KABANATA 25

1.6K 51 9
                                    

KABANATA 25

---Annica Yuri Lee's Point of View---

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong magtali ng necktie." Hinila ko yung necktie niya para masakal siya. Nakakainis kasi.

"Papatayin mo ba ako?" Lalo ko pang hinila yung necktie.

"Gago ka ba? Edi nawalan ng tatay ang magiging anak natin." Nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan.

"Kapag nagmura ka ulit, hahalikan kita." Inayos ko nalang yung necktie niya para makalayas na siya. Bwiset talaga.

"Kailan mo ba ako bibigyan ng baby?" Binatukan ko siya. Naupo ako sa sofa dahil bigla nalang akong nahilo. Ang init kasi.

"Kapag 20 years old na ako." Naupo siya sa tabi ko. Pinaglalaruan niya ang kamay ko, hinayaan ko lang siya at binuksan nalang yung tv.

"2 years pa? Hindi ba pwedeng ngayon na?" He smirked. Nakiliti ako dahil pinapaulanan na naman niya ng halik yung leeg ko.

"Ang bata ko pa gago ka talaga---" Pakshet. Hinalikan niya ulit ako.

"Magmura ka pa," Tumawa siya ng mahina. Hudas ka talaga.

Mula nung makarecover ako ginawa ko na lahat ng gusto ko. Hindi na ako nagpakabait kasi mas nauuna daw mawala yung mabait diba? Kaya heto nagpapakademonyo muna ako. Haha. Joke lang.

"Lumayas ka na nga!"

Tinulak ko siya palayo sakin. Lagi siyang clingy, wala yatang araw na hindi niya ako nilalambing. Ugh. Yeah, he's twice sweeter than before. Gusto ko naman kaya hindi na ako umaangal kaso nagpapakipot ako minsan. Oh aangal ka? Nature ng babae yun.

"Fine. Tss. I'll see you later." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"You're mom invited me for a dinner, wala ako dito mamaya."

"Good then see you there."

"Pupunta ka? Hindi ka invited." Babatukan niya sana ako kaso natigilan siya. Hindi pa kasi gaanong magaling yung sugat ko sa ulo nung operahan ako.

"Oh ano? Bakit hindi mo ituloy?" Natatawa kong sabi sa kanya. Bigla niya nalang hinila ang magkabilang pisngi ko na parang rubber band.

"Akala mo makakaligtas ka sakin?" Lalo niya pang binanat yung mukha ko.

"Put---" Hindi ko na natuloy ang pagmumura. He claimed my lips again. His soft lips.

"I'm cleaning the sin of your lips. Don't cuss again okay?" His sweet things again. Damn you. Pinapakilig na naman ako ng hudas na'to. Tumango nalang ako at ngumiti.

"I'm going, take care my wife."

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad papunta sa pintuan. Before he closed the door he mouthed "I love you" to me. My sweet and loving husband. Sa bilyon-bilyong lalaki sa mundo, maswerte ako dahil ako ang nakahuli sa puso niya.

"Kamusta ang pagiging Mrs. Lin?" Binaba ko ang hawak na kubyertos at tumingin sa kanya. Ngumiti ako.

"Masakit po sa ulo, sobrang pasaway po kasi ng anak niyo."

Natawa siya sa sinabi ko. Kasama rin namin sa hapag kainan yung kapatid ni Kiefer na si Keana pati si ate Lucy. Girl's night daw ito kaya pinag day-off niya lahat ng maids. Hindi niya rin pinayagan si Kiefer na pumunta dito. Buti nga sa kanya.

"Pasensya ka na doon ha? Don't worry hija masasanay ka rin." Ngumiti nalang ako bilang tugon at nagpatuloy na sa pagkain. Nilingon ko si ate Lucy sa gilid ko na kanina pa tahimik.

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon