F.O.

27 7 2
                                    

May magclassmates bang nag.... Kikiss sa sulok ng venue!

Ang mas ikinagulat ko pa ay ang babaeng kasama niya.... Ay yung nagiisang babaeng minahal ko simula nung freshman highschooler palang kami,

Si anna rose! Yung bsf ni izzy na pinsan ko!

Sor knows VERY well ,that she is my crush since we were a highschooler, bago pa man dumating si arcie crush ko na si anna, magkakilala na kami simula elem and I can't believe na yung bestfriend ko pa yung mangaagaw sa kanya!

Traitor!

Di ko kinaya pang magtagal kaya tumakbo na ako palabas, with a feeling of a hot sensation coming down my eyes.

It was tears.

Sor's pov:

Kakapasok ko palang sa venue ng party namin at hinanap agad ng mga mata ko si mannix, goods wala pa siya dito magagawa ko na yung experiment ko

Dali dali kong hinila kung sinong baabe man mahablot ko at dinala ko sa sulok ng venue sabay pinin sa wall.

At kung magkakataon nga naman si anna pa. Yung crush ni mannix tsk,

Mageexperiment ako ngayon, to find out my gender. Kasi kahit ayaw ko mang aminin, i think I'm turning gay! Kaya ngayon I'll conduct an experiment to finally confirm it.

I'll kiss a girl and if I don't feel anything then it's confirmed.

"S-sor a-anong k-k-kailangan mo a-" pautal utal na sabi ni anna na halatang nagulat sa ginawa ko pero diko na siya pinatapos dahil gusto ko nang tapusin tong experiment na to kaya i kissed her.

Freak!, It's been 30 seconds and i still don't feel anything am i really GAY?!

Di ko na kinaya at tinulak ko na palayo si anna na mukhang nagulat sa pinaggagawa ko.

At sakto namang pagtalikod ko ay nakita agad ng mga mata ko... Si mannix tumatakbo at.. what the umiiyak?! Putcha si angel na naman ba!? Last day na last day na eh

Kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo pasunod kay mannix at iniwan si anna.

Sorry anna magsosorry nalang ako sayo mamaya!

Naabutan ko si mannix sa likod ng wenclair bldg. Sa tambayan namin sa abandonadong bldg. Kasama niya si izzy at mukhang kinocomfort siya.

Weird. Usually sakin siya unang pupunta. Well baka di niya lang ako nakita kanina i shouldn't overthink some things

Nilapitan ko na siya and i think he felt my presence ang buong akala ko ay lalapit sya sakin at yayakap sakin pero iba... Para bang umiiwas siya at mas lalong lumapit kay izzy at sa kanya yumakap sinenyasan naman ako ni izzy na lumayo muna

But no! I have to know why he's crying, he's my best friend!

"Bakit ka naiyak? Si angel na naman ba ha? Sinaktan ka ba?" Pilit akong lumalapit kahit halatang lumalayo siya.

Kinulit ko parin siya hanggang siya na mismo yung nagtaboy sakin.

"ANO BA! PWEDE BA L-LUMAYO KA NA MU-MUNA!" Sabi nito habang sumisigok pa,Bigla itong tumayo at tinulak ako.

Halata sa mukha niyang sobrang lakas ng pagiyak niya dahil basang basa yung pisnge niya.

Dahil siya na yung mismo nagsabi lumayo narin ako.. baka kailangan niya lang ng space at may kailangan pakong asikasuhin.

Hinanap ko si angel sa venue at nung nakita kona siya ay kinwelyuhan ko, wala akong pake kung babae siya o ano man!

"Won't you ever get tired!? Bakit ba palagi mo nalang tinatarget si mannix ha! At ano nanamang ginawa mo sakanya na naging dahilan kung bakit siya umiiyak ha!"sinigawan ko siya ng todo kaya naman napatingin ang lahat samin at naging center of attraction kami ngayon pero i dont care!

Hindi ito umimik kaya mas lalo kong hinigpitan yung pagkahawak ko sa kwelyo niya at unti unti na siyang tumataas.

"SAGOT!

"H-ha!? Bati na kami ni mannix hindi ako yun!"

"Ah talaga?!" Galit na galit na pag sabi ko

Napansin ko na may ilang studiyanteng lumabas, siguro natakot.

Mannix:

"Mannix mannix!! Si sor at angel nagaaway sa taas bilis bilis!! Baka mapano si angel pigilan mo na yung bestfriend mo!!!" Tarantang pagsusumbong ni krishtel

"Ha!?" Syempre nagulat ako, medyo umok na ako pagkatapos ko kumain ng chocolate pero masama parin pakiramdam ko sa nakita ko..

Agad agad akong tumakbo paakyat dahil alam ko ang pwedeng gawin ni sor!

Pagpasok ko ay nakapaikot na yung mga estudyante at mukhang rambulan na nga

Kinukwelyuhan ngayon ni sor si angel na halatang nahihirapan ng huminga

"SOR TUMIGIL KANA NGA!" sumigaw ako na umagaw pansin sa kanila

"Hala! Andyan na si liwanag drama na to!" Pagbubulungan nila

"AT BAKIT HA?! DIBA PINAIYAK KA NA NAMAN NG LINTEK NA TO!" Medyo lumawag na ang pagkapit niya kay angel

"HINDI HINDI SIYA YUNG DAHILAN!" pagkasabi ko non ay binitawan niya agad si angel

"SERYOSO KABA?! PINAIYAK KANA LAHAT LAHAT PINAGTATANGOL MO PARIN!?"

Nagsigawan na kami na parang kami lang ang nandito, 1st time naming magaway ng ganito..

"HINDI SIYA! KASI IKAW! IKAW ANG DAHILAN PALIBHASA MAY GIRLFRIEND KANA? HA!  TRAYDOR! SABI MO BESTFRIEND TAYO! WALANG BESTFRIEND ANG NANGAAGAW NG MAHAL! ATSAKA ANO BA!? NAKAKASAWA KANA! ANG VIOLENTE MO! NAKAKAINIS KANA! PURO KA NALANG SUNTOK DIYAN SIGAW DIYAN!? AYOKO NA TAPUSIN NA NATIN TO!" buong lakas kong pagsigaw at nag echo pa.

"... SO-o ayaw mo na ? Ha? Ayaw mona kong maging kaibigan? Hindi mo nga alam kung ano talaga yung nangyari eh.." medyo humina na ang boses ni sor parang... Nasaktan ko yata siya at iniiwas na yung tingin niya

"Pero fine k-kung diyan ka sasaya then I'll let you go." Sabi nito at tumakbo na paalis, pero hindi nakatakas sa kin ang mga luha niyang saganang bumabagsak... I've never seen him cry before did i hurt him?..

HALA! F.O. NA BA DIS!?

Section lavender : Friends Lovers?Where stories live. Discover now