Chapter 8

5 1 0
                                    


'Daniel Jul Matapang is calling you.' Ito ang nakalagay sa screen ng aking cellphone. Kunot ang noo na sinagot ko iyon. Hindi ko alam na may social media account na ang anak ko. Pareho kasing de keypad ang aming gadget na pantawag. Pero nasabi ko na sa kaniya na may ipinadala akong cellphone para dito.

Nagre-request ito ng video call. Kaya kaagad kong pinindot ang video icon. Tinuruan kasi ako ni Drew kung paano gamitin ang aparato.

"Mama, natanggap ko na po ang iyong padala. Thank you po. I love you," nakangiting bungad nito. Nagkiss pa ito sa screen.

Napalitan ng matamis na ngiti ang nakakunot kung mukha.

"I love you too. Binili iyan ng amo ko. Sa kaniya ka dapat magpasalamat, nak. Teka at hanapin ko siya para personal kang makapagpasalamat sa kaniya."

"Sige po, mama," anito.

Ala-una na ng hapon. Katatapos ko lang maglinis ng pinagkainan sa kusina. Biyernes na ngunit buong linggo nasa bahay lang ang amo ko. Lumalabas lang kapag may meeting ito sa labas. Nagtataka  man pero hindi na ako nang-usisa pa. Nakapaninibago lang kasi na nakapermi ito sa bahay. Dati naman kasi ay halos sa opisina na ito tumira dahil madaling araw na kung umuwi at maaga umalis.

Ngunit nang dumating si Drew ay halos di na ito umaalis ng bahay. Kabaliktaran sa anak nito na halos araw-araw lumalayaw at isinasama sina Abner o Justin at si Mang Kanor.

Nakita ko siyang abala sa laptop nito. Ginawa nitong working space ang lanai. Naramdaman siguro nito ang presensya ko kaya bago pa man ako magsasalita ay tumingin na ito sa akin. Nakangiti.

"Hi, sir. My son wanted to say something to you," ani ko.

"Mama, ang gwapo naman ng bago mong amo. Puwede ko ba siya maging tatay na lang?” mahinang turan ng anak ko. Pero nakita ko ang pagtango ng gwapong nasa harapan ko. Narinig kaya niya?

"Magtigil ka, nak. Umayos ka. Ito na ang amo ko. Kausapin mo. Sa kaniya galing iyang mga pinadala ko," sabay abot ng cellphone kay Andrew.

"Hello, sir. I am Daniel Jul Matapang. Da wan and onli son of Krystal Ivy Matapang." Natampal ko ang aking noo sa narinig. Mukhang dinalaw ng pagiging maloko ang anak ko. Ngunit hindi na rin ako na bahala nang makitang tila natutuwang kausapin ni amo ang anak ko.

"Hi, Daniel. My name is Andrew. You can call me, Uncle or Tito," nagulat ako sa sinabi ni Andrew.

"I will call you tito po. Tito Andrew thank you for your gifts. "

Ngayon ko lang napansin na matatas na palang mag-English ang anak ko. Ngunit hindi na rin nakapagtataka ito dahil sinanay siyang kausapin ng mga kapatid ko sa salitang englis. Biro pa ng mga ito na kahit hikahos kami hindi hadlang iyon para turuan o kausapin sa ganoong lenggwahe ang bata.

"You are welcome, young man. How was your school?"

"It was fine tito. We are on a  one week school break," anito.

"Oh, do you want to come and be with your mom for a week?"

Laglag ang aking panga sa narinig. Orange juice! Magandang ideya ang naisip ni amo. Ngunit saan ako kukuha ang pamasahe ng anak ko? At matagal ang biyahe kapag nag-bus siya.

"That's a great idea, tito. But I  think it won't be possible. It's too expensive to come to Manila. I will just wait when mama has a vacation so we can be together," nakangiting wika ng anak ko.

Though ramdam ko rin ang lungkot sa kaniyang tinuran. Pareho kami ng nararamdaman.

"That won't be a problem. I invited you over so I must shoulder your expenses. Just say yes?"

"Po?" sabay naming bulalas ng anak ko.

Ang kapal naman ng mukha namin kung tatanggapin namin ito. Pero nakakahiya namang tanggihan ang sinabi nito.

"Tito, I will let mama  decide."

Parehong nakatingin sa akin ang dalawa. Naghihintay ng sagot ko. Pareho ring naroroon ang pag-asam na papayag ako sa kanilang mukha.

"Gusto mo bang pumunta dito, nak?" Nakita ko ang bahagyang pagtango nito. "Okay. Hindi ako tutol sa gusto mo, sir. Pero i-awas mo na lang po sa sweldo ko ang gagastusin niya. Nakakahiya po kasi," mahinang wika ko.

Matigas itong umiling sa narinig mula sa akin. Bahagya pang nag-iba ang ekspresyon nito. Wari ba ay hindi nagustohan ang sinabi ko. 

"No need for that. As I have said,  it's all on me. Since I invited him to come over," anito at bumaling kay Daniel na nakikinig lang sa amin.

"I don't mean to offend you, sir. I just don't—"

"Don't think or worry anything about it. I understand, I just want you and your son to spend some time together," anito.

"Wala na akong masabi pa kundi maraming salamat at ikaw ang bago naming amo," nakangiting wika ko.

May tumawid na kung anong emosyon sa mga mata nito. Ngunit hindi ko iyong mabigyan ng pangalan.

"Alright, little man. Gather your things. Someone will fetch you there after an hour. He will bring you to the airport," baling nito sa anak ko.

Nagulat man ay tumango na lang ako kay Daniel na nakatingin sa akin. Ibinigay naman ni amo ang cellphone sa akin.

"Nak, pakibigay kay nanay ang telepono. Kakausapin ko siya. Ihanda mo na ang mga gamit mo. Dalhin mo rin school ID at mga assignments mo," bilin ko sa kaniya.

Tumalima naman ito. Kitang-kita ko ang excitement sa mata mg anak ko. Matapos kong makausap ang aking nanay ay kaagad ko pinutol ang tawag. Aayusin ko rin ang aking silid mamaya. Malaki naman ang kama doon.

"Maraming salamat, sir," ani ko.

"It's nothing. Nasisiyahan lang ako sa anak mo," slang na wika nito. "I'll do anything just to see you smile," mahinang dugtong nito.

"Ano po?"

"Nothing."

"I will inform you about his flight details. Both of us will meet your son at the airport later," anito.

Alas tres nang tumawag uli si Daniel. Sinabi nitong may dumating na susundo raw dito. Kinausap ni Andrew ang taong susundo sa anak ko. Ibinilin nito na hintaying makapasok sa eroplano ang bata at siguraduhing ihabilin umano sa flight attendant. Matapos nitong kausapin ang maghahatid kay Daniel ay ibinigay nito sa akin ang cellphone.

"Nak, huwag kang kabahan, ha. Narinig mo naman sinabi ni sir. Ipapaassist ka nila sa flight attendant para masiguro na komportable ka sa biyahe."

"Opo, Ma. Sasabihin ko mamaya kung nasa airport na ako. Bye, Ma. I love you," anito.

"Ingat, nak. I love you too. See you soon," tugon ko bago pinindot ang end call.

"His flight is at five we will head out before the plane will take off. We'll dine outside," anito nang makitang tapos na kaming mag-usap ni Daniel.

Tumango ako sa kaniya bilang tugon. Bigla ko siyang niyakap dahil sa labis sa pasasalamat. Ramdam kong natigilan siya saglit sa ginawa ko.  Hindi ko iyon pinansin dahil sa oras na ito ay tanging pagkikita naming muli ni Daniel tumatakbo sa isip ko. Hindi ko kayang ilarawan ang kasabikan at kasiyahan na aking nararamdaman.

Alas kwatro y media nang umalis kami ng bahay. Narinig kong tinawagan nito si Drew na tagpuin kami sa isang hotel para sa aming hapunan.

Orange juice itong amo ko. Kung hindi ko lang alam na may pamilya ito. Iisipin ko talagang pasimple itong nanliligaw. Pero kakapalan naman ng mukha kung ganito ang iniisip ko. Dangan lang, e. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ganito siya makitungo sa akin.

Minsan na ring nabanggit nina Justin at Abner na mukha raw na nagkakagusto sa akin ang aming amo. Madalas daw nila itong nahuhuling nakatingin sa akin na nakangiti. Lalo na raw kapag nagluluto ako sa kusina. Para daw itong asawa na naghihintay maluto ang pagkaing niluluto ng kabiyak nito.

"Hay, Andrew! Kung puwede lang  maging tayo ako na mismo gagapang sa iyo."

"I'll leave my door unlock every night starting tonight."

"Po?" Pakiramdam ko ay lumabas yata ang eye socket ko sa narinig mula sa tahimik kong amo.














Sir, Mahal Kita, Secret LangWhere stories live. Discover now