Special Chapter

35 1 0
                                    

You and I by One Direction


Special Chapter








Kapag wala ang asawa ko pakiramdam ko inaakusahan ako ng mundo. Pero pumapayapa ang mundo kong mapangakusa sa tuwing kasama ko siya, parang pumapayapa ang lahat-lahat lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti niya at kislap ng pagmamahal at kasiyahan sa magagandang uri niyang mga mata. Parang nasa dulo ng bahag-hari ang asawa ko, dahil sa tuwing sinusundan ko ang misteryo sa dulo ng bahag-hari ay siya ang nakikita ko.



At ngayong nandito na siya papakawalan ko paba siya? Syempre, hindi na. Pinakasalan ko na kaya akin na siya. Wala ng aagaw sa kaniya.



Dahil kapag nawala pa siya ay parang nawalan na rin ako ng kayamanan na pinaghirapan ko.



"Adonis, pag pasensiyahan mo na kung kailangan nating gawin ito," mahinang sabi ni Kuya sa akin habang nakayuko sa akin.




I wipe my tears falling down to my cheeks. Yes, I am crying.



I missed my wife. I missed her...



"Alam kong mahirap para sa'yo ang malayo sa asawa mo... Pero nandito na tayo. Isipin mo na lang na para rin ito sa ikabubuti niya. Kahit ako nasasaktan ako na malayo kay Faith, lalo na't hindi naging maganda ang huli naming tagpo. Walang closure at maayos na usapan..." Dahil sa na laman ni Faith ay iniwan niya si Kuya, at iyon ang mga panahong ginawa ko ang kawalanghiyaan kong iyon kay Miriam.



Naipit ako, pinapili ako, pero si Ate ang pinili ko pero ganoon pa rin. Hinalay pa rin siya, hindi siya nakaligtas maging ako.




Sa tuwing nakikita ko ang maamong mukha ni Senyorita Miriam ay wala akong ibang maramdaman kundi ang konsensiya. Napakasaya ng mundo niya para lang sirain ng isang tulad ko.






"Kuya.... Mahal ko siya... Hindi ko kayang malayo sa kaniya.... Nahihirapan ako... Kada gising ko sa umaga siya ang palaging hinahanap ng mga mata ko... Kada buka ng bibig ko pangalan niya ang nababanggit ko...."


Hindi ko kayang magtiis na malayo kami. Pero galit siya sa akin.




Niyakap ako ni Kuya at nag mukha na naman akong batang umiiyak sa bisig niya.



"'Wag ka ng umiyak. Tahan na... Kakayanin din natin ito para sa kanila..."


Our mother is the run away daughter of the family clan, De la Fuentes.


"Tumakas ako dahil ayaw kong maikasal sa hindi ko mahal. Tapos doon ko naman nakatagpo itong Papa niyo tapos ayon na fall ako."




Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa paliwanag ni Mama o ano. Pero masaya ako dahil ngayon ay tanggap na sila ng pamilya niya. Maging kami.




Our grandfather, is now in front of us. Crying out loud while apologizing. Asking for a second chance.


At sino naman ako para tumanggi at hindi siya patawarin?


Natutunan kong mag patawad dahil kay Miriam, tinuruan niya ang puso kong lumambot sa mga taong may galit ako. Pero hindi ko yata kayang patawarin ang sarili ko sa salang ginawa ko sa kaniya.


Puro lang tingin sa malayuan ang ginagawa ko. Hindi niya alam na pinagmamasdan ko siya, kinakamusta at ipinagdadasal ang kaligtasan niya at halos ipagdasal ko na sa lahat ng mga diyos na sana balang araw ay makasama ko na siya. Na sana mapatawad na niya ako. Alam kong hindi katanggap-tanggap ang ginawa ko pero sana mapatawad pa rin niya ako.


Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon