Kabanata 1

670 11 3
                                    

Kabanata 1




"Ate ganda, naniniwala ka po ba sa true love?" nakangiting tanong sa akin ng batang tinuturuan ko.

Napaisip ako, true love? Nag e-exsit pa ba ang tunay na pag ibig sa panahon ngayon? I mean, sino ba naman kasi ang 'di mapapatanong ngayon niyan kung puro nalang issue ang nakikita ng mga tao tungkol sa pagsasama ng dalawang tao? Mapa-artista man iyan o modelo ng bansa o mga mayayaman na talagang sikat sa buong mundo.

At kung totoo man iyon ay napakaswerte ng taong pagpapalain nun.

Tinignan ko ang batang igorot na siyang nag tanong nun sa akin.

Binigyan ko siya ng isang alanganing ngiti dahil hindi ko rin alam ang sagot. May sagot na ako pero hindi ko lang alam kung tama.

"Uhmmm... Sa ngayon... Sa tingin ko ay-"

"Totoo ang true love kung maganda ang takbo ng relasyon ninyo at may tiwala kayo sa isa't isa!" singit ng isang pamilyar na boses ng babae sa aking likuran na bigla na lang sumusulpot.

"At kung may sarili kayong paninindigan. Mayroon kayang matanda na, na hanggang ngayon ay sila pa rin. Kagaya nina Mama La! Totoo ang true love. Mararamdaman mo rin iyan balang araw, " dugtong niya, at 'yong boses niya ay tila nananaginip na naman sa mga bagay na hango lang sa kathang isip.

Dahan dahan ko itong nilingon at doon ay nakita ko si Faith, ang pinsan ko. May dala dala itong isang tray ng sandwich na para sa mga bata at nasa likod naman niya ang isang kasambahay nina Mama La na may dala dala ring tray na naglalaman naman ng mga baso na may lamang juice.

Napailing ako at hindi mapigilang hindi matawa ng mahina dahil sa mga sinabi ng aking pinsan, kung si Faith kasi ang tatanungin tungkol sa pag ibig na iyan ay mayroon kaagad siyang maisasagot. Alam niyo rin naman ang mga kabataan ngayon pag dating sa pag ibig.

Nawawala na sa ulirat kapag pag ibig na ang pinag uusapan. At mas may maalam pa sa pag-ibig, dahil nga sa umiibig.

"Faith..." May pagbabanta sa tinig kong sita kay Faith.

Dahil sa pagkakaalam ko ay maglilinis pa siya ng library ni Papa Lo dahil sa pag labas niya ng walang paalam sa hacienda. At bilang kaparusahan ay maglilinis siya ng library 'gaya ng sinabi ko kanina.

Ngunit kinindatan lamang ako nito na ikinailing ko na lamang.

Faith nga naman. Walang makakatalo sa katigasan ng ulo ni Faith, lalo na kapag gusto niya ang isang bagay. Kukunin niya iyon kahit pa man mahirapan siya.

"Oh mga bata ito na ang pagkain! Magsikain na lang kayo, pero bago iyan ay mag hugas na muna kayo ng mga kamay," deklara niya at pinasunod na ang mga bata sa posohan na 'di kalayuan sa kubong pinagsisilungan namin.

Umangat ang sulok ng labi ko. Hanggang sa hindi ko man lang namalayan na nakangiti na pala ako habang na aaliw na pinagmamasdan ang mga bata na nagkakatuwaan sa poso.

Siguro kung nabubuhay pa siya ngayon ay ganiyan na siya kalaki sa mga batang tinuturuan ko ngayon.

Akala ko no'ng mga oras na iyon ay iyon na ang huli kong pagdurusa, pero hindi pa pala. Dahil nagkakamali ako, dahil may bunga ang gabing iyon, bunga na hindi ko man lang iningatan. Dahil nang lumabas ang baby sa sinapupunan ko ay patay na ito. Dahil sa depression daw sabi ng doktor.

At hindi ko na alam kung paano pa makakabangon mula sa pagkakalugmok. O kung makakabangon pa ba talaga ako sa kabila ng mga nangyari sa 'kin noong mga oras na iyon.

Sobrang hirap. Iyon na yata 'yong problema na dumating sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.

Pero sa kabila ng problema kong iyon ay naranasan ko namang ngumiti kahit papaano. At ang anak ko ang dahilan. Tama nga sila, napapawi ang problema mo kapag iniisip mo na magiging mabuti ang kalagayan ng anak mo. Papayapa ang pakiramdam mo at parang gusto mo na lang siya ialabas sa sinapupunan mo mahawakan lang siya. Mahalikan sa noo at higit sa lahat ay maipadama sa kaniya ang pagiging isang ina.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon