CHAPTER 29: Supportive Family

25 2 2
                                    

-=Benjamin's Point of View=-


Hindi ko talaga mapigilan na tignan ng masama si Tito Alvin, buong akala ko kasi ay ililihim nito kay Lolo ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Katrina, at ganoon din ang binabalak naming panghaharana dito, at dahil sa sinabi nito ay kinausap ako ni Lolo tungkol sa balak ko.

Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak na mangharana, at lalong-lalo na ang umakyat ng ligaw, I mean, pinipigilan ko nga ang sarili ko na mas tumindi pa ang pagkakagusto ko kay Katrina, pero si Tito Alvin pa ang tumutulak sa akin na gawin ang bagay na iyon.

Ano bang alam ko sa pangliligaw? Sa panahon ko nga ay parang hindi na uso ang ligawan, at kung gusto ninyo ang isa't-isa ay hindi na kailangang dumaan pa sa ganoong proseso, at lalong-lalo na wala na atang nanghaharana sa panahon ko, kahit ata sa madaming probinsya ay hindi na din uso ang panghaharana.

Digital na kasi ang lahat, at masyado ng mabilis ang panahon, kung gusto ninyo ang isa't-isa ay bakit kailangan pa ninyong patagalin, pero siyempre sinarili ko lang ang bagay na iyon.

Dahil unang-una ay hindi naman alam ng pamilya ko sa panahon na ito na hindi naman talaga ako dito, at pangalawa ay nasa ibang panahon ako na uso pa din ang sinasabi kong wala na sa panahon ko.

Muli akong napatingin kay Tita Amelia, hindi ko lang inaasahan ang sudden outburst ni Tita Amelia patungkol kay Carlota, naramdaman ko naman na may gusto ito sa akin, pero hindi ko lang expected na magiging ganoon ang reaksyon ni Tita, at nang tanungin nga ako ni Lolo kung sino ba ang gusto ko ay walang patumanggang sinabi kong si Katrina ang nagugustuhan ko, dahil iyon naman talaga ang totoo.

Kung maari nga lang na wala akong magustuhan sa panahon na ito ay mas pipiliin ko pa iyon, pero masyado lang kasi talaga akong nagkagusto kay Katrina, at kahit anong pilit ko sa sarili na huwag magkagusto dito ay hindi ako nagtagumpay.

Sabi nga ni Lolo, hindi mo mapipigilan ang puso mo kung sino ba ang magugustuhan nito, at tama ito.

Sandali akong napatingin kay Tito Alvin nang marinig ang sinabing iyon ni Lolo, at kahit hindi ito magsalita ay para bang nahuhulaan ko ang tumatakbo sa isip nito.

Iniisip siguro ni Tito na kung sa oras na magtapat ito patungkol sa lihim nilang relasyon ni Eric ay matatanggap ba iyon ni Lolo, at ganoon din ang iba pa naming miyembro ng pamilya?

Sa pagkakataon namang iyon ay bigla akong napatingin kay Tita Amelia, malakas kasi talaga ang kutob ko na may lihim itong pagtingin kay Eric, at siguradong masasaktan ito sa oras na malaman ang totoong relasyon ni Tito Alvin, at Eric.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na walang nakakahalata sa relasyon ng dalawa, considering kung gaano na din katagal nakatira sa bahay si Eric, pero baka naman kasi talagang maingat sila, at kaya madali kong napansin ang relasyon nila ay dahil aware ako sa kung ano ba talaga ang totoo.

Nagpatuloy ang pagkain namin ng hapunan, at kasabay ng pagkain namin ay nagpatuloy si Lolo sa pagpapaalala sa akin na huwag na huwag manloloko ng babae na ang babae ay hindi dapat sinasaktan, at dapat na ginagalang.

Hindi ko naman maiwasang maalala ang mga pangaral sa akin ni Tito Alvin noon, ganitong-ganito din kasi ang madalas niyang sinasabi sa akin sa tuwing may nagugustuhan ako sa school noong elementary pa lang ako.

"Ikaw ba, Alvin, wala ka pa bang babaeng nagugustuhan, at gustong ligawan?" Hindi lang ako ang nagulat nang biglang ibaling ni Lolo ang atensyon mula sa akin patungo kay Tito Alvin, at dahil sa pagkabiglang iyon ay hindi agad nakasagot si Tito Alvin.

"Mukha po atang masyadong nakatuon ang atensyon ni Tito Alvin sa school, graduating na din po siya kaya siguro wala pa siyang oras sa ganoon," pagsasalo ko dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Another Life (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon