Simula

988 24 14
                                    

Warning! There are scenes here that are not good especially for those people who have experienced it. I'm sorry if this scene might trigger you. So I'm telling you to not to read this part:)

May sasabihin ako.

If you're tired don't hesitate to take a rest. Kailan mo ng beauty rest. Para same us maganda, kapag lalaki ka geh gym kana langHAHAHAHA.



Simula





"Tulong..." Halos walang tunog kong pag hingi ng tulong, nanghihina at walang ibang magawa kundi ang umiyak na parang isang bata.

At pilit na binabangon ang sarili mula sa pagkakagapang mula sa putikan.

Humikbi ako, hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga nangyari sa 'kin.

Wala silang awa! Wala silang mga puso!

"Mga walanghiya kayo..." may poot sa aking tinig na sambit at ang aking kamao ay kuyom na kuyom sa galit.

Ano bang ginawa ko't nangyayari sakin ang lahat ng ito?!

Walang humpay ang aking pag iyak habang akap-akap ang aking sarili. Sarili na nadungisan at nabahiran!

Nakakatakot mabuhay sa mundong ito. Maraming sinungaling, manloloko at hindi mapagkakatiwalaang tao. May mga salita ng nakaamba na ibabato sayo at iyon ang mag aakusa sa iyo.

At hindi ko na alam kung saan pa ako lilingon. Dahil sa tuwing lilingon ako ay tila may masamang mangyayari sakin, na parang nasa paligid ko lang ang panganib.

"She needs a justice, Mom! Miriam was abused by those fvcking bastards! Tapos wala ka man lang gagawin?!" galit na sigaw ni Kuya mula sa loob ng opisina ni Mommy.

Nakarinig pa ako ng kalampag sa loob.

Unti-unting dumaosdos ang isang kamay ko mula sa pagkakahawak sa doorknob dahil sa narinig.

Pakiramdam ko ay lalagutan ako ng hininga dahil sa nalaman. Bakit parang walang pakialam si Mommy sa akin? Kahit manlang sa nangyari sa akin.

"Hindi nga kasi sila ang may kasalanan, Venezio! Kaya tumigil ka riyan! At huwag mo akong sigawan! " giit ni Mommy at galit na rin ang kanyang tinig.

Hindi nag sampa ng kaso si Mommy sa mga taong nansamantala sa akin, dahil hindi naman daw sila ang nansalamanta sa 'kin. Kung gano'n ay sino? At bakit sila nandoon no'ng mga oras na iyon?

NANGHIHINA akong napadaosdos sa nakatiles naming dingding ng cr habang umiiyak at basang basa sa ilalim ng shower.

Marumi na ako! Nabahiran na ako! Kadiri ka, Miriam! Kadiri ka!

Paulit-ulit kong sambit sa isip. At mga salitang mahirap bitawan. Na sa oras na binibitawan ko ay tila naman may dumadakot sa puso ko.

Nanginginig kong kinuskos ang braso ko na kung saan ako hinawakan ng lalaking iyon.

Umaasa na matatanggal ang mga haplos niya ngunit walang nangyari, dahil nando'n pa rin sila. Na tila isang tattoo na hindi na mabubura pa at permanente na itong mananatili roon.

Nandidiri ako, sobrang nandidiri ako sa sarili ko!

Sa tuwing na-aalala ko 'yong mga haplos niya sa balat ko ay kinamumunghian ko ng sobra-sobra ang sarali ko.

At sinisisi ko rin ang sarili ko dahil kung hindi lang sana ako sabik sa atensyon ng lahat ay hindi sana mangyayari sa akin ang lahat ng ito.

Kasalanan ko ba na tumulong lang ako? Tinulungan ko lang naman ang mga mahihirap at inaahon sa mga salitang nangaakusa kay Papa Lo? At sa pamilya namin? Na pilit at paulit-ulit na ibinabato sa amin.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon