EIGHTEEN

133 6 0
                                    

walang humpay din ang luha nya nang marinig ang pagmamakaawa nito. napakarami nang perlas na lumalabas galing sa mga luha nito. mas lalong naulol si Mattheos nang makita ang mga alahas na nagkalat sa sahig. imbes na tumigil, mas lalo pa syang sinaktan ng mga ito.

Sarah keeps on thrashing against her bonds pero nanghihina lang ito. napayuko na lang si Peregrine at umiyak. she hated herself for being weak. and helpless.

hindi sya kailanman naging mahina. lagi syang palaban, maangas at matapang sa bakbakan. wala syang inaatrasan. pero ngayong nakagapos sya ng isang itim na kapangyarihan, wala syang magawa. tali ang mga kamay at buong katawan nya. napatingala sya sa itaas. sumalubong sa kanya ang isang kometang may napakahabang buntot.

agad na nakadama sya ng sobrang sakit at hapdi sa kanyang balikat. the searing pain penetrated down to her bones, making her scream in too much agony. mas lalong nabaliw sa kakatawa si Mattheos.

"ayan na! ayan na! ito na ang katapusan mo,Cendelion! akin na ang Codex! ang mundo!!"
*****************0o0***************
"when the whirlwind passes over, the wicked is no more---but the righteous has an enduring foundation."
-Proverbs 10:25
**************0o0*****************

after he said those words, Mattheos dived the ancient, holy dagger on Peregrine's chest. the moment it struck her straight to the heart, three things happened at once:

an earth shattering quake shook the place, the roof of the old church was peeled out of its foundations, and a violent thunder and lightning fires struck and descended from the heavens. parang may atomic bomb na bumagsak dahil umuga,yumanig at binabarina ang kalupaan.

nagkumpol ang itim na mga ulap, at umiikot ito sa kalangitan. imbes na tubig ulan, kidlat na walang humpay ang bumubuhos. nagbagsakan ang mga ipu-ipo, at may namumuong hurricane sa karagatan. napaos na ang boses ni Sarah sa kakaiyak at kakasigaw. nakatarak sa kaliwang dibdib ng pinakamamahal nya ang punyal, umaagos mula dito ang napakaraming dugo.

patuloy pa rin sa paghalakhak si Mattheos, pero ang mga tauhan nya, nagsisimula ng mabalisa sa nakikita nila...
*****************0o0****************

nakakatindig balahibo ang pagyanig ng kalupaan. nakakangilo ang tila pag-ungol ng langit at lupa.

nakatingala si Perry sa nag-aalimpuyo at nagngangalit na kalangitan, her eyes are empty and glassy and tainted with tears. parang sinusunog ang kanyang baga sa hirap na nyang huminga, at umuubo na sya ng dugo. ramdam nya ang pagyanig ng lupa, dinig nya ang nakakanginig na mga kulog at kidlat,habang nakaluhod.

kahit hirap na hirap na, pilit nyang ibinuka ang mga bisig at ang kanyang mga pakpak. then, a miracle took place on that evil night:

nakawala sya sa latigo, at isa-isang tinamaan ng kidlat ang mga alipores ni Mattheos. patay silang lahat. sinubokang tapatan ni Mattheos ang ganti ng langit, nang ang punyal na ginamit nyang pansaksak kay Peregrine ay lumutang at naging espada na may dalawang patalim na syang tumarak din sa kanya---na kanyang ikinasawi.

bumuka ang napaka-itim na ulap, at lumabas doon ang isang puti at gintong liwanag. bumaba ito sa kinaluludhan ni Peregrine.

nasaksihan nila ang unti-unting paglabas ng kaluluwa nito at pagbagsak ng katawan sa lupa....
*************0o0*******************

natanggal na ang mga nakagapos sa kanilang latigo. kahit nanghihina, tinakbo ni Sarah ang lugmok na patayng katawan ng pinakamamahal nya. humagulhol sya habang yakap-yakap ang walang buhay na nitong katawan.

dinaluhan sya nina Sorelle at Magnus, at sabay silang napatingala sa kalangitan.

"Perry! please, huwag mo syang kunin... nagmamakaawa po ako..sya na lang ang meron ako..maawa po kayo...ibalik nyo sya sa akin..please.. maawa po kayo..."

sumasakit na ang lalamunan nya sa kakaiyak, pagod na ang mga mata nya at katawan. kandong nya ang duguang katawan ni Peregrine---dahil bumalik na ang espiritu nito sa dakilang lumikha at sa mundong kinabibilangan nito. nawala na ang itim na mga ulap, ang mga kulog at kidlat, ang lindol, ipu-ipo at kumalma na ang karagatan. the heavens closes its doors at nagpakita na ulit ang buwan at mga bituin.

payapa na ulit ang paligid. at ang tanging naririnig na lang ay ang panaghoy ni Sarah.

ang kanyang mga hagulhol at mga hikbi ang nanaig sa tahimik nang gabi....
*********************

"there are people who are meant to stay in our hearts, but not in our lives..."
*********************

tulala si Sarah habang nililibing nila ang katawan ni Peregrine sa buhangin ng Isla Cordelia, sa santwaryo. wala sya sa sarili habang tumatabon ang lupa dito. kahit ang mga luha nya, wala na rin. she feels empty. manhid na rin ang katawan nya at pakiramdam.

napakaraming beses na syang nakasaksi ng namamatay at mga pinapatay. naranasan nya yun lahat nung ikinulong sya ng napakatagal sa loob ng isang tore. ang mga alaga nyang hayop---at ang nag-iisa nyang kaibigan at karamay doon na si Akesha. pinatay ang pobreng nilalang sa harap nya mismo bago sya tinangka noong itakas. masakit iyun,oo. pero ang masaksihan ang pagkamatay ng minamahal nya at ang paghiwalay ng kaluluwa sa katawan nito---wala nang mas sasakit pa dun.

yung naiwan nga ang katawan nito, pero wala nang buhay. malamig nang bangkay at 'di na sya mayayakap at mahahalikang muli. nais nyang sumbatan ang Lumikha---pero 'di nya magawa.

dahil alam nyang hindi nya pag-aari si Perry.

at hindi ito nakatadhanang manatili sa mundong ito. hinayaan itong mamuhay bilang tao, isang mortal---dahil may misyon itong dapat gawin. kalahati itong tao, pero nanaig dito ang tawag ng langit. tuloyan na itong binawi sa kanya. hindi na babalik pa.

somehow, nagpa-pasalamat sya na nabigyan ng pagkakataong makilala ito, makasama at mahalin. kahit sa hiram na sandali lamang. naiparamdam nito sa kanya kung paano pahalagahan, kung paano mahalin ng buo at totoo....
******************

sumapit ang gabi sa isla. sa kalangitan, tumatanglaw ang isang namumukod-tanging tala. malaki, makinang at kumikislap. mapait syang ngumiti kasabay ng pag-agos muli ng kanyang mga luha. naalala pa nya ang sinabi nito nung gabi na nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya:

"sabi pa nila dati---kapag nakita mo ang Polaris, ramdam mo na hindi ka nag-iisa. na lagi kang may kasama, nakatanaw sa 'yo mula sa malayo. 'di mo man abot at nahahawakan--- hindi ka pa rin iniiwan..."

Sarah closed her eyes. she sniffed the golden dust that Magnus threw in the air.

then, she fell fast into a deep sleep....
**************************

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon