialam. It was a big mess back then. But bro..." Panandalian siyang pinigilan ni Ivo sa may entrada. "Ingat lang. Your Nika was a great manipulator, and it might stay the same after all these years. I just don't want to see you lose yourself again." At mabilis nitong nagdagdag. "Although I kinda like this Nika, pero ikaw pa rin bebe ko. Bros before hoes tayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thelieka (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon