Chapter 1: That Guy

32 1 0
                                    

[Jean's POV]

"Opo, ma," sagot ko.

Ibinaba ko narin yung phone ko sabay kunot-noong tumingin sa mataas na school na nasa harapan ko.

"Pa'no ba'yan, andito na tayo," ngiti ni Renzo na nasa tabi ko na pala. Pa'no ko ba sya i de-describe? Ah, basta. Gwapo siya, moreno tapos kasing edad ko lang. Lagi siyang naka suot ng jacket sa tuwing lumalabas kami.

"Pasok na tayo?" tanong ko na ikinatango naman niya.

Transfer student nanaman ako, panibagong kaibigan, panibagong buhay. Ngayon sana yung first day namin kaso sinabihan kami ng headmistress dito na kailangan muna naming dumaan sa students orientation.

4rth year high school. Alam kong hindi magiging madali. Pero sana kayanin ko.

Nakarating kami sa malawak na main lobby ng school. Ang pagkaka-alam ko isa 'tong private school. Nakakapagtaka na nakapasok ako dito pero infernes, nakapasa naman ako bilang Scholar.

Kami ni Renzo ang nag take ng exam. Mga wala kasi kaming pera kaya kinuha na namin yung opportunity para makapasok sa school na 'to.

"Unti lang naman ang mga rules and regulations dito, wala naman kaming pinag-aalala dahil mababait ang ibang students dito."

Parang hindi naman totoo.

Kanina kasi habang naglalakad kami ni Renzo sa hallway ay ang sasama ng mga tingin ng iba sa'kin. May sumigaw pa ng sanaol may jowa daw. Hindi tuloy maiwasang mailang si Renzo.

Pag magkasama ba ang lalaki at babae, mag jowa na agad? Mag best friend lang kaya kami netong si Renzo.

"You can look for your room, nasa dulo siya ng building na 'yon," turo ng headmistress na ikinatango lang namin. Pumunta kami ni Renzo sa dulo ng building na sinabi ng headmistress.

Kaso hindi pa kami nakakarating nagpaalam si Renzo na mag CR lang daw muna siya.

Edi hinayaan ko naman.

"Ako nalang ang pupunta sa room, kita nalang tayo sa main lobby, nakakahiya naman sa'yo," sambit ko na ikinatawa niya.

"Sige, sige," sagot naman niya bago tuluyang umalis.

Alam ko naman kung saan 'yon pupunta. Syempre, sa girlfriend niya na dito rin nag-aaral. Ang kapal ng mukha 'diba? Inuna pa yung kalandian. Dito kasi nag-aaral yung jowa niya, tapos balak din niyang mag-aral dito para daw lagi silang magkikita.

At dinamay pa'ko ng impakto.

Pero atleast, scholar, wala ng problema sa buhay. Ang kailangan ko lang gawin, pataasin 'yung grades ko.

Pagkadating ko sa pinakadulong room ay nadatnan ko ang napaka kalat na hallway.

Ano 'to? Basurahan? Kupas na yung pintura tapos andaming sapot sa kisame. Ang aga pa para sa halloween ha. Sumilip pa 'ko sa room pero tanging tawanan lang 'yung naririnig ko.

Kakasilip ko nga may nakakita sa'king studyante.

"Ano 'yon, ate?" Lumapit siya sa'kin.

Ang cute naman ng lalaking 'to. Para syang yung kapatid ko.

"Dito ba yung room ng scholar?" tanong ko sabay ngiti. Ngumiti naman 'yung lalaki at akmang magsasalita pero biglang nag ring yung bell.

Recess na ata nila.

Dali-daling tumakbo 'yung lalaki papasok ng room kaya naman nagtaka ako. Sumilip ulit ako sa bintana pero nagulat ako ng wala ng tao sa loob ng room.

Ano 'yon?! Bakit sila nawala? Kanina lang may naririnig akong nagtatawanan ah!

Between HerWhere stories live. Discover now