Kabanata 1

83.8K 3.2K 1.5K
                                    

Maki Says: Profanities and detailed sex scenes ahead. Talaga ba, ngayon lang nagwarning? 😜🤣

---

Cairo

"Don Leviticus Monasterio's sons Lucas, Lucian, and Lucifer are making some noise in the business world as they opened Temptation Island, also called an Island of sin located in Palawan. Socialites and celebrities flocked on the Gala night, where the hopeful first members of the island spent a whopping 1.5 Billion pesos on their charity. The proud patriarch stood with pride and joy while looking at his sons who preceded the special night with propriety and class."

"Kumain ka na, Kuya?" Nilingon niya si Saint na parang walang naririnig mula sa balitang pinapanood niya sa TV kahit alam nito na ipinapalabas ang ama at ang mga kapatid nila sa ama. Tutok ang mata nito sa dalawang tuyo na nasa platito. Napailing siya sa awa sa kapatid. 

Nagpapatawa ata ang kanyang ama na suportado ang charity pero ang anak sa labas ay hindi.

"Hindi ba sabi ko bumili ka ng ulam sa labas, Saint? Binigyan kita ng pera."

"Sorry Kuya, may tuyo naman dito. Nagsaing na lang ako."

"Huwag mong kainin yan. Tinamad ka bang lumabas? Ako na lang ang bibili."

"Kuya huwag na. Inilagay ko sa bag mo yung pera na ibinigay mo kanina, hindi ko naman kailangan." 

Inis niyang tiningnan si Saint. "Hayaan mo si Mama na kumain niyan. Siya naman ang nagluto ng tuyo. Magwala pa yon kapag nawala yan. Sandali at ibibili kita." 

Manginginom ang kanilang ina na si Jane at nakalimutan na nito ng tuluyan na meron itong dalawang anak na kailangan alagaan. Pinalaki niya ang kanyang sarili at si Saint. He's been through hell. Literally. Bata pa lang siya ay nagbabanat na siya ng buto sa kalsada. Doon matatagpuan ang pera sa mga kagaya niyang mahihirap.

"Ako na lang, Kuya. Sorry." 

May kumatok sa kanilang pinto na nakabukas lang magdamag, sumilip doon si Nica, ang kababata at kaklase niya noon sa elementarya. 

"Hi, Cairo... Saint. Magandang gabi. Papagawa ko sana itong plantsa ng buhok ko sa iyo, Cairo. Hindi umiinit..." Ngiting-ngiti si Nica sa kanya. Tinugunan niya ito ng matamis na ngiti. Alam na alam niya paano huhulihin ang kiliti ni Nica. Matagal na kasing may crush sa kanya kaya halos linggo-linggong may ipinaparepair sa kanya. 

"Sige, titingnan ko at itetext kita kapag ayos na." Kinuha niya kay Nica ang iniaabot nito. Tiyak niyang hindi naman iyon sira at nagdadahilan lang ang dalaga.

"T-talaga? Ite-text mo ako?"

"Oo naman. Bakit hindi."

Pagak na natawa si Nica na halatang kinilig, "Ito pala, nagluto ako ng mechado. Mukhang maghahapunan na kayong magkapatid, pagdamutan niyo na itong niluto ko." 

"Naku, tamang-tama, Nica, bibili pa sana kami ng ulam sa labas. Kaya lang baka masanay ako nito."

"Ikaw talaga, Cairo. Pwede ka naman talagang kumain sa bahay kahit kailan mo gusto."

"Ang bait mo naman, Nica. Baka sa susunod may dessert na ito, ha? Paborito kasi ni bunso yung matatamis. May sweet tooth siya."

"Kuya..." Protesta ni Saint.

Namilog ang mga mata ni Nica, "Ganoon ba, Saint? Sandali at nagluto ang nanay ng gelatin! Kukuha ako at babalik ako agad." 

Nagmamadaling tumalikod si Nica at iniwanan sila bago pa makatanggi si Saint.

"Ikaw talaga, Kuya. Ginagamit mo naman ang kagwapuhan mo kay Nica." Nagmamasid na wika ni Saint.

"Bakit? Ikaw ba hindi? Hindi ba charm din ang gamit mo kay Thea?"

Temptation Island: Illicit TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon