ℂ ℍ 𝔸 ℙ 𝕋 𝔼 ℝ • 𝟙

3 0 0
                                    

Chapter 1: Math Smart

My head swarmed with words and numbers within seconds. Given datas were identified. Converted into simple statements, into simple equatio-

My stomach grumbled.

Saglit akong napapikit at napabuntong-hininga.

Masamang magmura sabi ni Lola kaya hindi ko ginawa.

My eyes blinked. The usual pace in my head then doubled.

Figures were constructed. Measurements were calculated.

It's like I was hearing satisfying clicks and seeing gears moving into place. Or puzzle pieces being formed into their own perfect picture.

And just before my hand finishes writing, the problem already reached a solution.

"Oh, checking na," ipinasa ko kay Mishiara ang papel kung saan nakasulat ang solution at final answer, exactly one minute and thirty-one seconds bago pa man matapos ang dalawang minutong palugit.

Napahinto siya sa pakikipagbangayan kay Claudelle at napakurap sa papel na nasa harap niya.

"Wooow... Wow. Wow! Paspasa pud nimo oy! Haha! Grabe! Kita napo'y mauna makahuman ani ," tuwang-tuwang aniya habang inaabot ang papel.
(Wooow... Wow. Wow! Ang bilis mo naman! Haha! Grabe! Tayo na naman mauunang matapos nito.)

Tingnan ko si Claude na nakakunot ang noong nakatingin kay Mishie.

Hawak niya ngayon ang maliit na rectangular white board kung saan isinusulat ang mga final answers ng bawat team.

Siya ang nagsusulat at taga-convert minsan ng given datas mula sa mga math problems na sinsambit ng facilitator.

Si Mishie naman ang taga-check ng solvings at final answer.

Nagpapalit-palit kami ng task sa iba't-ibang stage ng competition. Easy, average at hard levels.

And I'm obviously the problem solver now. Although, ako na minsan ang gumagawa lahat kapag sa'kin na napupunta ang turn.

Natatawang pinitik ko ang noo ni Mishie nang mahina. "Hwag ka nga munang mag-bisaya. Mababadtrip na naman yang si Claude. "

Ngumuso siya sa'kin at nakangising nag-peace sign sa kaibigan namin. "Ay, sorry!"

Claude being Claude, she just rolled her eyes at Mishie.

Laking-Manila kasi si Claude at napilitan lang lumipat dito sa Cargonia a few years back kasama ang mama niya matapos maghiwalay ang parents niya.

Malaki ang school namin at napakarami ring estudyante kaya maraming gumagamit ng tagalog. However, Claude hates speaking in Bisaya pero nakakaintindi at marunong naman siyang magsalita nito.

I just guessed that it may be because she still hasn't moved on from the life she was forced to leave in Manila.

Mishie on the other hand, being the total playful bully that she is, makes fun of it every single time that she gets just to get into Claude's nerves.

Kaya naman lagi na lang silang nagbabangayang dalawa. Nakasanayan ko na lang sa ilang taon ko silang kasama.

"Mag-check ka na nga lang diyan," mataray na utos ni Claude.

Kung si Mishie makulit, siya naman yung mataray.

Dumila muna si Mishie kay Claude bago tinuon ang atensyon sa checking.

Hindi ko alam kung bakit may mga kaibigan akong ganito.

Nagtaka ako nang bigla na lamang akong balingan ng tingin ng kaharap ko. Pinanliliitan niya ako ng mga mata. Kasinliit na ata ng mga mata ni Mishie. Pft!

COOL GIRL : T r i s s. [ FALCO SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon