Kabanata 18

1.7K 100 6
                                    

Completed on Patreon and Facebook Group! Special Chapters are only available on Patreon and Facebook group. You can join with a pledge of $3 monthly. Thank you for the support!

Kabanata 18

Paglabas ko ng banyo ay nakasalubong ko naman si Lalaine. Pareho kaming unti-unting bumagal ang mga hakbang at huminto sa harap ng isa't isa. "This is the way to the bathroom..." Tinuro ko na rin sa kaniya at baka hinahanap din niya ang banyo...

Marahan naman siyang umiling sa akin. "Actually I want to apologize to you..." she said.

Lalo pa akong natigilan at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. She sighed. "I'm sorry for how Tita Miranda acted... I thought that it might have made you uncomfortable..."

Umiling ako at ngumiti sa kaniya. I can still act as if everything's just okay. "Ayos lang 'yon... I understand that it can't be helped...since you and Joaquin grew up together..." I smiled.

Bahagya na rin siyang ngumiti sa akin. "I'm glad that you understand..."

I shook my head. "It's all right." I gave her a reassuring smile.

Pagkatapos ay sumabay siya sa akin pabalik kina mama at sa mga bisita.

Kinaya ko lang na manatili sa birthday celebration ng mama ni Joaquin. At tuluyan lang akong nakahinga nang nakauwi na kami sa bahay...

"Joaquin...what's your relationship with Lalaine?" I can't help it but ask him.

Bumaling naman sa akin si Joaquin at nanatili sa akin ang tingin niya. "What do you mean...? She's a friend."

"Just childhood friend?" I probed.

Tumingin sa akin si Joaquin. "Yes. Why?"

I looked away. "Wala naman... Baka lang kasi may iba pa pala kayong relasyon noon bukod sa pagkakaibigan..." sabi kong hindi nakatingin sa kaniya.

"What do you mean? What kind of relationship?"

Hindi ko nasagot ang tanong niya. Dinagdagan pa niya ang sinabi. "Are you trying to say...friendship with the benefits...?" He shook his head. "I didn't do things like that, Angelica." aniyang mukhang naging seryoso na.

Wala na akong sinabi nang magsalita siyang muli. "Did you?" he asked me.

My eyes widened a fraction as I looked at him and my lips parted.

He sighed. "Come on, it's late and we're tired. Let's get some rest now." he said.

Sumunod na lang din ako sa kaniya...

Tahimik na ako habang naghahanda na kami sa pagtulog. I lie down on my side of the bed. And Joaquin followed beside me. Tumalikod ako sa banda niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng braso ni Joaquin galing sa likod ko.

"I'm sorry." Pagkatapos ay malambing niya akong hinagkan. "I didn't mean anything..."

'Tapos naalala ko ang naging usapan namin kanina... I caressed his arm that was wrapped around me instead. "It's all right..." sabi ko lang at pinikit na ang mga mata.

Nang magising ako kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Joaquin. I sighed. Just same days every day...

Sa sobrang boredom ko ay naisipan ko na rin linisan ang office study ni Joaquin dito sa bahay namin. Bucky was resting and we couldn't play. Ang dami ko na rin napanood na movies sa Netflix at madalas na lang din ang pakikinig ko ng random music. Nauubusan na talaga ako ng gawain dito sa bahay. If only we have a baby that I can take care of... I wouldn't be feeling this alone in our home... Especially when Joaquin's out for work.

Ikaw At Ako Donde viven las historias. Descúbrelo ahora