CHAPTER 4

143 4 0
                                    

Nagising siya dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Inaantok na bumaba siya sa kama wala siyang makita dahil napakadilim ng buong paligid. Kinapa niya ang sementadong dingding hinahanap niya ang switch ng ilaw.

"Oh my God!" Napasigaw siya ng kumulog ng malakas at gumuhit ang matalim na kidlat sa langit.

Nawala ang antok na nararamdaman niya napalitan iyon ng takot at pagkabalisa. Nang rumihistro sa utak niya na siya ay nasa estrangherong lugar. Napaluhod siya sa sahig dahil sa sobrang takot nang biglang bumukas ang pintuan. Ipinikit niya ng mariin ang talukap ng kaniyang mga mata. Ayaw niyang makita kung sino ang tao na nasa harapan niya ngayon iniisip kasi niya na baka isa iyong multo na walang ulo.

Nang marinig ni Layton ang malakas na sigaw ni Dianne binitawan nito ang hawak na T-shirt at mabilis itong tumakbo papunta sa guestroom.

Nadatnan nito si Dianne na nakaluhod sa marmol na sahig. Nangi-nginig ang buong katawan nito dahil sa lamig at takot.

"Hey! Are you okay?" Hinaplos nito ang nilalamig niyang pisngi.

Iminulat niya ang kaniyang mga mata ng marinig niya ang baritonong boses ng kanyang amo. Hindi na siya nag-isip pa dinamba niya ito ng mahigpit na yakap at isiniksik niya ang kaniyang katawan sa malapad nitong dibdib.

"Please... hug me tight, I'm cold and scared." Nangi-nginig, natatakot na saad n'ya.

Automatic na pumulupot ang matigas na braso ni Layton sa malambot niyang katawan. Niyakap siya nito ng mahigpit at sinamyo nito ang mabango niyang buhok.

Ramdam niya ang mainit na hininga ni Layton sa kaniyang batok at ang dahan-dahang pagdampi ng basa nitong labi sa kaniyang balat. She felt butterflies on her stomach may namumu-ong kiliti sa kaniyang puson.

Napapikit si Layton nang malasahan nito ang matamis na balat ni Dianne. Ang mabangong amoy nito at ang mainit na katawan nito ay nagdudulot ng abnormal na pakiramdam sa kaniyang puso. Mariin itong pumikit upang kalmahin ang sarili at rendahan ang puso nito na sobrang bilis ng pagtibok.

"Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa pagtakbo iyon lang ang dahilan wala ng iba pa," nagugulohan na bulong ng isip nito.

"Ahhh!" Muli siyang napatili ng lalong lumakas ang kulog at lumiwanag ang langit dahil sa kidlat. Nanguyampit s'ya sa leeg ni Layton kulang na lang pumasok s'ya sa loob ng katawan nito.

"Don't be scared Dianne, I'm here."Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa malambot niyang katawan.

Sininghot niya ang leeg ni Layton na amoy niya ang masculine scent nito. Sobrang sarap- amoyin ng pinaghalong mamahaling shower gel at ang natural na amoy nito. Lalo niyang idinikit sa leeg nito ang nilalamig niyang pisngi.

Napalunok si Layton ng laway ng lumapat ang malusog na dibdib ni Dianne sa hubad nitong dibdib. Dahil sa malakas na pagsigaw ni Dianne hindi na ito nakapagbihis tanging brief lang ang suot nito.

"Dianne bumalik ka na sa kama humiga ka roon at magtalukbong ng comforter upang hindi ka lamigin," pabulong na utos nito sa kan'ya. Kinilig s'ya ng lumapat ang mainit nitong hininga sa kaniyang tenga.

"Mas gusto kong humiga dito sa ibabaw ng katawan mo Layton dahil nakakapaso ang init ng iyong balat at sigurado ako na hindi ako matatakot at lalamigin kapag nakakulong ako sa iyong matigas at mainit na bisig." Maharot na bulong ng isip n'ya pero hindi n'ya kayang isatinig.

"Layton pwede bang alalayan mo ako papunta sa kama hindi ko kasi makita kung saan banda ito nakapwesto dahil madilim."

"Okay," tipid na sagot nito.

"Ahh! Layton..." Napasigaw siya ng biglang umangat ang katawan niya sa marmol na sahig. Binuhat siya ni Layton na parang bagong silang na sanggol.

"Sir please... Put me down! Nakakahiya boss kita pero karga-karga mo ako." Pilit niyang inaalis ang kamay nito na nakahawak sa kan'yang pwet.

"Pwede ba Dianne! Tumigil ka sa pagpadyak kung ayaw mong itapon kita sa bintana!" Galit na wika nito at binilisan nito ang paglakad.

Nang makapa ni Layton ang kama inihagis nito si Dianne sa ibabaw.

Muli siyang nakaramdam ng takot nang mapalayo ang katawan niya sa mainit na katawan ni Layton.

"A-ahh! Sir, na saan ka na? Huwag mo akong iwan dito mag-isa takot ako sa dilim. Baka meron ditong multo na biglang tatabi sa akin," natatakot na wika niya.

Natatawang pinindot ni Layton ang switch ng ilaw. "Are you happy now Mrs. Williams? The room is not dark anymore."

"H-huh?" Hindi siya makapagsalita dahil naka-fucos ang mata niya sa hubo't-hubad na maskuladong katawan ni Layton. Pinasadahan niya ng tingin ang hubad nitong katawan hanggang sa brief nitong suot na may naka-umbok na malaking pipino.

"Eyes up Dianne! Dito ka sa mukha ko tumingin huwag diyan sa batuta kong natululog."

"H-ha? Tulog pa iyang pipino mo? Eh, bakit parang gising na nakatayo kasi diyan sa loob ng brief mo?" Curious na tanong niya dito.

Tumalikod si Layton para itago ang malapad na ngiting gumuhit sa reddish nitong labi. Gusto nitong humagalpak ng tawa dahil sa kakulitan nang secretary nitong biyuda.

Itinakip niya ang unan sa kaniyang mukha dahil hindi niya kayang titigan ng matagal ang malapad na likod ni Layton at ang matambok nitong puwet.

"Pumunta ka na sa komedor Dianne kakain na tayo ng dinner," wika ni Layton habang pinagmamasdan nito ang mukha niyang parang takot na daga.

Nakasuksok kasi siya sa head rest ng kama habang madiin na nakatakip sa mukha niya ang malambot na unan.

Tumango siya kahit hindi niya nakikita ang kausap. Ayaw niyang tanggalin ang unan na nakatakip sa mukha niya dahil ayaw niyang makita ni Layton ang pamumula nang maputi niyang pisngi.

Umiiling na lumabas si Layton ng guest room. "Grabe! Kung umakto si Mrs. Williams akala mo kung sinong birhen na takot na takot matusok ng pipino." Iritadong bulong nito sa sarili.

Pumasok ito sa kwarto at dinampot nito ang cotton T-shirt sa ibabaw ng kama at isinuot iyon nagsuot rin ito ng jersey short. Pagkatapos nitong magbihis pumunta ito sa komedor para kumain.

Ilang beses siyang bumuntong-hininga bago niya napagpasyahan na bumaba sa kama. Dumeretso siya sa banyo naghilamos s'ya, nag-toothbrush at umihi. Pinagmasdan niya ang sarili sa malaking salamin na nakadikit sa dingding ng banyo.

"Ang swerte mo naman self dahil kasama mo ngayon ang handsome billionare na si Layton Cortada at nakita mo pa siyang nakahubad." Nakangiting wika niya sa salamin.

Lumabas siya ng banyo at naglakad siya sa maliwanag na pasilyo pa punta sa kusina. Nasa pintuan pa lang siya ng dirty kitchen amoy na amoy na niya ang mabangong aroma ng mga pagkain. Mabilis siyang humakbang palapit sa lamesa napangiti siya ng matamis ng masilayan niya ang masasarap na pagkain. Sinigang na baboy with laman ng gabi,  pritong galunggong na may sawsawang toyo mansi, may hiniwang sibuyas at hinog na kamatis, meron rin inihaw na liempo.

"Dianne titigan mo lang ba ang mga pagkain? Hindi ka uupo para kumain?" Kalmadong tanong sa kan'ya ni Layton may hawak itong kutsara at tinidor.

Sinulyalpan niya si Layton at dahan-dahan siyang umupo sa silya. Naglagay siya ng pagkain sa pinggan, naglagay rin siya ng mainit na sinigang sa mangkok. Excited siyang humigop ng sabaw napapikit siya ng malasahan niya ang asim ng sampalok. Muli siyang humigop ng sabaw at sumubo siya ng karne.

"Hmm... Ang sarap naman nito tamang-tama ang timpla tapos napakalambot ng karne."

"Really?" Nasisiyahang tanong ni Layton sa kan'ya habang busy s'ya sa pagnguya ng karne.

"Yeah, sobrang sarap kaya parang luto ni Mama." Wika niya habang siya ay ngumunguya ng inihaw na liempo.
"Sorry nagsasalita ako ng may laman ang bibig hindi ko kasi mapigilan ang sumubo."

"Okay, lang kumain ka nang kumain dahil kahit ubusin mo pa lahat ng pagkaing nakahain dito sa lamesa walang problema."

"Layton hindi ko kayang ubusin lahat itong mga pagkain. Ang mabuti pa tawagin mo ang chef mo at katulong para makasalo natin sila sa pagkain."

"Dianne I don't have a chef and wala rin akong katulong."

"Huh? Seryuso  ka? Eh, sino pala ang nagluto nitong masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa?"

"Stop asking a silly question Dianne, I know you have a hint who cook this delicious foods."

Ayaw niyang bigkasin ang conclusion na nabuo sa loob ng kaniyang utak. Hindi niya kayang paniwalaan na ang maarte at aroganting si Layton Cortada ay masarap magluto. Mas pinili niya ang manahimik at ipinagpatuloy n'ya ang pagkain ng dinner.

Napapa-iling na nilunok ni Layton ang pagkain. Hindi nito mawari kung ma-iinis ba ito oh, ma-iirita sa secretary nitong busy sa pagkain. Based kasi sa expression ng mukha ni Dianne parang hindi ito na niniwalang marunong siyang magluto.

Kita niya ang pagka-irita sa mukha ni Layton pero imbis na matakot siya naka-isip pa siya ng kapilyahan. Kumuha siya ng inihaw na liempo isinasaw niya sa sukang maraming bawang at sili. Sexy niyang nginuya ang karne. "Hmm... yummy.... sana Sir, araw-araw ka mag-order ng ganito kasarap na pagkain."

"Shut up! Dianne I don't wanna hear you're silly talks." Galit na wika nito.

"Ha ha ha.." Natawa siya ng mahina.

"Ikaw naman sir Layton napakabilis talaga uminit ng ulo mo. Oo, na masarap ka na magluto." Nakangiting wika niya at muli siyang sumubo ng pagkain.

Tumikwas lang pa taas ang makapal na kilay ni Layton dahil ayaw nitong ipakita kay Dianne na masaya ito dahil nagustuhan nito ang mga pagkaing iniluto niya.

THE BILLIONAIRE, Widow Bride (The Bride Series 1)Where stories live. Discover now