Chapter Eleven By Honey Cathleya

1.6K 37 1
                                    

MAGANDA ang gising ni Samantha kinabukasan mag- aalas-siyete na ng umaga bumangon na siya at lumabas ng guest room nagpunta sa sarili niyang kuwarto upang makapaghanda na sa pagpunta niya sa Unibersidad.

Binuhay niya ang celphone niyang pinatay niya kagabi, ganun nalang pagkagulat niya ng sunod sunod ang mensaheng natatanggap niya galing sa iisang tao.

"Sleep well," laman ng una niyang binasa.

"Sweetdreams, mwuaahh," sa pangalawa.

"Good morning honeybunch, see you later," ang pangatlo

And last but not the list.

"Get ready maniningil na ako mamaya alam mo bang sa sobrang pagka-excited ko hindi na ako nakatulog ng maayos?"

"Adik talaga ang lalakeng ito sarap bigwasan." Bulong niya sa sarili, gaya kagabi hindi siya tumugon sa mga text messages ng binata.
But deep inside, kilig na kilig na siya sa mga nabasa niyang mensahe.

"Hay, makaligo na nga, magpapalusot nalang ako mamaya kapag nagtanong siya kung bakit hindi ako nagreply sigurado namang magtatanong siya," anya sa sarili.

Saka na siya pumasok sa banyo.

"Good morning tita mommy," bati niya ng nakababa na, nakagawian na kasi niya pagkagising sa umaga diretsyo sa kusina para mag-agahan.

"Good morning too hija," ganting bati ng Ginang.

"Come on, lets have breakfast."

"Okay tita mommy, hindi paba bumaba sina daddy?"

"Pinuntahan niya ang mommy Dhel mo sa garden."

"Ah, okay."

"Good morning Sam," bungad ng kanyang ama.

"Good morning din po, dad, mommy Dhel," tugon niya sa kanyang ama ya madrasta.

Umupo na ang mag-asawa at nag-umpisa na ring mag-agahan.

Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siya.

"Magpapahatid nalang ako sa driver tita mommy, magpahinga kana lang, baka kasi magkayayaan kaming mamasyal ulit mamaya."

"Sam napapadalas na yata ang pagsama mo sa mga kaibigan mo ah!"

"Dad walang masama sa pakikipagkaibigan, alam ko ang limitasyon ko bilang kabataan," may bahid ng pagkainis na tinuran niya.

"Hindi sa gano'n hija, iniisip ko lang kung ano ang makakabuti sayo."

"Puwede ba dad, matitinong tao ang mga kaibigan ko 'tsaka kung iniisip mo talaga ang kabutihan ko di sana buhay pa si mommy hanggang ngayon!"

"Sam please huwag ngayon!"

"Umiiwas ka dahil totoo diba?"

"Listen Sam, please!"

"Sige alis na ako tita mommy bye!" Tinalikuran muli niya ang ama habang kausap pa siya nito, hindi na rin niya nahintay ang sagot ng kanyang tiyahin.

"See ate, paano ko masasabi sa kanya ang lahat?"

"Kasi naman Migs, walang masama sa pakikipagkaibigan niya masaya naman siya as she said alam niya ang limitasyon niya."

"Kinokonsinti mo na naman siya."

"Hindi sa ganoon Migs, kasalanan mo kung bakit malayo ang loob niya sayo ngayon, hinayaan mo siyang paniwalaan ang hindi dapat kaya mo siya hindi naiintindihan."

"Nakapagdesisyon na ako, sasabihin ko na sakanya ang lahat, pagkatapos na pagkatapos ng graduation niya."

"Sana nga masabi mo na bago ako bumalik sa Canada, balak ko pa naman sana siyang isama para magkapagpahinga muna siya."

UnbreakalbeTammy & Jerry by: Honey CathleyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon