5/5

418 15 2
                                    

(𝘑𝘰𝘶𝘳𝘯𝘦𝘦)

Nasa kasarapan ako ng tulog nang may tumapik sa aking mukha. Nilingon ko agad ang aking katabi, saka ko nakita si Blessica na nakatingin sa kisame at hinihintay ako. Sinapo nito ang kaniyang noo bago ako nakangising tingnan. Inayos din nito ang kumot na kanina pa niya ipinangtatakip sa kaniyang mga dibdib.

"What's the matter, can't sleep?" Hinila ko ito hanggang sa mapasandal siya sa akin. Nang tingnan ko ang kaniyang mga mata ay nakabanaag ako roon ng takot. Kumurap-kurap ito at napansin ko rin ang matamlay niyang pagngiti. "May problema ba tayo? Let's talk about that. Pakikinggan kita. About you leaving the country?"

Ibinaba niya ang tumatakip na tela sa kaniyang dibdib at itinuro nito ang magkabila niyang suso. "Nakikita mo ba ito? Anong masasabi mo sa mga dibdib ko? Ito ngang puson ko, oh. Kulubot na. Nagagandahan ka ba talaga sa akin?"

"Oo naman," sincere kong sagot. Tiningnan ko lang ang kaniyang katawan at para sa akin ay perpekto naman iyon. Nakakapagtaka ang mga tanong nito sa akin, "Why are you asking me those type of things? Mahal kita, mahal na mahal kita at gusto ko naman iyang katawan mo. That's the body to die for. Ang katawan ng perpektong babae. Are you pregnant?"

"Of course not! Journ naman, huwag kang magbiro ngayong nakikita mo na seryoso ako. I don't want to lose you." Inayos ko ang panonood sa kaniya nang makita na nalulungkot ito sa kaniyang mga naiisip. Hinalikan ko lang siya sa noo bago yakapin. "Mahal na mahal kita. Natatakot ako na kapag nakakita ka ng mas bata sa akin, ma-attract ka sa kaniya at hindi na tayo maging kagaya ng dati. Ikaw lang ang tao na nagparamdam sa akin ng ganitong importance ko. Alam mo iyon? Kapag kasama kita, parang sa atin lang umiikot ang lahat. Parang sa atin ang mundo. Ayaw kong maranasan iyon ng ibang babae mula sa iyo. Nasasaktan ako sa mga naiisip ko."

"Hindi mo kailangang masaktan dahil ikaw lang ang mayroon ako. So that's how you really feel. Mahal na mahal mo ako." Hinalikan ko ito sa pisngi bago siya mas lapitan pa. Ipinadama ko rito ang init ng aking katawan. Ipinasa ko sa kaniya ang comfort na kaniyang hatid sa akin. "This is our house now. Para na kitang asawa simula ngayon, saka tayo lilipad nang sabay papuntang Jakarta after the birth of Bryle's baby. Tapos kapag bumalik tayo rito ulit after ng contract mo, pakakasalan agad kita. Or get a one week break and let's get married everywhere. Basta't allowed ang same-sex marriage. Gusto kong iparamdam sa iyo na hindi dapat ganiyan ang maramdaman mo."

"I can't help it, mahal kita."

Natutuwa naman ako na nadarama ko ang kaniyang pag-ibig sa akin. Ngunit hindi ko ikinakatuwa ang nadarama nitong alam kong mabigat. Gusto ko lang na i-assure siyang siya lang ang aking makakasama habambuhay. Nakapagdesisyon akong kaniya na ang aking puso at kaluluwa kung nanaisin din ni Blessica. Ibinangon ko na siya bago ito pasilipin sa bintana. Nakita namin doon ang mga tao na sinisimulan pa lang ang kanilang araw.

Nandito kami ngayon ni Blessica sa isa sa mga tahanan ng aking ama na aking namana. Hindi naman kami nasa probinsya, ngunit may sakahan dito at maraming hayop. Gusto ko lang na ma-experience niya ang lugar na ito bago kami umalis. At gusto ko rin na maranasan ang makatalik siya sa iba't ibang lugar. Para sa akin ay ang ganda lagi ng mga araw kapag nagtatalik kami at iba-iba ang aming sitwasyon.

"Would you like carabao's milk, Bless?" tanong ko sa kaniya nang halikan ko ito sa gilid ng leeg. Nakiliti ito dahil gumilid siya sa akin. "Or may gusto kang kainin? Let's visit the spring later. Or baka gusto mong mamili tayo. O baka, gusto mong mamundok tayong dalawa."

"That's too much for a day. Second day pa lang natin dito, Journ. Dapat lang na mag-enjoy muna tayo. Try natin iyong sinasabi mo na kesong puti saka gatas ng kalabaw. Saka masarap ang luto sa baba, naaamoy ko na agad!" Nasa aparador doon na kahoy ang aming mga gamit. Nakaligtaan ko na maalinsangan pala ngayong buwan kaya mabuti na lang dahil mayroon doong mga bestidang luma ang aking ina. Ipinahiram ko muna iyon kay Blessica dahil parehas sila ng katawan.

Dawn of Intimacy [GXG]Where stories live. Discover now