CHAPTER 4

28 7 0
                                    

CHAPTER 4

~GHON POV~
"Pa! Saan ba tayo pupunta?" Reklamo ko.

"Sa Office ko sumunod kana lang!" Sigaw ni Papa.

"Pa! Nakakatamad mag aral pwede ba wag niyo nalang akong ipilit sa mga bagay na hindi ko naman gusto" halos mag dabog na ako.

"Hindi! Mag aaral ka sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ni Papa, hays nakakasawa na mag aral ng Mathematics at other language hindi ko naman magagamit 'yan pag sinugod kami ng mga kaaway.

"Pero pa! Gusto kong mag sanay rin katulad nila tita Cass" napalingon siya sa sinabi ko.

"Ano bang meron dyan sa tita Cass mo! Lagi nalang kayong mag kasama!" Duro niya sa akin. "At saka bakit siya yung gusto mong gayahin!" Dagdag nito.

"Kase siya lang yung unang babaeng nag mahal sa akin" gilid luhang saad ko.

"Ano?"

"Kase siya lang yung nag turing sa akin na parang anak at siya rin yung tinuring kong Ina dahil buong buhay ko hindi ko manlang naranasan ang pag-mamahal ng isang Ina" mangiyak ngiyak na saad ko natigilan si Papa sa sinabi ko.

"Ghon Patawad Hindi Komanlang na pakilala sayo ang tunay mong Ina" Paiyak na rin si Papa.

"Nasaan ba siya? Saan koba siya makikita" umiiyak na saad ko.

"Anak.." Umiyak ng tuluyan si Papa.

"Alam moba kung bakit kami laging magkasama ni Tita Cassandra? Dahil pareho kaming lumaking na wala sa tabi namin yung nanay namin" nag punas ako ng luha at napatingin ako kay Papa nag pupunas narin siya ng luha niya.

"Mahabang Kwento Ghon, mas mainam na wag mo nalang alamin" biglang naging seryoso yung boses ni Papa.

"Pa!" Sigaw ko i'm disappointed of my self dahil na sagot ko si Papa ng pabalang.

Sinundan ko si Papa papasok ng upisina niya pero nasarado na niya ito kaya hindi na ako nakapasok napa sandal nalang ako sa sahig at dahan dahan na napaupo.

~CASSANDRA POV~
Bakit naman ganon kanina pa kami nag aantay wala parin yung nag tuturo.

"Bakit hindi pa kayo naguumpisa?" Pasigaw na tanong ko.

"Bakit may mag tuturo naba sa atin?" Tanong sa akin ni Rhea.

"Wala pa maman yung mag tuturo Sa atin eh" Singit naman ni Angela.

"Edi ako!" Saad kona Ikinatingin nilang lahat sa akin oww all eye on me.

"Ikaw ano naman alam mo!" Panglalait sa akin ni Vince.

"Oo nga,isa ka lang namang babae kung ikumpara tayo e' wala kapa sa kalingkingan ko" Singit na sigaw ni Nicko.

"Bat hindi niyo nalang kase gayahin si Laura,mahinhin na Babae"dagdag ni Vince.

"Ano ang gusto mo maging katulad kami ni Laura,na mahinhin bakit wala naba kaming karapatan makipag laban" sabay tingin sa kanilang dalawa.

Napatawa nalang sila."Tila napaka taas naman ng ambisyon mo sa sarili mo bakit may may mapapatunayan naba kayo?" Pang iinsulto ni Vince.

"Bago niyo kami ikumpara kay Laura, siguraduhin mo munang lahat ng lalaki katulad ni Miguel!" Sigaw ko at agad na nagkatinginan at nag bulungan yung mga babae sa paligid ko at natahimik naman sila Vince at Nicko.

"Tama si Cassandra," sigaw ni Rhea.

"Oo nga porket mga lalaki kayo akala niyo makakaya niyo na kaming mga babae" sabat naman ni Angela.

"Ms.Rhea Anvelliane, pwede ba makisuyo?" Saad ko kay Rhea.

"Buong pangalan talaga?" Tinaasan ko nalamang ito ng kilay at sinamaan ko ito ng tingin.

"Kuhanin mo yung mga arnis natin sa stock room" Utos ko sa kanya at agad naman siyang sumunod.

"Kaya niya ba 'yun?" Tanong sa akin ni Angela.

"Gusto mo samahan mo siya?" Saad kona ikinaurong ng bibig niya.

"Ano kelan ba tayo mag start?" Singit na tanong sa akin ni Niel.

"Pwede ba Mr.Niel Simon, Maghintay ka!" galit kona saad sa kanya.

"Eto napo yunga Ar-" Napatigil si Rhea ng may sumigaw sa pinto.

"Sorry I'm Late!" Hingal na saad nito at agad naman kaming napatingin sa kanya.

"Late kana mrs.lyka Hernandez,now Come in" Pagpapasok ko sa kanya.

"Oh ito na yung mga arnis" sabay bagsak ni Rhea sa sahig.

"Ok thanks, now i'm your teacher and ako ang naka a-sign na magtuturo sa'inyo"libot ng paningin nito Sa amin.

"Bakit ngayon ka lang" boring na saad ni Nicko.

"Ang dami ko kaseng inaasikaso kaya na late sorry naman"sabay baba ng mga gamit nito.

"Start na po ba tayo?" tanong ko da kanya.

"Wait lang may kakausapin lang ako yung hindi ko kakausapin mag umpisa na, Cassandra! sumunod ka sa akin" Pasigaw na saad sa akin ni Mrs.Hernandez.

"Sa tingin mo bakit ka pinatawag?" Bulong sa akin ni Angela.

"Di ko alam" sumunod na ako sa kanya at wala akong idea kung ano ba ang kailangan niya sa akin."Ano ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya at bigla siyang huminto at lumingon siya sa akin.

"Alam ko at alam mo rin kung sino si Archi,? Tama ba?" mataray na saad nito sa akin.

"Ah m-malay ko h-hindi ko siya kilala" mautal utal na saad ko.

"Sigaraduhin mo lang na hindi mo kilala si Archi Kikasaki" saad niya.

"Ano ba kailangan ninyo kay Archi?" Tanong ko sakanya.

"Siya lang naman yung unang babaeng matagal na namin hinahanap" sagot niya.

"Pwede ba papasukin mona ako gusto kona mag sanay e" pag iinarteng saad ko ang init kasi sa pinuwestuhan namin e.

"Sige na pumasok kana sa loob" pago ako makapasok bigla akong natigilan ano ba ang kailangan nila kay Archi? May kasalanan ba ito sa kanila kaya nila pinag hahanap?.

"Bakit hindi kapa pumapasok?" Tanong nito.

"Wala sige na papasok na ako" nag mamadali akong pumasok sa loob nakita ko sila nag uumpisa ng mag sanay kinuha ko naman yung arnis ko at naki sunod na ako sa mga galawan nila.

"Tapos na kayo mag usap Cassandra?" Tanong ni Niel.

"Oo" sagot ko.

Napatango tango nalang siya at muli kaming bumalik sa pag sasanay.

Mag hapon kaming nag sanay halos saglit lang yung break time namin mga ilang minuto lang tapos yung mga pinapagawa ang dami dami sana naman habaan din yung break time para may gana rin kami.

PURPLEMOON💜

"LINK OF DEMON"(DEMON SERIES#1) Where stories live. Discover now