CONFESSION BOOTH

62 11 0
                                    

Parang Mga walang utak na naglalakad ang tatlo habang naghahanap ng mapaglilibangan.

Ngayon kasi ang school festival ng mga IFH students.

Pero bigla nalang parang nakajackpot ang mga ito ng makita si aquila!

"uy uy aquila!" Sabay sabay na sabi ng tatlo.

"O bakit?"

"May kasama ka ba?" Tanong ni harry

"Oo nga meron ba?"tanong naman ni mannix

"oo eh hinihintay ko pa si arcie kasi" sagot naman ng dalagita

"uhm... Pwede bang samahan mo ako?" Sabay na sabi nina sor at harry.

"Ako nauna!" Sabay ulit sila

"hahahahaha iisa lang si aquila chill kayo" sagot ni mannix

Palibhasa kasi wala siyang crush kay aqualita este aquila pero sa bsf ni aquila meron !

At saktong dumating naman ang crush ni mannix si arcie,

Ayan be ready boi!

"Ay nandito na si arce, arce samahan mo nga isa sa kanila tig isa tayo" turo ni aquila sa kaibigan

"ha ok, sino sa kanila?" Takang tanong naman ni arcie

"Ako!" Sabay na sabi nina sor at mannix

"Ha-"

"Hoy claude!, Bilisan mo andito na sina vince pinapauwi na tayo bilis lika na bad mood si kuya driver!" Biglang sigaw ni julia ang kaservice ni sor at kaklase din nila nasa 2nd row ito nakaupo.

"ha? Sige una na pala ako bye!" Sabay takbo

Matindi magalit si kuya drive drive, baka mabangesh pa sila pagdi sya nagmadali

"......edi hahahah ako nalang?" Sabi ni mannix

Nagpunta nang iba't ibang ways ang mga ito dahil walang forever!!! seperate para may alone time

Habang nakain ng cotton candy sina mannix at arcie,

May nakita silang isang booth

Ang CONFESSION BOOTH

Nakaisip ng kalokohan si mannix, echos lagi namang kalokohan nasa isip nito!

Naisipan niyang idogshow ang mga lumalabas na iiyak

"Pustahan tayo arce! Maraming lalabas diyan na naiyak arat videohan natin!"

Ala eh! Nagpustahan pa!

Dumaan ang 30 minutes na nakatambay sila doon, at tama nga ang mokong! Ma nga 10 na mga lalaki at dalaga na ang nakita nila na umiiyak at tawa lang sila ng tawa

Pero.... Bigla silang hinila ng isang shs student na berde ang dugo at sinabing.

"Hoy kayo mga chikitings! Pumasok nga kayo dito! Puro kayo dogshow dogshow, pero isa sainyo may feelings na para sa isa diyan kaya umamin kana mygosh!" Sigaw nito na parang girl guru na nagbibigay advice.

At hinila sila papasok sa confession booth

"La ate walang ganyanan!" Pahabol na sigaw ni mannix ng biglang may nagsalita

"Welcome sa confession booth!" Salita ng isang shs to officer na naka dress up bilang isang heart na may katawan

"Eto ang 1st question!, Have you ever had a crush within the classroom?" Tanong nito

"Uhmm pwede infatua-" naputol si mannix ng magsalita ulit ang shs

"Ever or never lang ang pwedeng isagot"

"Per-"

"Ever or never!" Napipikon na sabi nito

"Ok! Ever!" Pikon din na sagot ni mannix

"Never." Sagot naman ni arce

Maya maya pa sunod sunod lang ang mga tanong ng may tumawag kay arce at sinenyasan syang pumunta sa likod

"Ahh mannix labas lang ako ah" paalam nito

"Ok ngayon na umalis na siya kuya, aminin mo na kasi!!! Crush mo si ate no?" Pangungulit ng shs

"Oo na oo na! Crush ko na si arcie! Anong problema don?! Eh sa ang ganda niya!" Pikon na pikon si mannix

At napatakip ng bibig sa realization na nadulas na siya

Ang hindi niya alam... Nasa likod niya lang si arcie..

Please vote our story!





Section lavender : Friends Lovers?Where stories live. Discover now