Chapter Eight by: Honey Cathleya

1.7K 46 1
                                    




"Kasi si Tammy ang nanalo, yaaahhhoooo.."" sigaw nito.


"Ikaw talaga my love kahit kailan may pagkapasaway ka, kaya love na love kita eh! pakiss nga pananggal pagod."


"Sure my love." Nagkiss sila sa harap ng nakararaming tao.

napakamot sa ulo si Jerry dahil sa nakita.


"Nakakainggit naman 'yan." Saad nito sa magkasintahan.


"Eh di halikan mo din 'yang muse mo." birong totoong tinuran ni Nikki.


"Ehhheemm, Tammy puwedeng?"


"Puwedeng ano?" Painosente niyang tanong.


"Pakiss."


"Kiss na naman, nanakawan mo na naman ako ng halik sa labi ganoon?"


"Promise sa pisngi lang, tsaka matagal na 'yong last kiss ko sayo eh! Noong debut mo payun 2 years a go."


"Sige, sa pisngi lang, babatukan kita kapag sa labi na naman napunta 'yan!"


"Subukan mo hahalikan talaga kita sa lips."


"Dali na, nangangawit na ako kakatayo dito oh sige ka bawiin ko," pagbibiro niya sa binata.


"Ay walang bawian, sige na nga." Saka na siya Humalik sa pisngi ng dalaga.


Pasok sa championship ang team ng Ateneo kung saan ay si Jerry at Luke ang star player.

Naging busy sila sa paghahanda dahil hindi basta-basta ang magiging katunggali nila.


"Uy galingan niyo sa finals itayo niyo ang bandila ng Ateneo." Saad ni Geneva kasalukuyan silang nasa Cafeteria.


"Oo naman kami pa, basta galingan niyong magcheer eh magiging inspirado kaming maglaro."


"Siyempre naman ako yata ang cheerleader, eh miss muse alam mo naman sigurong ikaw ang uupo sa harap kaya kailangan magcheer ka rin."


"Oo na kung gusto mo magdala pa ako ng trumpet o kaya'y drum."


Natawa nalang sila sa tinuran ni Tammy.


"Nev, Clarice bantayan niyong maigi ang muse natin, alam niyo na magiging busy ako sa pagcheer, mabuti na 'yong sigurado tayong hindi magasgasan 'yan," bilin ni Nikki.


"Gagawin mo pa talaga kaming bodyguard sis."


"Aba mahirap na, alam niyo namang may palihim na galit dahil hindi matanggap ang pagkatalo 'yong mga gano'ng tao backfighter."


UnbreakalbeTammy & Jerry by: Honey CathleyaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora