Chapter 19

9 2 0
                                    

Everyday has become a routine. From a not-so-decent slumber, I wake up to a new yet hopeless day. Ilang araw na akong nakakulong dito sa kwarto ko, araw araw umiiyak, araw araw nagsisisi.

"Hindi ka pwedeng magmukmok nalang dyan sa kwarto mo, ano? pababayaan mo nalang ang pag-aaral mo?" wika ni papa

"Kaye, kailangan mong maging malakas. kailangan mong lumaban hindi lang para sa sarili mo kundi lalo na sa baby mo." sabat ni mama

"get up Kaye Marie. Dalawang buwan nalang magtatapos kana sa kolehiyo, hindi ka pwedeng ganyan, bumangon ka!" sambit ni papa

Gusto ko na sanang huminto sa pag-aaral pero ayaw nilang pumayag. Tama naman si papa, dalawang buwan nalang gagraduate na ako, pero kung ako lang masusunod, ayoko na sanang magpakita sa maraming tao.

Hindi ko alam kung kalat na ba sa lugar namin ang nangyari sakin. Pero knowing our kapitbahay's, malamang.


———


Pinili kong pumasok ngayon not because I want but just because I should. Nagsuot ako ng jacket kahit mainit. Medyu halata na kasi ang tyan ko. Hindi parin ako sanay.

Mag a-apat na buwan na ang tyan ko, pero parang hindi parin nag si-sink in sa utak ko ang mga nangyari.


———


Pagdating ko, pinagtitinginan agad ako ng mga estudyante. Siguro pinagtatawanan na nila ako. Yung kilalang matalino at outstanding na estudyante, nabuntis at iniwan. Nakakatawa nga naman.

How shit of a person I am. How miserable I've become.

"girl, kamusta kana?" tanong sakin ni Sam.

"I'm okay." saad ko then I formed a not so genuine smile.

"nandito lang kami ha, hindi ka namin iiwan." sabat ni Lorelyn.

I lied to my friends when I said I was doing just fine. Yung totoo, hindi ko parin lubos maisip kung bakit nangyayari sakin to. Sinasabi ko sa kanilang okay ako, maayos ako, pero yung totoo, pagod na pagod na ako, pagod na pagod na ang utak kong iproseso lahat ng mga bagay. I wish there was a better way for me to describe what I feel right now.


"Hi Kaye." sambit nya ng makalabas ako ng campus. hindi ko inaasahang makita si Bryan dito.

"B-bryan, bakit ka nandito?" takang tanong ko

"napadaan lang, tapos na ba ang klasi mo?"

"o-oo."

"hatid na kita sa inyo." saad nya

"wow kakahiwalay lang sa boyfriend nya, may bago na agad, bilis ah." rinig kong sabi nung isang babaeng estudyante. Tiningnan ko sila, agad namang umiwas at naglakad palayo.

"let's go?" sabi ni Bryan

"hindi na Bryan, salamat nalang." wika ko saka naglakad

"wait, sige na. hayaan mo na akong ihatid ka." pamimilit nya

"hindi na kailangan, kaya ko ang sarili ko." sagot ko

"hindi halatang mahilig sa mga seaman ha." sabi nung isang estudyante pagkatapos nagtawanan sila ng mga kasama nya. Nagulat ako ng lapitan sila ni Bryan

"excuse me? gano kalungkot ang mga buhay ninyu?" sabi ni Bryan

"ha? bakit?" sabat nung isang estudyanteng putok putok ang blush on

"pinapakialaman nyo kasi ang buhay ng iba eh, wala na ba kayong ibang magawa bukod sa manghusga ng kapwa? naaawa ako sa inyu, ang babata nyu pa pero may sira na mga utak ninyu. I hope you feel better soon." Bryan said sarcastically then he smirked. Hindi na nakapagsalita yung mga estudyante at nag walk out nalang

THE LAST REGRETWhere stories live. Discover now