Chapter 3

2.9K 177 36
                                    




"She's gotten popular with college students these days, huh?" Dominic uttered while eyeing Vince who was lining up with some college students from the Arki department here at school. Lunch break namin ngayon at masaya na sana ako dahil nag-back out si Vince sa pagiging muse nito, na ibinalita ni Ma'am Estiler kaninang umaga, though, she didn't tell us the reason why.

"Mga kaibigan 'yan ng kapatid niya, no doubt that they're close," Tawa ni Jededaiah.

"Bagay sila nung naka-akbay sakanya," Kinikilig na sabi ni Khaye. When will she stop match-making people around her? Masiyadong nerd 'tong girlfriend ni Dominic na hindi na nakaka-tuwa minsan.

Wala akong nagawa kung hindi tanawin si Vince na nakikitawa sa mga kalalakihan na kasama niya sa pila. My lips twisted. Kitang-kita ko kung paano bumulong iyong lalaking naka-akbay sakanya sa tainga niya. Gumalaw ang mga balikat niya sa pag-tawa habang tumatango-tango matapos bumulong nung lalaki na bumungisngis. Ang landi...

Parang hindi siya takot ma-issue, ah? Kung maka-dikit siya dun sa mga lalaki parang tuko. Tss.

"She's also popular with the girls! Have you seen her dance? Grabe, napa-nood ko iyong audition niya sa dance club, ang galing niya sumayaw ng hip hop." Reizza said.

My nose scrunched and shook my head. Why do I keep on hearing people complimenting him? What's so special about him?

"Bakit busangot na naman ang mukha mo riyan, Gregory?" Nahimigan ko ang pang-aasar sa tono ni Jededaiah kaya tumalim ang tingin ko sakanya. He smiled cockily at me.

"Hindi na kasi niya partner si Vane—"

"Shut the fuck up, that's not it." I massaged the bridge of my nose. Ayan na naman sila sa pangangantyaw nila sa akin! Damn.

"Then what is it? Tsaka isa pa, napapansin ko na hindi kayo nag-uusap ni Vanessa kapag napapalingon ako sa pwesto niyo. Nahihiya kaba—"

I gritted my teeth. "Bakit naman kami mag-uusap?"

"Dahil seatmate kayo?" Litong patanong na sagot ni Dominic sa akin.

Jededaiah tilted his head to the side. "You even unfriended her on Facebook—"

"You were the one who added him—"

"Her," Khaye corrected me.

"Do you hate her?" Tanong ni Reizza sa akin kaya nanlaki ang mga butas ng ilong ko. Why am I being interrogated by them about him? At bakit ba palagi nalang namin siya napag-uusapan? Tang ina naman.

"Why would I hate hi—her?" Pagak akong natawa. Sa hitsura palang ni Khaye habang tinitingnan ako ay itatama na naman niya ako kapag tinawag kong 'him' si Vince. Tss...

Jededaiah shrugged his shoulders. "Well, it seemed like you hate her presence these days, nalulukot ang mukha mo kapag pinag-uusapan natin siya, like you're annoyed."

Tumaas ang noo ni Dominic. "Seriously, Tyler? Do you really think she still crushing on you? We were kids back then, just because kids made fun of you back then because she likes you doesn't—"

Itinaas ko ang dalawa kong kamay. What the hell?! Why are they being serious right now?

"Ano? Homophobic na naman ako sa—"

"Hindi ba? You call her by her dead name, and you keep on misgendering her." Irap sa akin ni Khaye kaya ngumiwi ako. What about it? Eh, sa Vince pa rin ang tingin ko sakanya. So what if I still see him as a boy? Masama na ba iyon?

"Sa bagay, ikaw ba naman asarin dahil lang sa may nagkaka-gusto sa'yong bading, talagang mapipikon ka," Sarkastikong sabi ni Jededaiah kaya natawa ako. Binibisto talaga ako, eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sun and The Moon (Senior High Series #1)Where stories live. Discover now