01

1 1 0
                                    

Maaga akong gumising para magluto at maghanda para pumasok sa paaralan. Medyo masakit pa ang ulo at nakakaramdam pa ako ng pagkahilo, pero binaliwala ko iyon dahil hindi ako pwedeng umabsent.

Pasado na alas syete y medya na bago ako natapos sa pinaggagawa ko, kahit pa talaga maaga akong gigising kung magabal naman kumilos malelate pa rin talaga.

Lumabas ako sa apartment, dala ang dalawang libro na hiniram ko sa library at ibang mga kailangan ko sa school ngayon. Bitbit ko rin ang nakatuping visual aid para sa report ko mamaya.

"Aba aga na'tin Ariesha ah, ano na? May pang bayad ka na ba sa upa mo dito?! Magdadalawang buwan ka ng hindi nagbabayad ha!" Bungad sa'kin ni aling Dolores, hindi ko na namalayan anong petsa na. Tag bayad na naman pala.

"Pasensiya na po, kulang pa kase ang pera ko para makabayad sa upa, saka may babayaran pa ako sa school, hahanap po ako ng paraan para makabayad agad sa inyo. Mauna na po ako," hindi ko na siya hinintay na magsalita at umalis na sa harapan niya.

Dalawang buwan na pala akong hindi nakakabayad. Ang dami kaseng barayin sa school, nauubos talaga ang pera ko sa mga minor subjects.

Nakarating ako sa school na hindi pa naman late, binalik ko na muna ang librong nahiram ko sa library, saka ko nilagay sa locker ang ginawa kong visual aid.

Hindi naman ako mahilig sa bulaklakin na desinyo ng visual aid kaya hindi ako mamomroblema kapag nakatupi ito.

"Ano na naman kaya ang nangyari 'ron?" tanong ng isang studyante kaya napatingin ako sa tinitignan nila.

"Parang si Ace ah? Anong nangyari?"

Dahil sa minsan pagiging chismosa ko, at dahil na rin sa medyo maaga pa ay nakichismis na ako.

Nakita ko ang dalawang lalaking nakatalikod sa gawi ko, at isang babaeng nakataas ang kilay, maikli ang palda na may makapal na make up.

"What? You're just nothing to me," anang babae.

"He's nothing? But you're flirting with him," sabi naman ng isang lalaking hindi ko kilala kung sino. Wala rin naman akong pakialam.

"Well, I did it in purpose. And excuse me, hindi ako makikipag flirt diyan kung wala akong kailangan." Sabi nito at umalis na, sinadya niya pang banggain ang walang imik na lalaki, at bago niya ito lampasan may ibunulong siya rito.

Papunta sa gawi ko ang babae kaya tumabi ako at ang iba pang nakikiusyoso sa pangyayari. Sinundan ko pa ng tingin ang babae bago ibalik ang tingin sa dalawang lalaki na hindi pa umaalis sa kinatatayuan nila.

Lumingon ang dalawa sa gawi ko kung saan dumaan ang babae, saka ko pa nakita ang mukha nila. Pareho ko silang pinagmasdan, blonde ang kulay ng buhok ng lalaking may salamin na mukhang ito yung nagsalita kanina, and isa naman natural na itim ang kulay ng buhok.

Tinignan ko ang lalaking may itim na kulay na buhok, laking gulat ko nalang ng tumuon ang paningin niya sa'kin. Para ako napako sa kinatatayuan. Ang ganda ng mata niya.

---

"Ariesha, gising!"

"Hmm," minulat ko ang mata ko, mukha agad ni Jansen nakita ko. "Ano? Natutulog yung tao eh," reklamo ko pa.

Wala klase ngayon dahil absent ang instructor kaya natulog ako, tapos gigisingin lang ako ng isang asungot.

"Wala lang, tutal matalino ka naman pwede patulong?" Gumuhit sa labi niya ang isang malawak na ngiti, hindi ko gusto tong ipapagawa niya panigurado. "Oh? Huwag kang mag-alala malaki naman ibabayad ko sa'yo."

"Ano ba ipapagawa mo?" Umayos ako ng upo, pera na lumalapit.

"Malapit na kase umuwi si mommy, hindi malinis ang bahay namin. Magagalit yun kapag may nakitang kalat, pwede ka ba maglinis don sa sabado?"

Agad na akong tumango, may sweldo to kaya grab ko na. Kahit hindi ko naman alam kung ano ang kinalaman ng katalinohang meron ako, kung maglilinisin lang ako sa bahay nila.

"Ano number mo? Text ko sa'yo ang address," sabi niya kaya binigay ko na ang number ko. 'Wag niya lang itong subukan ipamigay sa iba, kundi malalagot talaga to sa'kin.

---

"Sana naintindihan niyo report ko," bahagya akong yumuko saka bumalik sa upuan, tapos na ang reporting pagkatapos nito uuwi na ako.

"Okay thanks Miss Salazar. For your assignment, do some research about The Biopsychosocial Model. Now, dismiss!"

Mabilis akong naglakad papunta sa locker at naglagay ng ilang gamit bago umuwi. Nagluto muna ako bago umalis ulit ng apartment, ang hilong naramdaman ko kanina parang dumoble.

---

"You're 20 minutes late, I'll didact 20 pesos of your salary today." Sigaw ng manager pagpasok ko palang, kaya napatingin ang mga tao sa'min. Panibagong kahihiyan na naman to.

"Sorry ma'am," paumanhin ko saka nagsimula na sa trabaho.

Pasado alas dose na ng gabi bago natapos ang shift ko sa coffee shop, kaya hirap na akong maghanap ng masasakyan pabalik sa apartment.

Nagsimula nang pumatak ang ulan, wala pa naman akong payong na dala. Naghintay lang ako na may dadaang taxi kaysa lulusong sa ulan.

And thank God meron pa namang dumaan, kaya pinara ko ito at agad na pumasok sa backseat.

"San Antonio street po malapit sa Galendez park."

Tumango ang driver 25 minutes lang naman ang biyahe kaya ipinikit ko na muna ang mata ko, hindi ko na pinansin ang kasama ko sa loob ng taxi. Dahil siguro sa pagod at sakit ng ulo ay agad na akong nakaidlip. Nagising nalang ako ng may tumapik sa balikat ko.

"You're here at your place Miss," mahinahong sabi ng lalaki, kaya napadilat ako at napatitig nalang sa kanya saglit. Saka ako kumuha ng pangbayad sa driver ng taxi.

Tinignan ko ulit ang lalaki bago lumabas at nagpasalamat, siya yung lalaki kanina na blonde ang buhok.

Nginitian niya ako bago nagmaneho ang driver ng taxi paalis. Tanging buntong hininga nalang ang nagawa ko.

Tears of PainWhere stories live. Discover now