Chapter 24

2.4K 64 4
                                    

PARA AKONG TANGA na binabantayan lahat ng kilos ni Gun. Narinig ko kanina na aalis siya ngayon upang tumungo sa importanteng meeting na siyang hindi ko alam kung saan.

"Mom!" sabay na tawag ng kambal ngunit hindi ko ito pinansin o kahit binalingan man lang ng tingin.

Maghahalos dalawang linggo na simula ng mangyare ang naging tagpo namin ni Gun at ng mga bata. At hanggang ngayon ay nag iisip parin ako ng paraan kung paano kami makakatakas sa puder niya.

Ibang iba na siya sa Gun na kilala ko. He’s not the Gun that i used to love. Ang Gun na kilala ko ay mapagpasensya sa akin, hindi ako sinasaktan, at higit sa lahat ay mahal na mahal ako.

Ang Gun na nakakasama ko ngayon ay isang halimaw, halimaw na natabunan na ng sobrang pagmamahal na nauwi sa lason, nabulag na siya sa pagmamahal niya sa akin. His love for me is toxic, is poison who can kill me. Masyado na siyang mahigpit, masyado na siyang nakakasakal.

"Gaze, kunin mo ang bag sa ilalim ng kama." utos ko sa aking anak na siyang agad niya namang sinunod.

Pumunta ako sa veranda upang tingnan kung sino ang tao sa ilalim. Maraming bantay, binilang ko sila isa-isa at kapag pinatuloy ko pa ang pagbibilang ay maaabotan ako ng siyam-siyam.

"Gaze, stay here with Faze. Make sure not to open the door when i’m not the one who knock alright?"

"But Mom, how do we know if you’re the one who knock the door?" tanong naman ni Faze.

"You’ll know if it’s me because i’ll knock four times." tumango ang dalawa na siyang ikinangiti ko. My smart twin.

Dahan-dahan kung binuksan ang pinto at nakiramdam kung may tao ba pero wala akong nakita o naramdaman man lang. Naglakad ako ng normal papunta sa dining ng makasalubong ko si End. Agad dinaga ang dibdib ko ngunit hindi ako nagsalita, hindi ako nagpahalata na may pinaplanong hindi maganda. Pinagpatuloy ko ang pag aktong normal kahit pa parang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang kaba.

Pumunta ako sa refrigerator upang kumuha ng malamig na tubig ng bigla siyang magsalita na siyang mas ikinadagdag ng kaba ko.

"I know what you’re planning to do Zia. Huwag mo ng subukan, masasaktan ka lang muli, kilala ko na si Gun. And it’s not my story to tell but please, just listen first. Please understand him, kahit ngayon lang." tumawa ako ng pagak.

"Sanay na akong masaktan, kaya wala na akong pakailam pa kahit patayin niya pa ako ngayon mismo. Ilang beses ko na ba siyang inintindi End?" tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

"Nakakasawa na tangina, nakakapagod ding umintindi na lang sa bawat oras End. Hindi mo kase ako naiintindihan—" he cut me off.

"Sinasabi mong iniintindi mo siya pero hindi mo naman kase sinusubukan. Think twice Zia, you may end up crying again because of your stupid decision."

"Wala na akong pake End! Tangina isusumbong mo ‘ko? Then go! I won’t stop you." nginitian ko pa ito ng nanunuya ngunit napailing lamang siya.

"Hindi kita isusumbong, hindi din kita pipigilan sa plano mo, at hindi din ako makikialam. But make sure to make your planned be successful. Because once you failed, your life will be a living hell." tumalikod ito matapos niyang sabihin iyon kaya napasandal na lamang ako sa nakasarang pinto ng refrigerator.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago makiramdam muli upang balikan ang kambal. Agad akong nagmadali ng makitang wala ng masyadong bantay. Kumatok ako ng apat na beses, ngunit imbis na ang kambal ang sumalubong sa akin ay ang walang emosyong mukha ni Gun.

Agad akong napaatras ngunit mabilis niyang pinalupot ang kanyang kaliwang kamay sa aking bewang.

"A knock code huh?" walang emosyong aniya at biglang ngumisi.

My Husband Is A Psycho Killer [Self-Published Under IMMAC PPH] Where stories live. Discover now