CHAPTER 01

394 122 33
                                    

CHAPTER 01: KNIGHT KLEAN

Shanelle's POV

Shanelle Keis Wiseman, ganiyan kahaba ang pangalan ko kaya mas prefer akong tawaging Shan for short. Labing walong taong gulang na ako at mula sa isang maharlikang pamilya, ang Wiseman Royal Family. Isa akong prinsesa pero hindi ko masabi kung prinsesa ba ako o hindi dahil napakauseless ko at medyo rude the way I talk to people kapag hindi close sa 'kin, pero kahit close ganoon din. Ayoko naman kasing maging prinsesa at protektahan ng kahit na sino ngunit kahit magmukmok pa ako rito, wala pa ring magbabago it's because since birth, I was already a princess na itinakdang maging reyna ng aming bansa balang araw. So sad 'di ba, but that's the reality. Pero atleast naiisip ko pa rin mamuhay bilang isang normal na babae katulad ng mga nakikita ko sa labas. Walang bawal, lahat nagagawa nila. Palagi silang masaya at tila walang problema. Sa tingin ko, napakasaya ang ganoon, nakakainggit. Hanggang imagine nalang ba ako nito, saklap naman.

. . . . . . . . . . . .

Nandito ako sa loob ng kuwarto ko at matiyagang nakadungaw sa malaking bintana habang maingat na pinagmamasdan ang buong kaharian. Maaga akong nagising dahil sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi lalo na't nagkaroon ako ng nakakatakot na panaginip.

Ang natatandaan ko, may isang makapangyarihang prinsesa ang pinatay sa harapan ko. Berde ang mga mata niya, has a golden long hair na sumasayad sa lupa, at nakasuot ng mahabang dress na berde. Pinatay siya ng malaking aso o mas tinatawag nilang lobo. Kulay puting lobo ang nakita ko at asul na mga mata nitong masamang nakatitig sa kaniya.

Kahit panaginip lang iyon, pakiramdam ko'y totoong-totoo na naroon ako't nakatayo sa tabi habang sila ay pinagmamasdan.

Nakakatakot ang mga nakikita ko ngunit ang mas nakakatakot ay noong mga sandaling bumaha sa lupa ang sariling dugo ng prinsesa at ang kaniyang mga mata'y may lumuluha habang nakatingin sa akin. Pilit niyang ibinubuka ang bibig niya, mas gusto siyang sabihin pero hindi ko marinig. Hindi ako makalapit dahil natatakot ako sa halimaw na nanakit sa kaniya.

Maliban doon, nagkaroon din ako ng pangitain tungkol sa hinaharap noong nakaraang araw. Malabo siya at hindi ko alam kung bakit, ngayon lang ako nagkaroon ng pangitaing ganoon dahil karamihan sa mga pangitain ay malinaw pero iyong akin ang labo talaga, para akong bulag noon at tanging mga tinig ng mga tao lang ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung para saan ang mga bagay na iyon at kung bakit sa 'kin ipinaparamdam. Nagmistulang palaisipan sa 'kin ang mga bagay na dapat sana'y hindi ko maranasan pero hindi ko maiwasang maintriga, gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin no'n.

"Princess Shan! Princess Shan! Gising ka na ba?" may biglang tumawag sa 'kin mula sa labas ng kuwarto. Sigurado, si aling Theresa iyon. Siya lang kasi ang mahilig manggising sa 'kin araw-araw. Siya ang yaya ko. Napakabait niya at maalaga ngunit madalas nakakatakot dahil napakaistrikto. Takot nga ako sa kanya pero paminsan-minsan lang naman. Of course, respect those people whose older than you ika nga ng iba.

Lumingon ako sa nakasaradong pinto at sabay napabumuntong hininga.

"Gising na ho ako."

"Kung ganoon, mag ayos ka na at kayo'y kakain ng iyong pamilya. Hinihintay ka ng iyong ama at ina," utos sa 'kin ni aling Theresa.

Saglit akong napakamot sa magulo kung buhok at nagpapikit-pikit dahil sa natatamad ako.

Mahabang sermon na naman ba ito sa 'kin nina mama at papa? Ayaw ko sana silang makita ngayon kaso si aling Theresa kasi, huhu.

WISEMAN KINGDOM: The War (Revise 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora