IKAW AT IKAW PA RIN

188 4 0
                                    

Zeb's POV

After three months...

Nagligligpit ako ng mga gamit nang bigla kong narinig ang notification mula sa cellphone ko. Akala ko mula ito kila Rap ngunit agad ding nanlaki ang mata kong nang makitang mula iyon kay Kyro. It had been three months! Wala siyang paramdaman sa pahanong iyon, at ito ngayon, nagtatanong kung na saan ako.

Paanong hindi ako magugulat, wala talagang balita sa kaniya. Para siyang nagsoul searching. Akala mo si Gerald Anderson kung makapang-ghost, e. Syempre, biro lang naman iyon, tulad ng sabi niya, nagpaalam naman siya sa amin. It was to heal and to let Yumi think while he was away.

Inasar ko na lang siya na matagal na namang malinaw ang isip ni Yumi. But of course, I was kidding. Tama naman si Kyro, talagang maraming iniisip si Yumi noong panahon na iyon. Dahil pinag-uusapan na namin ang babae, nagtanong agad ako kung nasabi niya bang nakauwi na siya. Sinabi niya namang hindi pa at ipapaalam niya na lang kapag nagkita kita na kaming lahat.

Bakit ba kasi ayaw niya na lang i-text? Ang dali lang namang sabihin. Kaso, natigilan ako nang makita ang sagot niya sa akin doon. Ayaw niyang i-text ang babae dahil baka raw magselos ang boyfriend.

Ngumuso ako, halos umaalpas na ang ngiti. Sinabi niyang baka raw kasi magselos ako kaya kapag lumabas na lang kaming magkakaibigan.

Zeb: Kung boyfriend ako ni Yumi, siguro magseselos ako.

Kyro: Exactly my point is. Alam ko kung saan ako lulugar.

Lalong lumaki ang ngisi ko dahil doon. Ang slow naman nito. Tinawag pa akong maligalig. Bagay talaga sila ni Yumi, pareho silang slow masyado! Sinabi ko naman "kung" boyfriend ako, kaso hindi naman ako boyfriend nung babae.

Mukhang nagtaka pa siya doon. Nalaman ko na lang na nakita niya pala yung post namin sa Instagram. It was when we posted something like "done for the 1st for this year". Akala niya pa ay ginugulo ko lamang ang isip niya.

Halos hindi ako makahinga kakatawa dahil doon. Pero agad ko ring pinaliwanag na tungkol lang iyon sa natapos na sem sa taong iyon. Kung ano-ano agad iniisip nito. Sunod niya namang tinanong yung caption naming "Monthsary" at may pulang puso pa sa dulo.

Akala niya talaga kay Yumi iyong kamay na hinahalikan ko roon sa picture. Assumero talaga 'to. Sinabi ko agad na si Claire iyon, ang girlfriend ko. And yes, we were still together. Maraming nangyari at dahil umalis si Kyro, halos hindi niya na alam ang mga mahahalagang balita.

Kyro: E ano nga? Paano nangyari iyon? Paano si Yumi?

Zeb: Slow. Yumi and I. It never happened. But we remained as friends, best friends.

Iyon ang totoo. Akala ko rin mahal ako ni Yumi pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang lahat. Nagkaalaman nga kaming first love namin ang isa't isa at hindi naman magbabago iyon. Pero hanggang doon na lang iyon, hindi siya ang magiging huling pag-ibig ko.

Hindi ko alam kung tanga ba itong si Kyro o nagtatanga-tangahan lang. Ako na tuloy ang nagsabi sa kaniya. Oo, siya ang mahal ni Yumi. Siya itong pinili, kaso ito siya, umalis.

Doon siya nagtaka, dahil noong nagpaalam siya sa babae, hindi ito nagsabi sa kaniya. Napailing ako dahil mukhang kailangan ko pang sabihin ang lahat bago niya maintindihan. It was obvious, Yumi was trying to give him the chance and space he was looking for. At para sa kaibigan ko, mas maayos na rin iyon para pagbalik nitong lalaking ito, buo na siya, magaling na.

I chuckled when he realized that he had just wasted three months because he misunderstood everything. Tingnan mo nga naman, hindi kasi nagtatanong, e.

Pero hindi naman nasayang ang panahon niya, ang maganda, sa pag-alis niya nabuo sila parehas at nagyon, ready na sila.

Isla Haraya: Mayumi (Published under IMMAC Publishing)Where stories live. Discover now