TWELVE

94 5 0
                                    

ang mga lambana pa rin ang gumabay sa kanya patungo sa bahay na sinabi ni Magnus. tatlong palapag iyun at kulay crema ang exterior.

"tulongan nyo ko. dalhin nyo si Sorelle sa loob." agad na sumunod ang mga ito at dinala ang nanghihina pa ring sorceress papasok ng bahay. sya naman kinarga ang babaeng si Sarah. tinanggal nya ang piring at tape sa mata't-bibig nito. umakyat sya sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa kwarto malapit sa kanya. dun nya inilapag ang babae at kinumotan ang katawan nito.

sa tanglaw ng liwanag mula sa lampshade, kita nya ang mukha nito. sa 'di malamang dahilan, tila sumikdo ang puso nya habang pinagmamasdan ang mahimbing nitong pagtulog. napakaganda nito. she had a lovely heart shaped face, small pointed nose and a pinkish, full lips. mas mukha itong anghel kesa sa kanya. Perry reached out a hand to touch her serene face but held it back. hinaplos nya ang kaliwang dibdib. ang lakas ng tibok ng puso nya.

"meow..." pumasok sa loob ng silid si Aning at lumundag sa ibabaw ng kama.


humiga ito sa gilid ni Sarah. napangiti si Peregrine at hinaplos ang malambot na balahibo nito. the mystical cat purred and reach out one forepaw to touch her hand.

"bantayan mo muna sya,okay? lalabas na 'ko." muli nyang pinagmasdan ang magandang wangis ni Sarah. bumuntong-hininga sya at lumabas ng silid tsaka sinara ang pinto. bumaba sya at naupo sa isang sofa duon. napasandal sya sa upuan at tumingala sa kisame. she close her eyes.

andaming nangyari ngayong araw. sanay naman sya sa magdamang puyatan lalo na kapag may surveilance ang team nya. kapag may mga raid, entrapment operations, buy-bust at rescue silang ginagawa. kaya kasama na nya sa buhay ang pagod. pero ibang-iba itong sitwasyon na ito ngayon. ngayong alam na nya ang tunay nyang pagka-kakilanlan at kung ano ang purpose nya talaga sa buhay, mas naging kumplikado ang lahat.

nasa isang isla sya ngayon,at 'di nya alam kung parte pa ito ng pilipinas. napatay nga ang mag-amang yun, pero may malaki pa pala silang sasagupain----at yun ay ang baliw na si Mattheos.
*******************

nagising sya sa pagtama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. napadaing sya sa pagsakit ng likod nya. dun nya napagtanto nya na sa sofa pala sya dinatnan ng magdamag. hinimas nya ang likod at dahan-dahang umupo.

"good morning." napalingon sya sa bumati sa kanya. it was Sorelle. nakasuot ito ng dilaw na floral dress.

"good morning din. okay ka na ba?" tanong nya at tumayo. nag-stretching sya at napatingin sa labas.
"kaninong isla to? kay Magnus?"

hinawi pa nya ang kurtina at binuksan ng mas malaki ang bintana. the fresh, mild and cool ocean breeze greeted her. lakas maka-kalma ng vibe.

"sa 'kin. regalo sa kin ng asawa ko dati." sagot nito. agad syang napalingon dito.

"asawa mo? kasal ka pala?" nilapitan nya ito para tulongan itong maghain para sa agahan.

"yeah. but i was widowed 10 years ago. 'di kami nagka-anak kaya sa 'kin napunta lahat ng properties nya-including this island. Isla Cordelia ang tawag ko dito." naglagay na sila ng mga plato, baso, kutsara't-tinidor sa hapag.

"yung si Sarah nga pala,kumusta sya?" 


inilapag nito ang isang bowl na may lamang fried rice.

"ako na ang magluluto ng ulam." prisenta nya at isinalang ang frying pan sa induction cooker. kinuha nya ang ham at itlog at sabay itong niluto.

"sinubokan kong gumawa ng spell. gusto kong maalala nya ang lahat sa pamamagitan ng panaginip. sana..gumana." inihain nya ang mga lutong ulam at nilagay ito sa mesa. pinatay nya ang apoy at humila ng silya katapat dito.

Codex CovenantWhere stories live. Discover now