P r o l o g u e

7 0 0
                                    

:

Big gray hoodie. Black skinny jeans ripped at the knees. High-cut black converse shoes. Black backpack.

Itim ang maikling buhok at bahagyang natatabingan ang kanang mata. Misteryoso ang mga matang itim na itim rin at may kasingkitan. Mahahaba at makakapal ang mga pilik-mata na pinaresan ng may magandang kapal na mga kilay. Matangos ang ilong. Natural na mapupula ang mga labi. Maputi ang balat na nakikita lamang sa mukha at leeg.

And two thin long silver pins pushed locks of hair, further exposing the gleaming silver cross piercing from the left ear.

Hindi alam ng mga estudyante kung anong ire-react habang natatangang nakasunod ang tingin sa nakasalubong na taong ngayon lamang nila nakita sa buong FH High.

Kalmado at blanko lamang ang mukha na naglalakad ito papunta sa direksiyon ng isa sa apat na malalaking cafeteria ng paaralan nila.

Nagmumukha itong bampirang manika habang nakapamulsa sa suot na hoodie. Hindi nga lang nila mawari kung ito ba'y babae o lalaki dahil suot at ayos nito.

Gayunpaman..

"Look, who's that?"

"Oh myyy!! Gosh! Ang gwapooo!!"

"Dude! Sino yun?! Mukhang may bagong transferee ah?

"Ngayon ko lang siya nakita."

"Is he a K-pop idol?!!"

"Gaah! Stupid! She's a girl kaya!"

"Kyaaah!! Bakit mukha siyang naglalakad na manika?!!"

"Is he or she a he or a SHE?!"

"Ang gulo naman ng tanong mo!"

"Kyaahh!! Bakit ang gwapo niya?! Tsaka maganda din?!"

"He or she looks familiar."

"Waahh! May bagong poging chinito!! I mean, para rin siyang girl? Kaloka!"

"Guys! May cool transferee!"

Umugong ang sari-saring usapan sa karamihan sa mga lamesa ng mga estudyante pagtapak na pagtapak pa lamang ng isang bagong dating sa loob ng Cafteria 3 na agad nilang napagtuunan ng pansin dahil sa kawalan nito ng suot na kahit anong uniform ng FH High.

Mukhang hindi sila pansin nito dahil dire-diretso lamang ang lakad at tingin patungo sa counter.

Maya-maya'y napalinga-linga at nahinto ang tingin sa malaking vendo machine sa isang gilid.

Samantala..

"Hey, you!"

Nawala ang ngiti ng isang babaeng estudyante sa isang table at agad namutla nang mag-angat ng tingin at nakita ang kilalang queen bee kuno ng buong campus na nakatayo sa harap niya.

Nasa likod nito ang halos buong team ng cheer squad.

Humina ang ilang ingay sa cafeteria ngunit napalitan naman ito ng panibagong bulung-bulungan habang nanonood sa isa na naman paniguradong komosyon na magaganap.

"S-seythalia! B-bakit? A-anong.. anong k-kailangan mo?"

Halata ang takot na bumabalatay sa mukha ng babae nang mapatayo ito.

Nagtaas ng kilay ang tinawag niyang si Seythalia at ngumisi. Dalawa sa cheerleaders na kasama nito ang nag-usog ng upuang katabi niya sa bilog na mesa at dahan-dahang umupo ito dito.

Students are slowly gathering, scattered around the table of the queen's prey and her friend.

"Ohh..Don't play innocent now you little witch. You know what we're here for." Then added straightforwardly, "Apparently, you're said to be flirting with the boyfriend of my friend here," mariing anito. Cruel glint in her eyes as she glared at the poor girl.

COOL GIRL : T r i s s. [ FALCO SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon