Chapter 12: Guilt

162 24 13
                                    

"Jusmiyo! Yari ka na naman ba kay sir Marcos?"


Napalingon naman ako kay Camille nang marinig ko ang sinabi niya. Kararating ko lang kaya naman legit pa ang pagod na nararamdaman ko ngayon dahil sa hirap mag-commute. Binaba ko agad ang bitbit-bitbit kong papeles at hinarap siya.


"Bakit?? Nanaman??" kinakabahang tanong ko at tinignan ang pinapakita niya sa phone niya.


Nang makita ko naman 'yung text na pinapakita niya sa akin ay napatakip nalang ako ng bibig ko. Ilang sandali lang at napahampas nalang ako sa ulo ko sa inis.


"Sinasadya na nila 'yan eh!" dabog ko at napasipa pa sa desk ko.


Nagkamot naman ng ulo si Camille bago sumagot. "Pakiramdam ko rin. Nakakailang palit na tayo ng event organizer eh..." malungkot na tugon nito.


"Paano na 'yan?" kinakabahang tanong ko. "Bukas na 'yung miting de avance niya sa Visayas, 'di ba??" dagdag na katanungan ko pa na mas nagpakaba sa akin.


Tumango naman siya. "Anong gagawin natin??"


"Ewan?? Magagawan pa naman siguro ng paraan..." panimula ko at kinuha ang bag ko. "Mauna na ako!!" paalam ko sa kaniya.


Third Person's Point of View


"Emergency meeting?? Kasama pati HRM department??" hinihingal na tanong ni Syrille na kararating lang ulit ng HQ.


Napatakbo na rin siya para mahabol si Camille na ngayon ay papasok na ng office ni Bongbong. Nang makapasok naman silang dalawa ay naabutan na rin nila ang ibang staff mula sa ibang department na nasesermonan ni Bongbong. Umupo naman agad ang dalawa para makahabol sa pinag-uusapan ng mga staff.


"Ang aga niyo ata masyado, Ms. Rodriguez?" sarkastikong sabi ni Bongbong.


Napayuko naman si Syrille at Camille sa sinabi ni Bongbong. Hindi naman dapat mala-late si Camille sa emergency meeting pero hinintay niya rin kasing makabalik si Syrille.


"Pasensya na po talaga, sir." paghingi ng tawad nito.


Napa-iling si Bongbong. "What happened to the last event organizer?" seryosong tanong nito habang diretso lang na nakatingin kay Syrille.


Napakamot sa ulo si Syrille. "S-sir..." kinakabahang panimula nito. "Umatras po ulit..." paliwanag nito.


Bumuntong-hininga naman si Bongbong. "I see. Looks like even our miting de avance is getting sabotaged." natatawang sabi nito. "So what's our plan now?" kalmadong tanong nito habang pinipigil ang sariling magalit.


Nagtaas naman ng kamay si Syrille. Tinignan lang siya ni Bongbong at nagtawag ng iba. Ilang beses siyang hindi pinansin ni Bongbong dahil wala na siyang tiwala rito.


"Sir, we can find another event organizer-" ani ng isa sa mga staff.


"Does it look like we have that much time left??" inis na sabi ni Bongbong.


"How about the first event organizer we-" suggestion naman ng isa.


Napaisip naman si Bongbong. "Can you contact them right away then?"


Napabuntong-hininga nalang si Syrille dahil alam niyang nagsasayang lang sila ng oras sa ginagawa nila. Nagkusa nang tumayo si Syrille para sabihin ang saloobin niya.


"Sir, we can just beg the first event organizer. It wouldn't consume that much time." confident na suggestion ni Syrille.


Tinignan lang siya ni Bongbong. Ganoon rin ng ibang staff, sinenyasan pa siya ni Camille na umupo nalang pero hindi siya nagpatinag sa suggestion niya. Napa-sapo nalang sa noo si Bongbong at nilapitan siya.


"Must've been frustrating for you ano, Ms. Rodriguez? You really wanted to help kasi you were the one to cause this?" natatawang panimula ni Bongbong. "Just sit down." sabi pa nito at ibinaling na ang tuon sa iba.


Tinapik naman si Syrille ni Camille at sinenyasan na mamaya nalang niya kausapin si Bongbong. Hindi pa rin magpatinag ni Syrille. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Bongbong at nagsalita ulit na nagpabalik ulit ng atensyon ni Bongbong sa kaniya.


"Sir, if we beg for them to continue the miting de avance, we wouldn't be such in a hurry to find a new one." panimula nito. "Begging them is the easiest and the most possible way we can do." dagdag pa nito.


Nilapitan siya ulit ni Bongbong tsaka ito bumuntong-hininga na tila ba wala nang mabuting naidulot si Syrille sa kaniya.


"Don't act as if you know a thing about this when you don't know anything at all! Just shut your mouth and we'll be done right away. Without you!" galit na sabi nito na nagpagulat sa mga staff, lalo na kay Syrille.


Napa-upo naman si Syrille, tuluyang kinain ng hiya at sakit sa sinabi ni Bongbong. Buong akala niya ay tatanggapin ito ni Bongbong kaya naman nadismaya at nasaktan siya lalo na't ang dahilan ng pag-alis niya kanina ay para matulungan si Bongbong. Kaya naman, bago pa man magkaroon ng emergency meeting ay may dala na siyang solusyon.


Nilapitan ni Camille si Syrille para pagaanin ang loob nito. Napakamot nalang ng ulo si Camille dahil nadismaya din siya sa pagka-galit ng boss nila, lalo't alam niya naman na may dala nang solusyon si Syrille bago pa man sila dumating sa meeting.


"Nasaan na nga ba ulit tayo?" inis na tanong ni Bongbong.


"Nawalan po tayo ng event organizer, sir..." lakas-loob na sagot ni Camille.


"I'm so fed up with these!" galit na sabi nito at napa-hampas pa sa table.


"P-pero may nahanap na po ulit!!" dagdag pa ni Camille.


Napa-baling naman si Bongbong sa kanila dahil sa sinagot ni Camille. Siniko naman ni Syrille si Camille dahil sa sinagot nito, knowing na siya ang nakahanap at para bang gusto na niyang bawiin ang tulong na ginawa niya para kay Bongbong.


"Then tell me! Sinong nakahanap??" galit pa ring sagot nito.


Kinabahan namang sumagot si Camille. "S-si Syrille po, sir..." kinakabahang sagot ni Camille. "Nagmakaawa po siya kaninang umaga para bawiin 'yung desisyon nilang umatras. Kaya po siya na-late..." dagdag pa nito.


Nagbago naman agad ang ekspresyon ni Bongbong. Napatingin siya kay Syrille na ngayon ay isang ihip nalang ng hangin sa mga mata niya ay babagsak na ang luha sa mga pisnge niya.


Hindi naman tumingin si Syrille sa kaniya at tumingin lang sa lapag, iniiwasang mapatingin sa mga mata ni Bongbong na puno ng guilt sa mga nasabi niya kay Syrille. Kung puwede lang bawiin ang mga nasabi nito sa kaniya ay walang pagkukuling gagawin 'yon ni Bongbong. Lalapitan niya pa sana si Syrille para kausapin nang maalala niyang nasa meeting sila ngayon.


"If there's nothing more to discuss, we can end here."

Once Upon a SecretaryWhere stories live. Discover now