2/5

407 12 7
                                    

(𝘉𝘭𝘦𝘴𝘴𝘪𝘤𝘢)

Tiyak na namamalik-mata lang ako habang tinitingnan ito. Nakakaloko itong ngumiti, sabay tawa habang sinisipat ako. Hindi ko maiwasan na ikumpara ito sa noon dahil napakalaki ng kaniyang ipinagbago. Mas matangkad pa ito sa aking anak na mas matangkad sa akin. Ang dating buhok nito na mahaba ay halatang lagi niyang ipinapagupit. Iba rin ang ayos ng mukha nito dahil na-enhance iyon ng kolorete roon.

"I guess, ngayon na ang simula ng one week nating pagkilala sa isa't isa?" Hindi ako makasagot dala pa rin ng paninigas ng aking katawan. Nawawalan ako ng lakas upang magsalita pabalik. Kinuha nito ang aking hawak at sinipat iyon. "This color suits you very well. Isusukat mo ba?"

"Si Sydney ka?" Finally, pagkatapos ng ilang segundo ay nabawi ko na ang aking boses. Nanatili lang itong nakatitig na parang walang emosyon sa akin. "Paano ka naging si Sydney? Hindi ko tiyak."

"Syn came from my second name, and Nee came from Journee. Synee is really awkward so dinagdagan ko lang. Iyan ang bago kong nickname nang makaalis ako sa puder ng tiyahin at tiyuhin ko. At nang bumuo ako ng sarili kong buhay. I am a freelancer now kaya hawak ko ang oras at iba ko pang kailangang gawin. So you are not wasting my time kapag magkasama tayo. May pumapasok pa ring pera sa akin." Kinuha na niya ang aking hawak at saglit iyong inilapit sa aking leeg. Inikot niya iyon bago ako silipin mula ulo hanggang paa. Wala pang isang minuto nang pagkukuhanin nito ang mga naroon at tiningnan ang lahat ng tag. Inilagak niya iyon sa cart at dinala sa cashier. "Change your clothes. May pupuntahan tayo kaya mas magandang akma ka manamit. I'll pay using my card."

"Pero—"

Hindi ko na magawa pa ang umimik dahil tiningnan ako nito nang matalim. Tama naman siya dahil jeans at simpleng t-shirt lang ang aking suot para kitain ito. Samantalang siya ay pintuck top ang suot at pantalon na itim—ngunit halatang mamahalin ang suot nito dahil sa brand ng damit na nababasa ang ngalan. May brooch din itong malaking diyamante ang nasa gitna. Saka ko lang naalala na sundan ito nang siya ang humawak ng shopping bags doon.

"Well, kanina pa ako nag-plano ng puwede nating gawin. But you did not tell me anything about what you really want to do. Maybe tell me your plans or mga gusto mong ikutin na lugar. We'll eat first at the hotel then magpalit ka sa rerentahan kong silid." Nakanganga lang ako sa kaniya dahil kada attempt ko para magsalita ay may sinasabi ito. Huminto sa aming tapat ang Gazelle Van nito na alam kong mamahaling sasakyan din. Ngunit kakaiba dahil hindi man lang ako nakaramdam ng panliliit mula sa kaniya.

"Salamat, Journ." Pasimple akong ngumiti nang ipasok niya sa sasakyan at inalalayan sa loob noon. Nang bumiyahe iyon ay kapuwa na kami tahimik. Dama ko sa atmosphere na ako na ang dapat na magsalita kaya nagsimula na ako, "Kumusta ka na? Hindi ko talaga inakala na ikaw iyan. Boses mo lang ang kilala ko pero hindi ko pa rin natunugan na ikaw pala iyon. Ano pa ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"Masaya naman kahit papaano ang aking buhay, I should say. The moment na may natapos na ako... I immediately flew abroad papunta sa Qatar. May hinahanap kasi akong tao noon. Pero hindi ko na siya nakita." Sa sinabi niya ay naisip ko ang aking sarili. Napadpad ako sa Qatar noong unang mga taon ko sa trabaho, ngunit alam ko rin na nasa ibang bansa ang kaniyang ina. Baka iyon ang talagang sadya ni Journee para mahanap at makausap. "I tried my luck dahil nilapitan ko ang mga kakilala ng ama ko. I wanted to enter the trade market back then... na masuwerteng napasok ko at napagkakakitaan. Kaya handa na akong bumuo ng pamilya at magsipag pa lalo. And about this special week of ours... alam kong gusto mo akong kilalanin. We should not talk about Bryle because I want you to meet me. Hindi natin siya iisipin."

"Impossible na hindi natin maisisingit si Bryle dahil magpapakasal kayo. Saka para makasiguro din ako na alam mo iyon? Kilala mo siya at gusto mong makasama sa habambuhay." Ipinatong nito ang kaniyang baba sa mga daliri nitong nakalantad sa kaniyang kamay. Parang wala itong interes sa aking sinasabi. "May problema pa yata tayong dalawa. Iyong nangyari noong gabi ng debut mo..."

Dawn of Intimacy [GXG]Where stories live. Discover now