MY ESCAPE 01

604 26 0
                                    


More on flashback ang mga susunod na chapters

________

KEIZEL JADE KIYOKO


Apat na buwan na akong namamalagi at nag aaral dito sa San Lorenzo High School.

Hay buhay nga naman, pinabalik ako ni mama la rito sa Manila para rito ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng Senior High School.

Ewan ko ba kila mama la, kong kailan Senior High school na ako saka naman nila ako pinalipat.

Sa San Lorenzo High School napili ni mama la dahil andito si Nashville. Dahil siya ang naatasang magbabantay saakin, ano ako bata?



Malaking adjustment ang hinarap ko dahil nga bagong environment na naman ang kinabibilangan ko.

Kahit naman alam ko sa sarili ko na may pagka walang hiya ako minsan, medyo nahirapan din naman ako mag adjust sa mga taong nakaka sama ko.





Tapos isama mo pang may mata ako sa lugar na ito, iyon ay si Nashville. Ewan ko ba kila mama la, hindi naman na kasi ako bata para magkaroon ng bantay, eh.


Matanda na ako para magkaroon ng bantay. Hindi na kami bata ni Nashville para bantayan niya pa ako.

At saka hindi naman obligasiyon ni Nashville na bantayan ako, nakaka dagdag pa tuloy ako sa obligasyon niya sa buhay.

Kahit pa sabihin niya na ayos lang na imonitor niya ako at bantayan ako ayaw ko parin, noh. Parang nahihirapan naman ako gumalaw kapag ganito, eh.


Hindi naman maiiwasan minsan na maging pasaway ako o maisangkot sa gulo, eh. At excuse me, hindi naman ako ang naghahanap ng gulo kundi gulo ang naghahanap saakin.


Naalala ko nga first day of school ko, oo ko talaga kasi late enrollee ako. Hindi naman ganon ka late talaga, mga dalawang week lang akong late sa pasok.


Hindi na rin masama kasi kinaya ko pa naman humabol sa lesson nila noong time na iyon.

So ayon, mabalik nga tayo sa nangyari saakin noong unang pasok ko rito. Unang pasok ko namiss na ako kaagad ng gulo kaya ayon na sangkot ako sa gulo.


Edi ang ending nalintikan ako kay Nashville, hindi lang kay Nashville kundi pati kay mama la. Kahit naman hindi magsumbong si Nashville nakaka rating parin iyon sakaniya.


Bukod ba kay Nashville may iba pa ba akong bantay? Ano ba namang mga tao na ito.


Gusto niyo ba malaman kung ano nangyari sa akin noong unang araw ko rito sa skwelahan na ito?

Ayaw ko sana ishare, pero sige isishare ko na kahit wala naman kayong pakealam.



- FLASHBACK -

"Hay nako, Keizel ha? Umayos-ayos ka roon para hindi magalit ang mama la mo." Saad ni manang Esther habang inilalagay ang aking baonan sa aking bag.

Si manang Esther ay matagal nang naglilingkod sa pamilya namin. Bata pa nga lang daw mga anak ni mama la ay nagtrabaho na ito saamin.

Hanggang sa nagka anak na ang mga anak ni mama la ay nananatili parin siya sa amin. Grabe, sanaol loyal like her.

Matapos ang masarap na sermon ni manang Esther ay sinimulan ko na bumyahe.

Nanay na nanay na talaga si manang Esther. Ang sarap ba naman kasi ng umagahan ko, semon?

𝚂𝚑𝚎 𝚒𝚜 𝚖𝚢 𝚎𝚜𝚌𝚊𝚙𝚎 | 𝙶×𝙶 [𝚄𝙽𝙳𝙴𝚁 𝚁𝙴𝚅𝙸𝚂𝙸𝙾𝙽]Where stories live. Discover now