CHAPTER 20

5.9K 61 2
                                    

CHLOE'S POV.

Tahimik lang akong naka tingin sa babaeng nasa harap ko na nag babalat ng mansanas, hindi ko sya kilala dumating nalang sya bigla kasama si elisa, matangkad ito at maputi, sexy rin ito at may mapulang labi isama mo pa ang makapal nitong kilat at mahabang pilikmata, matangos na ilong at napaka gandang kutia ng balat, kulot na buhok na medjo may kahabaan, base sa itsura nito mahahalata mo agad na hindi ito purong pilipina dahil nag susumigaw sa mukha nito ang lahi ng espanyola.

"kanina kapa nakatitig sa mukha ko may dumi ba?" biglaan sambit nito kaya't natigil ako sa pag iisip, kasalukuyan itin naka tingin saakin at inabot ang mansanas na kanyang binalatan kani-kaninalang.

"Ahh wala, ano nga palang pangalan mo? At bakit kasama mo si elisa?" takang tanong ko rito bago kuhaan ang mansanas.

Tumingin ito sakin at ngumiti, grabe napaka ganda ng ngiti nito, hindi ko alam pero feel ko ang safe ko sa kanya, sa loob ko may nararamdaman akong pag kapanatag sa loob ko.

" well uhm since you ask that i would like to introduce myself... Im akira, i met elisa to Nichola's house and she ask for help" sabi nito at hinawakan ang kamay ko, ng hawakan nya ito bigla naman akong nakaramdam ng hindj mapaliwanag, parang gusto ko syang yakapin parang gusto kong umiyak sa mga bisig nya.

"ask for help? Elisa anong sinasabi nya?" takang tanong ko kay elisa, nakita ko naman na yumuko ito at pinaglalaruan ang kanyang kamay.

"Ate Chloe sorry po, humingi ako ng tulong sa kanya, hindi ko na kase kayang mag pikit mata habang sinasaktan kayo ni sir Nicholas" naiiyak na paliwan ni elisa sakin.

"lumapit ka dito elisa" mahinahong utos ko sa kanya, agad naman nya itong ginawa, ng makalapit ito sakin ay hinawakan ko ang kamay nito at nginitian ito.

"Alam mo elisa hindi mo kaylangan matakot" naka ngiti kong sabi dito, Inabot ko ang kanyang mukha at pinunasan ang mumunting butil ng iyak sa mga mata nito "Nag papasalamat akong nakilala kita, sa mga araw na nandoon ako at nakakulong sa basement ikaw ang parating nanjaan para dumalaw para hindi ko maramdaman na nag iisa ako, at elisa hindi mo ko kaylangan tulungan, hindi ko na  kilala si Nicholas baka pati ikaw idamay nya, ibang iba sya sa...Nicholas na nakilala ko" sambit ko rito, ngunit sa bandang dulo nito ay may halong sakit, pait ng nakaraan na bumalik sa utak ko.

"wag kang mag alala Chloe ako ang mag tatago sayo, i swear i will protect you" sambit ni akira.

"pero bakit mo naman yon gagawin? Hindi mo naman ako kaano-ano" tanong ko sa kanya, ngumiti ito  pero may halong pait, pangungulila at sakit ang mga ngiti na iyon.

"naalala ko sayo ang kapatid ko, kapangalan mo kase sya at kahawig pa" sabi nito at hinawakan ang kamay ko "Hindi ko naprotektahan ang bunso kong kapatid kaya ng malaman ko ang tungkol sayo ang sabi ko sa sarili ko ay sayo ko gagawin ang hindi ko nagawa sa bunso kong kapatid, proprotektahan kita" sabi nito, may tumakas na luha sa kanyang mata na agad naman nyang pinunasan.

Ngumiti ako dito bago nag pasalamat, ilang oras lang rin na pakikipag kwentuhan nag paalam ito dahil may aasikasohin pa daw sya.

"ang bait nya ano ate chloe?" ngiting sambit ni elisa habang kumakain ng ubas, oo kumakain ng ubas, ako tong may sakit eh sya pa itong kumakain  hayst nako kabataan nga naman.

"Alam mo ate chloe parang mag kahawig kayo ni ate akira" sabi nya na may kunot sa noo.

"alam mo nalipasan kana yata ng gutom kumain kana" natatawang sabi ko dito, pano ko naman magiging kahawig ang isang magandang dyosa na yon? Kong lalake lang ako baka niligawan ko pa yon.

Ilang minutong pag uusap namin ni elisa dumating naman si manang na may dalang lunch box, ito ang pinaka aantay ko kanina pa, sa totoo lang mas masarap ang lutong bahay kesa sa pag kain ng hospital dahil walang lasa ang pag kain dito di tulad ng lutong bahay lalo na pag si manang ang nag luto.


---------------------
Nag iisip pa ko kong anong gagawin ko sa ending HAHAHAH so ayon po sorry ahh now lang me nakapag update wala akong load kaya di ako maka update🥺

OWNED BY MY ADOPTED BROTHER Where stories live. Discover now