3

1 0 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hingal na hingal ako pagkarating sa building namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hingal na hingal ako pagkarating sa building namin. Half day akong absent pero worth it naman. Ang mahalaga ay nakahanap ako ng bago kong crush ngayon. Mayroon akong panibagong inspirasyon para ituloy itong Mass Communication na kurso ko.

Sa totoo lang, gusto ko talagang maging isang sikat na artista. Mula kasi bata ako ay mahilig na talaga ako sa mga pag-arte. Sumasali pa nga ako sa mga pa-audition noon. Mayroon naman iyong mga natatanggap ako pero extra lang ang roles ko.

Ngayon, mas lalo akong naging pursigido na maging isang sikat na artista. Gusto kong makasama si Khael sa industriyang iyon. Gusto kong makilala niya rin ako. Gusto kong mapansin niya rin ako.

"Oh, buti may balak ka pang makapagtapos ng pag-aaral mo?" masungit na sabi ni Jallen nang makaupo na ako sa upuan ko na katabi lang niya.

"Ito naman, ang sungit mo. Tignan mo to," sabi ko atsaka ipinakita ang picture ni Khael. "Ang gwapo niya 'no?" tanong ko sa kanya at tila kinikilig pa. Sino ba namang hindi kikiligin kay Khael? Kanina ko nga lang siya nakilala pero ganito na agad ang kilig ko sa kanya.

"Mas gwapo naman ang crush ko! Atsaka sino ba 'yang Khael na 'yan? Hindi ko naman kilala 'yan!" irap niya.

"Ini-stalk ko siya kanina. Tropa 'to ng crush mo. Sino na ulit 'yon? Si Xyro? Ayun! Tropa 'to ni Xyro! Huwag kang mag-alala, magpapapansin ako rito kay Khael para maka-close natin crush mo!" hagikgik ko.

"As if naman makaka-close mo 'yan. Kung talagang sikat 'yan, mas mahihirapan ka maka-close! Malay mo ba kung arogante 'yan at mataas ang tingin sa sarili! Tapos pakitang-tao lang sa mga fans niya! Hay nako! Baka mamaya ay tapakan lang n'yan ang pagkatao mo! Sinasabi ko sayo!"

"Ang O.A. ah! Hindi naman siguro gano'n si Khael! Nakita ko kung paano niya tratuhin mga fans niya kanina 'no! Mukhang hindi naman siya katulad ng iniisip mo." muling pagtatanggol ko kay Khael.

Hindi na lang ulit siya nagsalita at tumingin na lang sa cellphone niya kung saan inii-stalk niya 'yong crush niyang si Xyro na kahit kailan ay hindi naman siya pinansin.

Nilabas ko na lang din ang cellphone ko at sinimulan na magpapansin kay Khael.

Always You Where stories live. Discover now