KABANATA 29

1.4K 42 4
                                    

KABANATA 29

---Annica Yuri Lee's Point of View---

Nagising ako dahil may narinig akong bumagsak mula sa kusina. Nakatulog pala ako sa sofa dahil sa sobrang pagod ko sa trabaho. Napansin ko rin ang jacket na nakapatong sa akin. Inamoy ko iyon at nanlaki ang mata ko. Napangiti ako na parang tanga. Nagmadali akong magpunta sa kusina

"Good morning," Naglaho nalang bigla yung ngiti ko. Minsan talaga, masamang umasa.

"Ikaw lang pala, Angelo." Kumuha ako ng tubig sa ref.

"Hindi ba ako ang inaasahan mong makikita dito?" Naupo ako sa lamesa at pinagmasdan siya habang nagluluto.

"Pareho kayo ng perfume, akala ko tuloy siya na." Nakatingin ako sa apron niya. Napangiti ako kasi hindi siya nag inarteng suotin yun kahit may mukha ni Sehun yun sa gitna.

"Umaasa ka pa rin ba?" Nabigla ako at napatingin sa kanya.

"Pagod ka na bang alagaan ako?" Pinatay niya yung kalan at humarap sa akin.

Mukha siyang bagong gising pero inagahan niya ang pagpunta dito dahil alam niyang day-off ngayon ni Manang. Lagi niya 'tong ginagawa, hindi ko alam kung bakit hindi siya nagsasawa.

"Kung pagod na ako bakit nandito pa rin ako sa tabi mo?" Lumapit siya sa akin at hinawi ang buhok ko. Inipit niya ang bangs ko sa likod ng tenga.

"Ako ang boyfriend mo diba?" Tumango ako. Oo, ikaw lang.

"Ako naman ang girlfriend mo." Tumango siya at ngumiti.

"Gusto mo na kumain?" Tumango lang ako at naghain na siya ng pagkain para sa aming dalawa.

Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa paghahain ng pagkain para sa akin. Kung sino man ang magiging asawa niya sa future, napakaswerte niya. Isa lang sa tatlong libong lalaki ang ganito ka hands on sa babae.

"Nagbake din ako ng cupcakes." Nilapag niya sa harapan ko yung chocolate cupcakes. Naupo siya sa tabi ko. Tinitigan ko ang ginawa niyang cupcakes.

"Para akong cupcake."

"Huh?" Kumunot ang noo niya.

"Madilim ang buhay ko, sobrang dilim, walang kahit anong kulay."

Kinuha ko yung hawak niyang icing bag. Nilagyan ko ng icing sa ibabaw yung cupcake.

"Ikaw naman yung icing," Kinuha ko yung isang cupcake at sinubo sa kanya. Kumagat siya nang maliit.

"Binigyan mo kasi ng kulay yung buhay kong sobrang dilim." Pinunasan ko yung icing sa gilid ng labi niya. Nakatingin siya sa mga mata ko. Ngumiti lang ako.

"Kinilig ka naman huh?" Sinubo ko ng buo yung cupcake sa bibig niya. Halos mabulunan na siya sa ginawa ko.

"Sobrang sweet mo talaga," Natawa ako dahil kahit puno yung bibig niya nagawa niya pang magsalita.

"Pero seryoso, salamat dito Angelo." Nagpalitan lang kami ng mga ngiti.

Araw-araw tinatanong ko ang sarili ko. Bakit ko pinipigilan ang nararamdaman ko para sa lalaking ito?

"Gusto mong kantahan kita?" Nandito kami ngayon sa studio niya. Hindi ko alam na yung lalaking tulad niya mahihilig sa music.

"Pwede bang ako ang kumanta para sayo?" Kinuha ko sa kanya yung gitara. Naupo ako sa upuan at inayos ang mikropono sa tapat ng bibig ko.

---Angelo De Vera's Point of View---

♪Isang araw na di handa naglaro ang tadhana
Nang ika'y makita mata natin ay nagtugma
Puso kong may kulang napuno nalang bigla
Bakita kaya? Pag-ibig na kaya?♪

Totally A JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon