CHAPTER 3

32 7 0
                                    

CHAPTER 3

~CASSANDRA POV~
Pupuntahan kona si Ghon sa kwarto ng papa niya ngunit bago pa ako makapunta roon nadaan ko muna 'yan yung orasan namin.

"5:00 na ng umaga tapos ng umatake si Jakarta, ngayon si Onica,na" Bulong ko habang nakatingin sa orasan namin.

"Tita!" sigaw sa akin ni Ghon.

"Ano!"Sigaw ko naman.

"Aalis na po tayo" Saad naman nito sa akin.

"Dalhin mo yung Arnis ko" Saad kona agad din naman niyang sinunod.

"May makakalaban ba tayo?" Tanong niya sa akin.

"Oo tignan mo yung orasan" napatingin siya sa orasan namin kitang kita ko sakanya yung kaba niya.

"5:02, Tita mamaya nalang po tayo umalis" Takot na saad niya.

"Hinde! Kung hindi niya tayo makikita swerte natin pero kung nakita niya tayo malas naman niya" Saad kona ikinagaan ni Ghon.

"Sige po" Agad kaming lumabas ng bahay hindi na ako nagpaalam kay papa ayoko siyang magambala sa tulog niya. Habang nag lalakad kami may kakaiba akong nararamdaman kaya napahinto ako.

"Sino ka!" Sigaw ko alam kong may tao sa likod namin imposibleng tao 'yun dahil alam naman nila yung oras ng pag atake ni Onica simula ng 5:00 am hanggang 5:00 pm pero nakakalabas padin naman kami dahil si Onica, nag papahinga siya tuwing 8:00 am to 3:00 pm.

"Hmmmm" Mahinhin na boses nito.

"Tita nasa likod natin siya" nanginginig na saad ni Ghon.

"Alam ko Ghon, kaya kahit anong mangyari wag na wag kang titingin sakanya pag kailangan ko ng tulong mo maliwanag?" Saad ko. Napataas nalang siya ng dalawang kilay.

"Tila napaka swerte ko naman" Nakangiting saad nito hiwa yung Ang bibig nito sabagay kasalanan naman niya kung bakit nagkaganyan siya.

"Mababawasan nadin ang salot sa lugar na ito" saad ko na ikinasama ng tingin niya sa akin.

"At ano naman ang pinagmamayabang mo!" Galit na saad niya.

"Marami" tinawanan ko nalamang ito na maslalong ikinagalit niya.

"Idaan nalang natin ito sa labanan" inilabas niya yung gunting niyang napaka kaki at sobrang talim nito ginagamit niya ito upang makapang biktima.

"'Yan na naman yung gunting mong napakalaki anong gagawin mo sa akin  hihiwain mo yung bibig ko itutulad mo ako sayo! Saka kasalanan mo naman kung bakit ka nagka ganyan!" Sigaw ko na ikinagalit niya. "Kung hindi ka sana nagloko sa asawa mo hindi sana mangyayari sayo 'yan kasalanan mo ang lahat! Saka hindi ako natatakot sainyo kahit magsama pa kayo ni Jakarta!" Sigaw ko na mas lalo niyang ikinagalit.

"Wag mong ibabalik ang nakaraan!" Galit na sigaw niya."Kung hindi rin naman dahil sainyo hindi magkakaganto yung maganda kong mukha!" Siya ang unang umatake agad naman akong nakaiwas dito.

Patuloy lang kaming nag laban at aksidenteng naputol ang kanyang ulo napahiga siya sa sahig, sa wakas malaya na yung mga tao pag sapit ng Alasingko si Jakarta nalang ang isusunod ko.

"Tita!natalo niyo po siya?..." Nagtatakang saad ni Ghon.

"Oo kaya lumingon kana" agad namang siyang lumingon at nakita niya ang kaluluwa na wala nang Buhay.

"Tita natalo niyo po siya" tuwang tuwa na saad nito."Sa wakas maaga narin akong makakapasok sa pagsasanay" Bigla siyang yumakap sa akin at tumatalon pa ito nang dahil sa tuwa,at na kita namin na unti unti ng nawawala ang bangkay ni Onica.

"Wala na siya Ghon, malaya na tayo pag sapit ng umaga!" Napasigaw ako at agad nagsilabasan ang mga tao sa bayan namin.

"Sa wakas nabawasan na yung salot sa lugar natin"

"Yehey!! makakapag laro narin kami" saad nung isang bata na umagaw ng atensyon ko.

"Basta wag muna kayong magpapagabi" saad ko sa mga bata.

"Bakit po?" Tanong nila sa akin.

"Dahil hindi pa natatalo so Jakarta, kaya wag muna kayo masyadong makampante" Pagpapaliwanag ko sa mga Bata.

"Cassandra!" Tawag sa akin ng Lalaki sa likuran ko."Tatalunin moba si Jakarta,gaya nang pagtalo mo kay Onica?" Agad naman akong napalingon at makita ko si Gerald.

"Gerald?"Nagtataka akong napatingin sakanya dahil nung mga Bata pa kami nung huli kaming nagkita.

"Oo nga ako nga ang tagal natin hindi nagkita ah" Natutuwang saad nito ss akin.

"Ano ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa pagkakaalam ko hindi na siya babalik.

"Amm pinagbakasyon lang ako ni Papa rito, para raw mahanginan din ako paminsan minsana lagi nalang kase akong nasabahay" nakangiti sambit niya sa akin.

"Ah sige una na ako hah, bye sa inyo" Pamamaalam ko sa mga taong nakapaligid sa amin."Hoy Ghon tara na!!" sigaw kosa pamangkin ko kala ko kase nakasunod siya sa akin.

"Eto na po!" at sabay takbo, medyo nag mamadali na kami dahil mahuhuli na kami sa pag sasanay.

"Bilisan mo nga takbo mo!" pagmamadali ko sakanya.

"Mabilis na nga po Ito" Saad niya habang tumatakbo.

"Pwes para sa akin hindi napaka bagal mo!"sigaw ko sa kanya.

"Ehh kase naman po imbis ma magmadali tayo inuna mo pa makipag usap kay Gerald,"pasigaw niya na saad sa akin.

"Kaibiganko lang 'yun!" Halos magtalo na kaming mag tita sa daan.

At sa hindi kalayuan natanaw kona yung Training Center mamin, mas lalo kopang binilisan yung takbo hanggang sa nakarating na ako hay sa wakas nandito narin.

"Sorry po i'm late" Pasigaw ko, hindi pa pala sila nag u-umpisa.

"Papa sorry po na late po kami" Saad ni Ghon Na hinihingal.

"Pumasok na kayo, mag u-umpisa na kayo " pagpapasok sa amin ni kuya Jewel, umupo muna kami at uminom ng tubig."Sa ngayon hindi ako ang magtuturo Sa inyo" saad ni Kuya Jewel.

"Papa sino po magtuturo Saamin"Sabat Ni Ghon

"Hindi ka kasama mag aaral ka!" Sigaw ni Kuya Jewel kay Ghon, kahit kelan talaga napaka strikto niya pagdating kay Ghon.

"Mag aaral na naamn" angal naman ni Ghon.

"'yun na nga lang yung gagawin mo aangal kapa" saad ulit ni Kuya.

"Ayoko na mag aral Pa gusto ko nang matuto kung paano protektahan yung sarili ko" simbangot na saad ni Ghon.

Maagang naging isang ulirang Ama si Kuya Jewel, iniwan siya ng girlfriend niya hindi ko rin alam kung alam niya bang may anak siya dahil isang taon itong naka ratay sa ospital kaya pinag buntis at pinanganak niya si Ghon, ng tulog hindi ko sure kung paano na ilabas at nabuhay si Ghon,sa tyan ng nanay niya pero isa ang alam ko kilala ko siya at wala kaming idea kung saan na siya ngayon.

"Ghon, sige na wag kana umangal" singit ko.

"Sumunod kana sa akin at mag papaliwanag ka kung nasaan ka natulog kagabi!" Duro ni Kuya kay Ghon, lumakad na papalayo si Kuya Jewel, at sinenyasan ko naman si Ghon, na sumunod na siya.

PURPLEMOON💜

"LINK OF DEMON"(DEMON SERIES#1) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz