What's your height?

157 15 4
                                    



164 cm? Parang 165 cm yata yun eh.

165 cm is 5’5.

Napakamot ulit ako ng ulo. Tama kaya tong nandito sa site na tinitignan ko? Napatingin ako sa oras ng cellphone ko. May fifteen minutes pa naman ako bago magsimula ang afternoon shift ko. Talagang bumaba pa ako rito sa locker para lang mag-search ng tungkol sa height. Ano ba tong pinag-gagagawa ko?

Si Karina kasi bigla akong tinanong noong isang araw. Kung ano ba raw ang height ko?

Nakapila kaming lahat sa counter 2. Bale nasa unahan ko si Wooyeon tapos sa likod ko ay si Karina. Yung mga kaibigan kasi ni Karina nasa counter 1 pumila. Si Yuna nga eh sumama rin sa kanila, mas masarap daw kasi ang ulam doon. Ayon nga bigla nalang nya akong kinulbit sabay tanong ‘What’s your height Winter?’ Umaakto pa syang sinusukat ang height ko. Hindi naman ako nakasagot agad kasi napaisip din ako bigla. Hindi ko naman kasi laging mino-monitor ang height ko. Napa sabi nalang ako ng I don’t know sa kanya.

Nakapagatataka lang na out of nowhere ay tinanong nya sa’kin yan habang pumipila kami for lunch. Oo, sabay na kaming mag-lunch. Ako, sya at mga kaibigan namin. After ng nangyari sa clinic nagulat nalang kami kinabukasan ng magawi sa area namin ang grupo ni Karina. Hinintay lang naman nila kami para sabay-sabay daw kaming mag-lunch. Ewan ko ba ba’t bigla nalang naging ganyan. Parang naging routine na tuloy namin ang mag-antayan.

Pero yun nga, yung tungkol sa height. Napapa-search ako dahil hindi ko man lang nasagot si Karina tungkol diyan. Ano ba kasi ang tungkol sa height ko? Tinanong ko sila Yuna yung natanong ba rin sila ni Karina ng ganyan, hindi naman daw. Weird.

Gulat na napalingon ako sa likod ko ng may bigla nalang kumulbit sa balikat ko.

“It’s almost time, what are you still doing here?” nakangiting tanong nya. Sino pa ba? Eh di si Karina na naman.

Sya kaya, ano kayang ginagawa nya rito?

Mabilis kong clinose ang site sa phone ko at inoff ito.

“May chineck lang.” sagot ko. Binuksan ko na ulit ang locker ko at inilagay ang phone ko rito.

“Hmm…”

Nginitian ko sya. “Akyat na ako.” sabi ko.

“Sabay na tayo.”

Magkasabay na nga kaming umakyat ng hagdan. May ilang nakakasabay kami na todo ngiti at bati sa kanya. Napapaisip tuloy ako minsan. Ano kayang pakiramdam na maging si Karina? Parang ang bait ni Lord sa kanya. Samantalang ako, di ko na matukoy kung binibigyan ba ako ni Lord ng mga pagsubok para i-test o pinagti-tripan nya nalang ako.

“Aray.” mahinang daing ko. Sumagi lang naman yung balikat ko sa malaking stone vase sa may gilid ng pinto.

“I’m really amaze sa amount ng unexpected things na nangyayari sayo everyday.” amused na sabi nya. Napatingin lang naman ako sa kanya habang hinihimas yung balikat ko. Ilang beses narin naman kasi syang naging saksi sa mga kamalasang nangyayari sa’kin araw-araw.

Katulad kahapon. Naabutan nya lang naman ako sa may gate na mangiyak-ngiyak dahil sa paa kong nadaanan ng gulong ng tricycle sa di ko malamang dahilan. Hindi naman kasalanan ni Manong. Sadyang nanduon lang talaga ako sa spot na yun at ako ang malas na kailangan makaranas ng ganun. Pag mga ganitong bagay talaga ang nangyayari di ko sya madaan sa sanay na ako di ko kailangan magdrama. Ang sakit nya sobra. Kinahapunan naman bandang breaktime kukuha lang dapat kami ng tubig sa pantry (sinamahan nya ako) kaso napagtripan yata ako ng water dispenser bigla ba naman nasira yung patungan. Mabuti nalang at kaonti nalang yung laman ng gallon. Pero ayun nabasa yung flats ko dahil nabitawan ko yung tumbler ko sa gulat.

MagnetWhere stories live. Discover now