Last Chance

49 6 1
                                    


Hi guys! Ito uli ako, tuloy lang sa pagsusulat, nakilala ninyo na si Jason Ortega, alamin natin ang kanyang buhay.

Song is Tumatakbo by Mojofly

===========================================================================

CHAPTER 2

-=Jason Point of View=-

"Jason! Gumising ka na diyan, at may pasok ka pa!"

Iyon ang narinig kong sigaw ng Mommy ko sa baba, at nang tumingin ako sa orasan na nakasabit ay nalaman kong alas-kuwatro na pala ng hapon.

Seven pa naman ang pasok ko, pero dahil sa bandang Taguig pa ang trabaho ko ay kailangan kong maghanda sa pagpasok at mag-alot ng at least two hours para sa biyahe.

Tinatamad akong bumangon sa kama ko, sa totoo lang ay tinatamad na din akong pumasok, maliban sa malayo ay parang hindi ko na feel ang call center na pinapasukan ko ngayon.

Thirteen call centers na nga ang napasukan kong trabaho, biro nga sa akin ng mga kakilala ko kung balak ko ba daw libutin ang lahat ng call centers sa Pilipinas na tinatawanan ko na lang.

Isang malalim na paghinga ang kumawala sa bibig ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin na sinundan naman ng isang mapait na ngiti.

Masasabi kong malaki na talaga ang pinagbago ng itsura ko, magmula kasi nang hindi ko na inisip na makipagrelasyon ay pinabayaan ko na lang ang sarili ko, kaya naman makikita sa repleksyon sa salamin ang isang mataba, at malaki ang eyebags na lalaki.

In short, pangit.

Noon naman ay masasabi kong may itsura ako, at madami din naman ang nagkakagusto sa akin, pero pakiramdam ko nang tumuntong ako sa edad na trenta ay tuluyan ko ng pinabayaan ang sarili ko, hindi ko na sinubukan na mag-diet kahit ilang beses ko na ding sinasabi sa iba na magsisimula na akong mag-diet.

Hindi na din ako nagtangka pang gumamit ng kung ano-anong mga skin care, dahi para saan pa nga ba, ganoong ang gusto ko lang ay mamatay sa edad na kuwarenta, hindi na ako umaasa o nag-iisip pa may makakilalang taong mamahalin ko, at mamahalin ako.

I mean, sino ba ang magkakagusto sa isang katulad ko?

Ngayon nga ay thirty-six years old na ako, walang naipundar maliban sa lupang binayaran ko noon, wait meron pala, nagkapatong-patong din pala ang utang ko.

Again, sinong tao ang magmamahal sa tulad ko na pangit na nga, puro utang, at walang naipundar sa buhay.

No wonder, madalas akong tinutukso ng mga katrabaho ko na wala ng alam gawin kung hindi ang asarin ako, at para ipakitang hindi ako nasasaktan ay tinatawanan ko na lang ang pang-aasar nilang iyon, kahit na nga ba ang totoo ay nasasaktan ako.

Nasasaktan akong sabihin sa kanila ang totoo, baka kasi sabihin lang nila na masyado akong sensitive na biruan lang naman ang panunukso nila sa akin, na pikon masyado ako.

Kaya siguro mas pinili ko na lang ang ganito ay dahil na din sa pride ko, ayokong isipin nila na mahina ako, kaya naman pilit kong nilulunok ang bawat panunukso, at pang-iinsulto nila sa akin.

Pakiramdam ko kasi ay pride na lang ang meron ako, kung meron nga ba talaga ako noon.

Madalas, kahit ilang beses kong paalalahanan ang sarili ko na huwag ikumpara ang sarili ko sa iba ay hindi ko pa din mapigilan.

Nakakalungkot kaya na makitang successful ang mga kasabayan or mga classmates mo noon sa trabaho man o sa pamilya, samantalang ikaw ay wala ni isa man na masasabi mong nakaka-proud.

Hindi ko na naman maiwasang maikumpara ko ang sarili ko sa dati kong classmate noong elementary, pareho kaming gay, pero kumpara sa akin ay sobrang layo ng buhay niya sa buhay ko.

Siya kasi nakapagtapos ng kolehiyo, naging kapitan ng barko, kaya nga ang ganda ng buhay niya, at halatang naalagaan niya ang kanyang sarili, dahil kung pagtatabihin kami ay madami ang hindi maniniwala na magkasing-edad lang kami.


Hindi ko na napansin kung gaano ako katagal na nakatitig sa repleksyon ko sa salamin, nagising na lang ako nang muli kong marinig ang pagsigaw ni Mommy sa baba, kaya naman nagmamadali na ako sa pagkuha sa mga gagamitin ko sa pagpasok ko sa trabaho.

"Ano bang ginagawa mo sa taas? Kanina pa kita tinatawag," ang bungad sa akin ni Mommy nang makita ako nito.

"Wala naman po," ang tanging sagot ko.

"Kumain ka na muna, bago ka pumasok sa trabaho, at saka pala, hinahanap ka ng Daddy mo," ang sinabi nito.

Natigilan naman ako nang marinig ang bagay na iyon, alam ko kasi ang ibig nitong sabihin, kaya ako hinahanap ni Daddy ay dahil siguro sa due date ng credit card nito, at bayaran na naman ng ni-loan kong pera.

Lahat halos ng kakilala ko ay nakaka-relate sa ganito, kung kailan nagkaroon ka ng trabaho ay saka ka nalulubog sa utang, kumpara noong bata ka pa lang na ang problema mo ay kung paano ka makakatakas sa pagpapatulog sa iyo ng nanay mo tuwing hapon para sana maglaro.

Ilang beses ko na bang inisip na sana, nare-rewind ang buhay para naman matama ko ang madaming pagkakamali sa buhay ko.

May ibang tao kapag tinanong kung may gusto silang baguhin sa buhay nila, ang sasabihin ay wala, dahil natuto sila sa kung anong pinagdaanan nila, pero hindi ako.

Kung maire-rewind ko ang buhay ko ay madami akong gustong baguhin, siguro ang tanging mga tao na nakakapagsabi ng ganoong bagay ay ang mga taong maayos ang mga buhay, hindi katulad ko.

"Kausapin ko na lang po si Daddy mamaya," ang tanging sagot ko, ngunit hindi pa pala ito tapos sa pagsasalita.

"Saka nga pala, hinahanap ka din ni Efrain."

Si Efrain ay ang pinsan ko, isa din siya sa mga successful na kakilala ko, maliban sa trabaho niya ay kasali din siya sa mga nagbebenta ng insurance at sa pagkakaalam ko ay isa siya sa mga top sa insurance company na pinapasukan niya.

"Mag-aalok lang po iyon ng insurance," walang kabuhay-buhay kong sagot.

"Ah, ganoon ba? Huwag ka ng kumuha," ang tanging sinabi ni Mommy bago ito magpasyang iwanan ako.

Ilang minuto din siguro ang lumipas nang umalis si Mommy nang muli kong maisip ang insurance na inaalok ni Efrain, at para bang may biglang nag-click sa utak ko.

Kung dati-rati ay iniiwasan ko si Efrain ay iba ngayon, at ako pa talaga ang nagpunta sa kanila, sa kabilang bahay lang kasi sila.

May oras pa naman bago ang pasok ko sa trabaho, kaya naman naisipan kong kausapin ito, sakto naman na may sahod ako kaya iyon na mismo ang ginamit ko para makapagsimula sa insurance na binabalak ko.

Isa sa mga kinatatakutan ko kapag tumanda ako maliban sa mag-isa ay ang maging pabigat sa pamilya ko, kung sakaling may insurance ako ay baka naman may magbago sa buhay ko, kaya malaki man ang kailangan kong ilabas na pera ay pikitmata ko iyong inabot kay Efrain, at matapos ang halos thirty minutes ay nakapag-sign na ako.

"Ayos yan, kuya, at least secured ka kung sakaling may mangyari sa iyo," ubod-lapad na ngiti ni Efrain.

"Oo nga eh," ang tanging nasabi ko, at matapos nga noon ay naghanda na ako para sa pagpasok ko.

For once, kahit paano ay parang may nakita akong pag-asa sa buhay ko, at baka naman mapagbago nito ang isip ko na sana ay mawala na sa edad na forty.

In Another Life (BoyxBoy)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu