ℂ ℍ 𝔸 ℙ 𝕋 𝔼 ℝ • 𝟚

4 0 0
                                    

Chapter 2: Darts

"Pasa diri!"
(Pasa dito!)

"Hahaha! Langya, buslot man kag mga kamot oy!"
(Hahaha! Langya, butas naman yang mga kamay mo eh!)

"Hahaha!"

"Haha! Utot mo!Hindi ka lang talaga marunong magpasa noh!"

"Haha! G*go!"

I cringed.

Kaya ayaw ko minsang nakikipaglaro sa mga lalaki, eh. Ang dami nilang mura.

Buti na lang grabeng disiplina ang ginawa nila lola sa kapatid ko kaya hindi madaling naiimpluwensyahan.

"Yown!! Three points!!"

Napairap na lang ako, hinihingal parin nang kaunti dahil sa kakalaro kanina.

Nakahiga lang ako sa bench sa gilid ng rooftop naming napapalibutan ng metal grills.

Pinagmamasdan ko ang langit.

The blue skies and white clouds were tinged with orange, pale yellow and pink.

The sun that's about to set casted warm lights on me as the cold wind blew around.

The pounding of ball, noices created by the friction of shoes on the floor, and the voices of my schoolmates continued to sound in my ears.

"Triiiisss! Wahh! Tulong! Hinahabol ako ng wiiitch!"

Hindi ko maiwasang mahinang mapatawa nang lumingon ako sa gilid at nakita si Mishie na hinahabol ni Claude na mukhang umuusok na naman ang ilong.

Ibinalik ko ang tingin sa langit at itinaas ang mga kamay ko sa ere na may hawak ng tapos ko nang valedictory speech.

Pinagmasdan ko ang pagtama ng sikat ng araw  sa bond paper.

Dalawang araw na lang at ga-graduate na kami ng elementary.

Kakatapos lang naming magpractice para sa graduation rites kasama ang batchmates namin kanina nang mapagpasyahan nila Mishie na pagtulungang pagandahin ang valedictory speech ko.

I always find it hard to express my thoughts properly into words. Sa maiikling salita ko lang sila nade-describe kaya naman nang ipakita ko sa dalawang bestfriend ko ang nauna kong ginawang speech ay pinagalitan nila ako agad dahil wala daw itong kabuhay-buhay sa sobrang ikli.

Pinilit nila akong baguhin ito kaya naman nandito kami ngayon sa rooftop na madalas na naming tambayan bago umuuwi tuwing hapon.

Magkakasama kaming gumagawa ng assignments dito nila Mishie dati pa lang at sinusulit na rin namin ang pagpunta dito ngayon dahil malapit na kaming gumraduate.

Talagang mami-miss kong tumambay dito.

"Hoy Triss! Umayos ka nga diyan! Nililipad na yang palda mo oh!"

Naibaba ko ang mga kamay ko at napabaling ng tingin kay Thon na nakatayo na pala sa gilid ng kinahihigaan ko habang hinihingal at pinagpapawisan pa.

Nakaipit sa kanang braso niya ang bola ng basketball na nilalaro ko rin kanina kasama ang ibang mga kaibigan at kaklase naming lalaki.
I was just like that, one of the boys.

Pinandilatan ko ng mga mata ang kapatid ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Napapansin ko ata lately na hindi na niya 'ko tinatawag na ate.

Sabi niya pa minsan na hindi naman daw talaga kami magkapatid dahil ang layo daw ng hitsura namin. Mula buhok hanggang balat.

Brown at kulot ang buhok niya, sa'kin black at straight. Moreno siya, ako sobrang puti kahit ilang bilad ko pa sa araw. Almond-shaped yung mga mata niya,  ako nagmumukhang haponesa dahil sa may kasingkitan kong mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COOL GIRL : T r i s s. [ FALCO SERIES #2]Where stories live. Discover now