03

1 1 0
                                    

Pagtila ng ulan ay sabay na kaming lumabas ni Jansen sa bahay niya, pinasama niya pa ako sa pag cash out niya. Hinatid niya rin ako sa apartment pagkatapos.

Pag akyat ko, nasa labas na ang mga gamit ko. Bubuksan ko sana ang pinto ng kusa na itong bumukas at lumabas si aling Dolores kasama ang hindi pamilyar na babaeng may edad na.

"Oh? Ano pang ginagawa mo dito?"

Masama ang tingin niya sa'kin, napatingin sakin ang babaeng kasama niya tipid lang itong ngiti sa'kin. Kinuha ko ang nga gamit ko saka umalis na, hindi ko man alam saan ako pupulutin ngayon. Bahala na siguro.

Wala na akong ibang pwede na matirhan, dahil lahat ng apartment na andito sa malapit ay nangangailangan ng down payment, may pera nga ako ngayon hindi naman ito sasapat. Problema ko pa ang pagkain.

Sunod sunod naman na kamalasan na araw na'to, una natanggal ako sa tarbaho, tapos ngayon wala na akong matitirahan.

Sa ngayon, isa lang ang makakatulong sa'kin.

Tinawagan ko si Jansen, magpapakapal na ako ng mukha ko may matitirahan lang pansamantala. Sinagot din naman niya ang tawag kaya di na ako nagdalawang isip at sinabi kaagad kung ano ang kailangan ko sa kanya.

"Wag ka mag-alala, babayaran naman kita kapag may nahanap na akong maayos na trabaho eh." Pagkumbinsi ko, hindi ko alam kung palayag siya. Baka nga e tanongin niya pa ang Casper na yun kung papayag bang doon na muna ako sa kanila.

Pumayag naman siya na sa bahay niya ako tumira, ang kaso nga lang. "Sige, pero ikaw magluluto dito ah. Maglalaba ka, maglilinis ng bahay, maghuhugas ng pinggan, basta mga gawain bahay. Tutal babae ka naman kaya mo yon, okay lang na hindi ka na magbayad sa pananatili mo rito sa bahay ko." Mahabang lintinya niya.

Nasampal ko nalang ng kusa ang mukha ko, balak ata ako nitong gawin na maid, maid na walang sweldo. .

"Geez, sige deal." Sabi ko nalang.

Nagpasundo pa ako sa kanya, kaya di ko na kailangan pang magtaxi papunta sa kanila.

---
"Ito kwarto mo, buti nalang at may apat na kwarto dito, kundi sa sala ka matutulog ngayon." Sabi niya pa pagkatapos ilapag ang mga gamit ko.

Nagpasalamat ako sa kanya bg paulit ulit dahil pinayagan akong tumira muna dito sa kanila. "Subrang thank you talaga Jansen, utang na loob ko 'to sa'yo." Sabi ko, saka umupo. "Yung pinsan mo, baka hindi siya payag na dito ako tumira."

Kailangan niyang pumayag, dahil sa ngayon wala akong ibang matatakbohan.

"Okay lang sa kanya yan, saka hindi naman siya may ari ng bahay na'to nakikita lang din yan. Hindi kase sila okay ng parents niya kaya umalis siya sa kanila, may online job naman siya kaya naman kaya niyang buhayin sarili niya." Kwento ni Jansen. "May sariling cr pala rito, kaya di mo na kailangan lumabas para nagbanyo, kaso nga lang walang shower dito, okay lang ba sa'yo na tabo nalang gamitin mo?" Nagkamot pa siya ng ulo. "Isa pa, alam mo naman na siguro kung bakit walang shower di'ba?" Nag-aalangan na tumingin siya sa'kin, simple lang akong ngumiti at bahagyang tumango.

Senior High School palang nakilala ko na itong si Jansen, siya lang din ang naging kaibigan ko sa school na yun. Madami siyang kwento, hindi nga ito nauubusan ng topic.

Isang araw nalang bigla siyang tumahimik, hindi ako kinibo, subrang tamlay ng pagmumukha at nagmimistulang lantang gulay na nakatulala lang. Inabot pa ako ng ilang linggo bago ko siya ulit nakausap ng maayos.

Ayaw niya sa shower, dahil maalala niya lang ang kanyang ana na namatay.

"So, pahinga ka na? Alam mo dapat matulog ka, wag ka mag alala kung wala ka namang tiwala sa'kin at sa pinsan ko, lock mo lang yung pinto." Ngiti nito at tumalikod na, bago isara ang pinto nilingon niya ako ulit. "Ikaw pala magluto ng hapunan, pero kung pagod ka pa, matulog ka nalang muna, maya ka na magluto."

Sumara ang pinto at napangiti nalang ako.

Minsan masasabi ko na may swerte pa rin pala ako sa buhay, siguro dahil isa si Jansen sa nagbibigay sa'kin ng swerte kahit minsan lang. Siguro kung hindi ko siya nakilala, hindi ko siya naging kaibigan nung mga panahon na kailangan ko ng karamay, hindi ko na alam kung saan na ako pupulutin ngayon, o baka nga namatau na ako dahil sa gutom.

Sa ikalawang pagkakataon, nilgtas ni Jansen ang buhay ko. Kahit paunti unti lang, gusto ko siyang mabayaran sa nga nagawa niyang kabutihan sa'kin. Kahit minsan nakakairita siya.

Inayos ko ang mga gamit ko saka lumabas ng kwarto at naghanda ng hapunan. Saka na siguro ako matutulog pagkatapos kong magluto.

---
Paggising ko ay agad akong tumingin sa wall clock na andito sa kwarto, pasado alas syete na ng gabi. Kumulo na rin ang tiyan ko, gutom na ako. May ulam pa kaya?

Bahagya kong binuksan ang pinto, para akong isang magnanakaw na tila ba nagmamasid sa paligid. Bukas pa naman ang mga ilaw, at may nag-uusap sa sala.

"Kamusta si Tita?" Boses ni Casper ang narinig ko.

"She's fine, but she needs some more rest. After that, I'll make him pay, and mom should be at my side when it's time." Sagot ng kausap nito.

Dahan dahan kong sinarado ang pinto, at bumalik nalang sa kama nakakahiya. Kahit gutom na ako, hihintayin ko nalang na makatulog sila.

Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto, namilog pa ang mata ko sa gulat. Walang hiya, makakatok naman to sana sinira nalang ang pinto.

"Labas diyan, Ariesha. Di ka pa ba nagugutom?" Sigaw ni Jansen sa labas.

Bumuntong hininga na muna ako bago sumagot. "Sandali lang," ani ko bago tumayo.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa pinto, at pinihit ito pabukas. Wala na si Jansen, wala na ring nag-uusap sa sala. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag, ngayon ay makakakain na ako.

Dumeretso ako sa kusina, nakangiti pa akong naglakad pero agad ding napawi ang ngiti ko ng makita kong may tatlong tao sa kusina. Para pang nalaglag ang panga ko sa nakita

Anong ginagawa ng mga ito? Bakit nakasuot ng aprons mga to? Tapos na naman akong magluto. Di ba masarap niluto ko?

"G-ginagawa niyo?" Gulat na tanong ko. Halata namang nagluluto sila, pero bakit parang may inis akong nararamdaman? Dahil magluto ulit sila? Hindi ba nila gusto niluto ko?

"Magluluto?" Sagot ni Casper.

"May niluto na ako ah?" Tumaas ang kilay ko. Hindi nga ata nila gusto ang niluto ko, kaya sila na magluluto para sa sarili nila.

"Look, we knew that. Well, you only cooked I guess for yourself only." Sagot ng lalaking, tika ito yung sa park na may kasamang naka wheelchair.

Naningkit ang mata ko, alam kong marami akong naluto kanina. Pumasok si Jansen sa kusina at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tapos tinaasan ng kilay.

"Bat ka ganyan makatingin?" Takang tanong niya. "May naluto na kayo? Gutom na ulit ako eh," nagkamot siya ng ulo. "Muntik ko pang maubos luto ni Ariesha, hehe." Pagkatapos sabihin niya iyon, ay apat na pares ng mata ang nakatingin sa kanya ngayon ng masama.

Kung ganun, siya ang kumain sa niluto ko.

"Magluluto nalang muna kami, and you lady just rest there. You deserved to be treated like a princess." Sabi ng lalaking hindi ko kilala, kumindat pa sa'kin.

Binatukan naman siya na Casper. "Ang landi mo pre, may shota ka na di'ba."

"Wala naman siya rito eh." Sagot pa nito.

Jusko naman, anong oras pa ako makakakain?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears of PainWhere stories live. Discover now