Di Wag 🙄

459 29 12
                                    

Narda's POV

Ah kaya pala may pa early lunch tska flowers, kasi may date. Akala ko ba engaged kami?

I'm: C L O W N E D

Nakatulala kong iniisip habang naglalakad kami pabalik ni Mara sa office. Nakwento nya na si Ma'am Julia pala ay ex ni boss amo. Bilis ng kamay, na google agad. She found out na board member sa company ang parents mi Ma'am Julia. They were childhood friends turned lovers. Bakit sila nagbreak? We didn't find out. Baka kaya bumalik si Ma'am Julia para mag-comeback silang dalawa.

I don't care naman, bagay nga sila eh. Parehong mayaman, tapos parehong maganda at matalino. Hindi ko gets kung bakit pa sila nagbreak, owedi sana hindi na kinailangan ni Regina ng jowa-jowaan. "Wag kang ma-intimidate girl. Ikaw naman ang papakasalan, yieeee" pang-aasar ni Mara sabay kiliti sakin. Sasapakin ko to, bakit kailangan mangiliti.

Hinatid ko si Mara station nya at bumalik na din ako sa space ko. Napasilip ako sa office window ni Ma'am Regina para i-check kunh nabalik na sya, but as I was looking nakita kong hinalikan nya si Ma'am Julia. Ah ex. Nahuli ako ni Ma'am na nakatingin sa kanila at nagmadali akong bumalik sa trabaho.

****

Kung kaninang umaga halos parang hindi ako nag-eexist, ngayon naman puro utos tong amo ko. Una, kunin ko daw yung lumang boxes ng reports from planning and design, so kinuha ko naman from the basement storage, which is by the way 20 floors down, plus 3 stairs to get all the way to where the filing cabinets are. Tapos nung maiakyat ko, hindi na pala nya kailangan kasi may scanned copy na. Pangalawa, nagpabili sya ng meryenda. Yung favourite nya daw na blueberry cheesecake ang gusto... from her favourite bakeshop 40mins away!

Ngayon naman, she's making me go through the proposals na hindi na-approve at isa-isang tawagan ang leads to inform them na the company is not interested in investing. Dati naman copy paste na email lang pwede na, pero mas maganda daw kung tawagan para sincere. May 20 proposals din to, and I'm only at my 7th phone call. Isabay mo pa yung mga regular phone calls na everyday kong natatanggap.

Sa sobrang busy ko, hindi ko na nakausap si Regina about sa leave ko. Monday na yung fiesta sa probinsya namin, kailangan maaga ako makarating para makapagbalot ako ng lumpia. I looked at the clock and it's 0600pm na. Hays.

Naglakas loob akong kumatok sa office ni Regina. I heard her say come in, so I went inside. Nakita kong busy na busy parin to sa mga paper work.

"Are you done sa mga inuutos ko Narda?" Masungit nyang bungad sakin.

"Ah ma'am yun na nga po eh. Hindi pa po, kaso kailangan ko ng umuwi. Maaga po kasi yung byahe ko papunta sa Bicol bukas" napakamot ako ng ulo... masisigawan in 3.. 2.. 1

"Pinayagan na ba kita?" YAWAAAAA.

"Sabi ko nga po hindi. Sige tawagan ko na lang po si Lola, sabihin ko po may biglaan tayong meetings kaya di na ako makakauwi. Balik na po ako sa station ko" sayang naman yung ticket ko... yung lumpia pati yung spaghetti na handa ni lola hindi ko na naman matitikman. Hindi ako galit, disappointed lang sa desisyon ni Ma'am Regina. Halos 3 months in advance akong nagpaalam para aware sya pero alaws parin.

Malungkot akong lumabas ng office nya at tinuloy ang pag tawag and iwan ko ng voicemails. It was already 0930pm ng matapos kong tawagan silang lahat. Nagmadali akong ligpitin ang gamit ko para maabutan ko panyung shuttle bus pauwi. Pasakay na ako ng elevator when I saw Sir Ali pati na rin si Ma'am Regina na pababa na rin at hinihintay yung elevator.

"Narda! Good evening, masyado ka naman nagmamadali" sabi ni Sir Ali.

"Baka hindi ko po kasi maabutan yung shuttle bus pauwi"

"I'll drop you off" singit ng boss ko.

"Hindi na po ma'am out of the way pa po yon sa inyo ni Sir Ali"

"Kuya, ikaw na lang magpahatid kay manong. My car is in the parking naman. Ihatid ko lang si Narda" utos ni boss sa Kuya nya. Kapag nakita mo silang dalawa, you wouldn't think na panganay Sir Ali. Lagi kasing chill lang. He shrugged his shoulders and agreed. She looked at me and raise her eyebrows. I let out a sigh, wala na naman akong choice, desisyon ka eh.

"When are you going to Bicol again Narda? Dad mentioned it to me, he asked if I can take-over for Regina muna" tanong si Sir Ali.

"Ah, hindi na po tuloy yung lakad ko, ang dami pa po kasing pending na trabaho eh" palusot ko. Isumbong ko kaya tong boss ko sa tatay nya.

"What?! No, you need to see your family Narda. Regina, I'll talk to dad. Mara and I will handle the workload while you two are gone"

The rest of the elevator ride was fairly quiet. Wala naman akong sasabihin, plus wala din ako sa mood para makipagkwentuhan sa kanila. Sorry Sir Ali, badtrip lang ako sa bruha mong kapatid.

Sir Ali got off on the ground level kung san naghihintay yung driver nila, "Regina, let's talk when you get home." super seryosong sabi ng kapatid nya. Lagot ka Regina, palo ka sa pwet oag uwi mo. Regina and I went a couple more floors down to the parkade. When we got to her car, she opened the doors for me and started driving to my place.

*****

About 15mins later, nakarating na kami sa bahay. Hindi naman kami nagusap. We're both tired and have been in the bad mood all day. I undid my seat belt and grabbed my bags from the backseat. This time last night ang saya saya natin nag part ways. Tapos ngayon ganito. I am saddened by the fact that I can never be your friend, always just your secretary

Naghihintay sya na makapasok ako ng gate and just as I was letting myself in, she rolled her windows down kaya naghintay ako sa sasabihin nya

"I've reimbursed your ticket, don't stress about it" she informed me. Mas lalo akong nabadtrip sa kanya. I fumed on my way inside and made sure she saw that I was not happy with her decisions. Hindi ko kailangan ng reimbursement. Ang gusto ko ay makasama ang pamilya ko. Ang gusto ko maging empathetic sya sa feelings ng ibang tao. Hindi sana masarap ang ulam mo mamaya.

My Secretary (DARLENTINA AU) Where stories live. Discover now