Chapter 8

0 0 0
                                    


" I said I don't wanna go. May work ako. " I firmly said to Nicer.

He stared at me for a seconds. " No. You'll come with us. " he firmly said too na lalong ikinasama ng timpla ng mood ko. Kanina pa kami nagtatalo dito sa living room nila after our breakfast with his family. Gusto ako nitong isama sa event na magaganap mamayang evening sa New York. Mamayang 10am ay aalis ang plane na sasakyan daw namin.

Inis ko siyang tinignan dahil ayaw kong sumama. May work ako mamaya at ayaw kong umabsent para lang umattend ng event na iyon. Wala sa schedule ko iyon at kasalanan niya iyon dahil hindi niya sinabi nang mas maaga upang makapag schedule ako for that event. I already write my schedule for this day at lahat ng iyon ay ang mga one time job na event. May birthday celebration, pictorial ng mga models for this month magazine at iba pa na galing sa previous kong one time job ko. They're all happy of my work so they contacted me to do the job again.

Mahirap man dahil iba iba ng location pero ayos lang dahil sinabi ko na sa kanila ang problem ko. At ngayon ay bigla bigla nalang sasabihin ni Nicer na aalis kami kaya maghanda na ako ng mga gamit na dadalhin ko pagbalik namin sa bahay namin.

" Come with us your face. Hindi lang ikaw ang may trabaho. " galit ko na sabi. Galit ko pang nasuklay ang buhok ko at pumameywang bago siya titigan ng masama. He do the same too.

" I'll contact them. So let's go home because its already fucking 10 minutes before 9. " may bahid ng inis niyang sabi bago ako hawakan sa kamay ko upang hilahin sana nang marahas kong binawi ito. He looked at me disbelieved.

" Don't order me, Nicer. " galit kong turan na ikinataas ng isang kilay niya. " I will decide what ever I want and that is I don't want to go to New York. I'll finish my work and don't ever interfere to it... I'm warning you. " galit na talaga ako.

I know na kung tatawagan niya ang mga iyon ay sasang-ayon sila na hindi ako makarating. Hindi naman kawalan ang presensya ko dahil waiter lang naman ako pero the friendship I'm trying to build will be crashed.

" Tsk. Its just a simple work...like duh!.. Your just a waiter.... "


" Stop it, Nicialla " malambot na suway ng Dad niya ng bigla nalang itong magsalita na lalong ikinataas ng galit ko.

I chuckled mockingly. " Simple work? Are you sure, Miss. Nicialla? " I ask grinning.

She rolled her eyes na ginaya ko rin naman. " Of course. Waiter ay isang mababang...


" Without waiter ay walang maghahatid ng pagkain na isasaksak mo sa bunganga mo, Miss. Nicialla " marahas kong sabi nang hindi ko hinayaang matapos magsalita. Bigla naman itong napasinghap sa sinabi ko gayundin ang ilan sa kanila na nakarinig.

" Without maid ay walang maglilinis ng mga kalat mo lalo na kung wala kang alam. " I said again.

" YOU! " galit nitong duro sa'kin at tatangkain pa akong lapitan ng kusa na akong lumapit sa kanya ngunit hindi ko nagawa at gayon din siya.


" What do you two think of my house? A ring for fighters? " maautoridad na malakas na tanong ng Dad ni Nicer dahilan ng pagtigil namin ni Nicialla.

Kung alam niyo lang. Kahapon pa at kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng ito. Habang kumakain ng agahan kanina'y dada siya ng dada. Kung hindi lang siya sinasagot ni Nicer at sinabing tumigil ay kanina ko na ito sinunggaban. At ngayon na naman. Bakit sa lahat ng lugar pa e dito kami nag-sagutan ni Nicer. Wala na kaming kahihiyan o sabihin natin na ako dahil nasa puder ako ng pamilya niya.

" Tsk. Ang arti pa kasi. " bulong pa nito na rinig naman. Umirap ako bago pinag ekis ang mga braso. " Akala mo naman kung sino kinakausap. " bulong ko rin pero iyong maririnig din niya.

Follow the RhythmWhere stories live. Discover now