Chapter 2

27 2 1
                                    

Chapter 2:



Blake's POV



"S-S-S-SADAKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!"



Pagkasigaw na pagkasigaw ni Chancey ng katagang iyon ay nagkagulo-gulo ang lahat.



"We're going to die!" sigaw ni Terrence habang umiiyak na sa gilid.



"Kyle? Kyle? Nasan ka na Kyle?!" biglang napatingin sa paligid si Lance.



"Bakit mo siya hinahanap? Diba kayo yung magkasama kanina habang tumatakbo?!" tanong ni Kaizer kay Lance na hinahanap padin si Kyle.



"Yun nga eh! Bigla nalang siyang nawala!" rinig na rinig ang sigawan nilang dalawa kahit medyo malayo na sila sa amin.



Si Chase, Mint, Lourd at Seth ay nakaupo padin sa kinauupuan nila na para bang walang nangyayari. Tumatawa pa nga si Seth eh. Samantalang poker face lang si Lourd. Si Chase at Mint naman inoobserbahan ang mga nangyayari.



Si Terrence hindi makagalaw sa kinauupuan niya sa takot. Umiiyak pa siya habang nakapikit at mukhang pilit niyang tinatanggal ang nakakatakot na imahe sa isip niya.



Si Kristian, Kaizer, Lance at Kyle naman ay tumakbo pabalik sa apartment. Kaso naudlot ito nang biglang nawala si Kyle. Nasan na ba iyon?



Si Stephen lumapit kay Chancey at sa babaeng mahaba ang buhok at nakaputing bestida.



Ako naman ay nakatingin lamang kay Chancey na mukhang natigil na ang mundo sa lahat ng nangyayari.



"Jun." napasinghap kami nang biglang magsalita ang babaeng mahaba ang buhok at nakaputing bestida.



"Sino si Jun?" nagulat naman kami nang marinig ang boses ni Kyle. Lumapit ako ng konti sa kinaroroonan ni Chancey at nakitang nakaluhod din si Kyle at nakatingin ng mabuti sa babaeng mahaba ang buhok at nakaputing bestida.



"Junjune." di niya pinansin si Kyle at gumapang pa lalo palapit kay Chancey. Ano bang kailangan ng babaeng to? Type niya ba si Chancey? Dumadamoves ba siya? Alam kong hindi siya multo! Kahit na nakakatakot makita ang mukha niya, hindi ako dumb para di malaman na tao siya!

Perfect Lady EvolutionWhere stories live. Discover now