Kabanata 19

157 7 1
                                    

Kabanata 19





Walang imik kong pinagmamasdan si Adonis habang naglalatag sa damuhan ng blanket na nasa ilalim ng puno at mga bundok na matatanaw mula rito sa taas ng burol.

Bahagya pang gumagalaw ang kaniyang itim na itim na buhok dahil sa hangin na tumatangay sa kaniyang buhok, maugat ang kaniyang kamay at doon ko lang masasabi na batak siya sa trabaho sa bukid.

Napatabingi ang ulo ko. Bakit pa niya kailangang mag trabaho gayong scholar naman siya ni Papa Lo? I mean, marami kasi sa mga scholar ay hindi na nag tra-trabaho. Dahil umaasa sila sa perang ibinibigay sa kanila ng mga sponsor nila. Pero hindi ko naman sinasabi na maging gano'n din si Adonis, dahil alam ko na yata ang dahilan kung bakit siya nag tra-trabaho.

Gusto niyang matulungan ang magulang niya. Matulungan sa pagbili ng mga pangangailanganin nila sa pang araw-araw.

Adonis was kind. Inuuna niya ang sarili niya kaysa sa iba. Napansin ko 'yon una pala, maging sa nararamdaman niya. Ay napakaselfish niya, kahit na nasasaktan na siya ay pilit pa din niyang ipinaglalaban ang nararamdaman niya. Ngunit hindi naman nalalaman, there's no justice for that. Nasaktan kana pero hindi kapa din mahal ng taong mahal mo.

But how about Dante? Tanong ng utak ko na na ikinatigil ko. Oo nga pala, paano nga ba si Dante? Hindi naman ako naniniwala na mahal niya ako o gusto. Dahil saglit lang kami kung magkita ni Dante, malabo 'yon.

Magkaiba si Dante at Adonis, si Dante ay hindi man lang sinuklian ang nararamdaman. Habang si Adonis naman ay nasuklian.

Bumalik ang atensiyon ko kay Adonis na ngayon ay tapos na sa ginagawa at ngayon ay nasa tabi ko na.

Kinakailangan ko pa siyang tingalain dahil sa tangkad nito. Napatingin pa ako sa kaniyang perpektong panga at sa labi nitong nagsusumigaw at tila kumikinang dahil sa makintab na araw at tubig na kaniyang ininom kani-kanina lamang.

Napalunok ako ng laway nang makasalubong ko ang mata nito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa din siya magawang titigan sa mata ng walang pag-aalinlangan.

"Tara na? " tumikhim ito habang nakatingin sakin.

Tumango ako at nginitian siya ng hindi padin tinitignan.

Nagulat ako ng bigla siyang maglahad ng kamay sakin.

"Malakas ang hangin. Mahirap na at baka tangayin ka. " Oh his teasing me again!

Sinamaan ko siya ng tingin ng wala na sakin ang tingin niya. Dahil nasa daan na tinatahak na namin ang atensyon niya.

Masyado pa lang mainit sa lugar na kinaroroonan ko kanina. Doon ko lang napansin nang makasilong na kami sa ilalim ng puno.

Hindi naman ako babad na babad sa araw sa katunayan nga niyan ay nasa ilalim lang ako ng puno ng saging katabi ang bike na ginamit namin paakyat sa burol na ito. Doon ko lang talaga naramdaman ang pagkakaiba nila.

May pag iingat akong umupo sa sapin at nag indian sit at binigyan ng tiyansa ang sarili na tumingin sa mga tanawin.

Umihip ang malakas na hangin na siyang nag tangay sa aking buhok. At ang katahimikan na nanatili pading nakapalibot sa'ming dalawa.

Nakakailang. Nakatingin siya sakin, at hindi ko alam kong paano ako makakagawa ng kilos kung nakatingin naman sakin ang mga mata nitong kayang pahinain ang mga tuhod ko at pabilisin ang tibok ng puso ko.

Napakagat ako ng labi habang tumatakbo padin sa isip ko ang mga 'yon. Hindi ko alam kung sa pagkailang ba 'yon o sa kilig. Pero bakit naman ako kikiligin?

Crazy! Malamang dahil nakatingin siya sayo! Sigaw ng puso ko.

"Huwag mo nga akong titigan! " naiilang kong saway kay Adonis sanhi nang pagtaas ng isang kilay nito.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon